Chapter 29: Nalalapit na sagupaan.

978 45 4
                                    

Isang araw ang lumipas. Sa ngayon ay kasalukuyan ng nasa byahe sina Timothy sakay ng isang eroplano at patungo na sila sa katabing bayan ng Tarcan dahil dito may paliparan. Halos ilang oras na lang ay malapit na silang makarating, subalit palubog na ang araw kaya halos ang lahat ay dinadapuan na ng antok.

"Ate, malapit na tayo diba?" Tanong ni Aussa.

"*Uhm! Wag kang mag-alala, gigisingin ko na lang kayo sa oras na nandun na tayo." Tugon ni Wynn.

"Okay." Sambit muli ni Aussa.

Hindi na muli pang nagsalita si Aussa at tulad ng iba pa niyang kapatid ay ipinikit na rin niya ang kaniyang mga mata. Samantala, napatingin na lang si Wynn kay Iratha habang pinagmamasdan nito ang mga ulap sa labas ng bintana.

"Sino ba talaga ang lalaking ito? Bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa tuwing tinititigan ko siya?" Sambit ni Wynn derekta sa kaniyang isipan.

Samantala, mapunta naman tayo sa isang lalaki. Kasalukuyan pa rin itong naglalakad patungo sa bayan ng Asteruins. Halos ilang metro na lang ang layo niya nang bigla itong tumigil at kalaunan ay bumuwal.

"Tubig... Pagkain... *Ahh..." Hirap na pagkakasambit ni Phuz.

Dulot ng labis na panghihina ay tuluyan nang nawalan ng malay si Phuz. Halos ilang minuto rin siyang nakahandusay sa buhanginan, bago tuluyang may makakita sa kaniya.

Lumipas ang isang oras ay tuluyan nang nagkamalay si Phuz. Nagising siya sa isang maliit na kwarto at kahit labis na nagtataka ay bigla na lang nagising ang kaniyang diwa matapos maka-amoy ng mabangong pagkain. Kahit nanghihina ay masigla siyang bumangon upang hanapin kung saan nagmumula ang kaniyang naamoy. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay isang babae ang biglang pumasok.

"*Oh! Mabuti naman at gising ka na!" Sambit ng isang babae.

"*Umm.. Nasaan ako?" Tanong ni Phuz.

"Nandito ka sa loob ng Asteruins. Pero nagtataka lang ako, bakit ka naman napunta sa lugar na ito? Nabiktima ka ba ng mga bandido?" Sambit muli ng babae.

Hindi na nagawang tumugon ni Phuz at napakamot na ang ito sa kaniyang patilya. Samantala, matapos itong makita ng babae ay napa-iling na lang siya at kalaunan ay muling nagsalita.

"Oo nga pala, ako nga pala si Amelia." Sambit muli ng babae.

"*Ahh! Ako naman si Phuz, Phuz Rioka." Sambit ni Phuz.

"*Hmm.. Ang mabuti pa siguro ay kumain ka na muna, mukhang wala ka pang kinakain magmula kanina." Sambit muli ni Amelia.

Napangiti na lang si Phuz matapos marinig ang huling sinabi ni Amelia at kasabay nito ay ang paulit-ulit niyang pagtango.

"Sumunod ka sa'kin para makakain ka na." Nakangiting pagkakasambit ni Amelia.

Ilang sandali pa ay halos sabay nang lumabas ang dalawa sa kwarto at kalaunan ay nagtungo na kusina kung saan nakahain ang kanilang hapunan.

Mabilis umupo si Phuz sa isang upuan at dala na rin ng labis na gutom ay mabilis na niyang pinaspasan ang pagkain na halos kaabot pa lang sa kaniya.

Gun X BountyWhere stories live. Discover now