Chapter 16: Gantimpala.

1.6K 54 7
                                    

Napagtagumpayan nina Lisa ang pagsubok na ibinigay sa kanila, ngunit ayon kay Eiel ay hindi pa rin sapat ang kanilang mga lakas. Labis namang nagtataka si Andalus at napapaisip sa kung anong klaseng sandata si Eiel na sinabi sa kaniya ni Fate.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na silang maglakad patungo sa lugar kung saan kasalukuyang namamalagi sina Eiel. Labis namang naiilang ang tatlo, dahil kasunod nila ang Solar Ursa na nakalaban nila at ang mga anak nito.

 

“Sigurado ka bang hindi na kami aatakehin nitong malaking oso sa likuran na’min?” Tanong ni Lisa.

 

*Hahaha! Mabait yang si Ursula at masasabi kong sila ang pinaka-kinatatakutang nilalang dito sa buong gubat. At syempre, si Ursula ang namumuno sa kanilang lahi!” Tugon ni Eiel.

“Mabait pero sila ang pinaka-kinatatakutan dito? Sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano mo nasasabi ang mga salitang yon! Totoong ibang-iba ka na sa dating Eiel na kilala ko.” Sambit muli ni Lisa.

 

*Hahaha! Pasensya ka na, pero wala namang nagbago sa personality ko.” Sambit muli ni Eiel.

Ilang minuto pang paglalakad ay narating na nila ang isang maliit at sobrang lumang bahay. Hindi makapaniwala si Andalus sa kaniyang nakita malapit sa bahay. Katabi kasi nito ay isang napalaking puno.

 

“Viper tree?!” Sambit ni Andalus.

Agad napalingon sina Lisa kay Andalus at kalaunan ay sinubukang hanapin ang halamang sinabi nito.

 

“Nasaan po?” Tanong ni Lisa.

Agad itinuro ni Andalus ang malaking puno at dito ay laking gulat nina Lisa matapos itong malaman.

 

“Isang viper tree ang punong yan? Pero sobrang laki nito!” Sambit ni Lisa.

*Hmm.. Tinatatayang may ilang libong taon na din siguro ang punong yan. Nung dumating kami dito ni Bul, tatlong daan taon na ang nakakalipas ay halos ganiyan na ang taas ng punong yan. At ang kalidad ng materyales na nakukuha dito ay sobrang mataas, kaya hahayaan kita ginoong Andalus na makakuha mamaya.” Sambit ni Eiel.

“Sa totoo lang, kahit pagbawalan mo ako ay kukuha pa rin ako! Ito ang unang beses na makakita ako ng ganitong kalaking viper tree! Nasa 12 feet lang at tinatayang may kalahating metro ang taba ng pinaka-malaking viper na nakita ko sa buong buhay ko. Pero ang punong ito, siguro nasa 80 feet ang taas nito at nasa 20 meters ang lapad. Grabe, sobrang saya ko ngayon!” Sambit muli ni Andalus.

Napangiti na lang sina Lisa matapos makita ang masayang si Andalus. Tila kasi nagbalik ito sa pagkabata matapos makita ang puno.

 

“Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob.” Sambit muli ni Eiel.

 

“*Uhm!” Tugon nina Lisa at Fate.

Gun X BountyWhere stories live. Discover now