Chapter 32: Phuz Rioka

854 37 1
                                    

Ilang minuto pa ay mararating na ng grupo nina Timothy ang Asteruins, ngunit sa pagkakataong ito ay may napapansin silang hindi tama. Marami kasing nadir/tao ang kanilang nakasalubong at tila nagmula ang mga ito sa nasabing bayan.

"Ano ang nangyayari sa kanila? Lumilikas ba sila?" Tanong ni Wynn.

"Mukhang ganon na nga! Hindi kaya nandon na si Iratha at kasalukuyan na siyang nakikipaglaban sa Bul-Khatos Vidala?" Sambit ni Timothy.

"*Tsk! Sino ba kasi talaga ang Iratha na yon?!" Tanong muli ni Wynn.

"Hindi rin na'min alam, pero malaki ang hinala ko na may kaugnayan talaga siya sa Bul-Khatos Vidala." Tugon ni Timothy.

Hindi na nag-usap pa ang dalawa at mas binilisan na lang ni Timothy ang kaniyang pagmamaneho. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang Asteruins. Sa loob ng bayan ay agad nilang napansin na wala ang tao, ngunit sinikap pa rin nilang maghanap upang may mapagtanungan.

Samantala, kasalukuyan na ngayon kasama nina Khastro sina Bul sa isa pang base. Dito ay labis na nagulat si Yngritte matapos makita si Fate.

"Khastro? Teka?! Nasaan sina Tosara at Lisa?" Tanong ni Fate.

"Anong ginawa mo dito, Fate? Wag mong sabihing isinuko mo na agad ang planeta na'tin?" Tanong ni Yngritte.

Agad napatingin si Fate kay Yngritte matapos niya itong marinig.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong muli ni Fate.

"Wag mo na munang guluhin ang isipan ni Fate, Yngritte." Sambit ni Bul.

Sa pagkakataong ito ay agad nakuha ni Yngritte ang kasalukuyang nangyayari.

"Kung ganon ay walang alam si Fate sa kung ano ang mga mangyayari." Sambit ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

"*Fufufu.. Kailan ba na'tin isasakatuparan ang plano na'tin?" Tanong ni Khastro.

"Wag kang masyadong mainip, c-02. Darating din ang tamang oras, pero sa ngayon ay mas mabuti kung hintayin na'tin makapagdisisyon si c-03." Sambit ni Risk.

Sa pagkakataong ito ay agad napatingin ang grupo nina Khastro sa nagsalita, dahil ngayon lang nila ito napansin.

"*Huh? At sino ka naman?!" Tanong muli ni Khastro.

"Siya ang ating lumikha. Siya si Risk." Tugon ni Bul.

Labis na nagulat sina Khastro matapos marinig ang sinabi ni Bul sa kanila.

"Lumikha?" Tanong ni Yngritte.

"Imposible yang sinasabi mo! Hindi ba't iba ang itsura ng mga subtellon?!" Sambit ni Lala.

"Wag kayong mag-alala, dahil ang katawang gamit ko ay isang artipisyal lang." Sambit muli ni Risk.

"Nagsasabi ng totoo si ginoong Risk! Totoong isa siyang subtellon." Sambit ni Fate.

"Talaga?! Isang sublellon ang lalaking yan?!" Tanong muli ni Yngritte.

"Ang mabuti pa ay lalabas muna ako para hintayin sina c-03." Sambit ni Iratha.

"Kung ganon ay sasamahan na kita, kuya." Sambit ni Bul.

Ilang sandali pa ay naglakad na palalabas ang dalawa at napatingin na lang sina Khastro sa mga ito. Matapos nilang maalis ay agad nang nilapitan ni Khastro si Risk at matapos nito ay agad na niya itong kinausap.

Samantala, kasalukuyan ng naghahanda sina Eiel para sa gagawin nilang pakikipaglaban. Batid nilang imposibleng manalo, ngunit mas gugustuhin na lang nilang mamatay kasama ng planetang ito.

Gun X BountyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon