Chapter 6: Ang nawawalang kapareha.

1.9K 73 12
                                    

October 10, CS344. Sa ngayon ay kasalukuyan ng nasa byahe ang magkapatid dala ang konting impormasyon tungkol sa kanilang pakay sa bayan ng Argos.

 

“Khastro? *Hmm.. Sigurado ka bang walang maalala sa pangalang yon, Eiel?” Tanong ni Lisa.

“Wala. Pero malalaman ko ang tungkol sa bagay na yan mamaya sa oras na makita na’tin siya.” Tugon ni Eiel.

 

*Uhm! Nauunawaan ko.” Sambit muli ni Lisa.

Tumagal ng limang oras ang naging byahe nang magkapatid bago tuluyang marating ang bayan ng Argos.

Sa loob ng bayan ay agad silang humanap ng bar kung saan posible silang makakuha ng impormasyon. At natagpuan nila ito hindi kalayuan sa pinakapusod ng bayan.Sandali nilang ipinarada ang gamit nilang sasakyan at agad ng dumeretso sa loob ng naturang bar.

Sa kanilang pagpasok ay agad silang sinalubong ng mga masasamang tingin mula sa iba pang mga bounty hunters na naroroon. Kaswal lang naman silang naglakad patungo sa counter ng naturang bar dala ang kanilang mga baril. Pero ilang hakbang pa ay may isang lalaki ang humarang kay Lisa at kalaunan ay nagsalita.

“Wow miss! Ang ganda mo naman! Bakit hindi ka muna sumama sa’min dun sa aming lamesa.” Masayang pagkakasambit nung lalaki.

Halos magsalubong ang mga kilay ni Lisa matapos marinig ang sinabi nung lalaki, kaya naman dali-dali niyang hinugot ang isa sa kaniyang mga handgun sa lalagyan nito at kalaunan ay pinaputukan sa hita yung lalaki.

 

*** SFX: PUN! ***

 

*Huwaaaaaaaa! Aray! Aray! Aray! Ang sakit!” Sigaw nung lalaki.

Agad napaluhod ang lalaki at mabilis na napawak sa kaliwang hita nito. At sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay dali-daling napatayo ang mga kasamahan nung lalaki at kalaunan ay mabilis na dinukot ang kani-kanilang mga baril na mabilis nilang itinutok kay Lisa.

 

*** SFX: PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! ***

Limang sunud-sunod na putok ang umalingawngaw sa loob ng bar at ang mga lalaki na halos ka dudukot pa lang ng kanilang mga baril ay kasalukuyan ng hawak-hawak ang kanilang mga kamay, dahil ang bawat isa sa kanila ay tinamaan na ni Lisa.

 

“Sino pa ang gustong makatikim?” Galit na pagkakasambit ni Lisa.

Sa mga sandaling ito ay napa-face palm na lang si Eiel, dahil sobrang malas nang lalaking nambastos kay Lisa.

(Note: Ang pinaka-ayaw ni Lisa sa lahat ay itinuturing siyang isang bayarang babae. At halos lahat ng nagkamali ay namatay. xD)

Ilang sandali pa ay halos tumayo na ang lahat ng mga tao/nadir na nasa loob ng naturang bar. At ang bawat isa sa mga ito ay nakahawak na sa kanilang mga baril. Pero agad nabaling ang atensyon ng mga ito ng magsimula ng magsalita ang barista ng naturang bar.

Gun X BountyWhere stories live. Discover now