Chapter 1: Griswold's Legacy.

4.1K 126 34
                                    

August 26, taong CS344. Halos kakatapak pa lang ng magkapatid na Eiel at Lisa Griswold sa desyertong bayan ng Tarkan. Sa loob kasi ng bayang ito posibleng makita nila ang nilalang na matagal na nilang hinahanap. At umaasa sila na sa araw na ito ay makita na nila ito, dahil maraming bansa at bayan na rin ang kanilang napuntahan at hanggang sa ngayon ay bigo pa rin silang makita ito.

 

“Eiel, sa tingin mo ba ay tama na ang nakuha na’ting impormasyon?” Tanong ni Lisa.

 

“Siguro! Ayon kasi sa ating source ay nagpakita dito si Bul-khatos.” Tugon naman ni Eiel.

 

“Kung ganon, simulan na na’tin ang ating trabaho.” Nakangiting pagkakasambit ni Lisa.

*** Lisa Griswold. 19 years old at isang sikat na bounty hunter, kasama ang kaniyang kapatid na si Eiel. War freak, bungangera, hindi pasensyosa at mabilis magalit. Ngunit sa likod nito ay mabait siya at mapag-alaga. Gamit ang kaniyang mga baril na: “Shooting star” (Firearm), “Dual Blind Griffon” (Pistols) at “Eagle’s eye” (Long range rifle) ay hinuhuli nila ang kanilang mga target na kriminal, para makakuha ng pera sa nakapatong sa mga ulo nito.

Slim ang pangangatawan nitong si Lisa, nasa 5’2 ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang mahabang blonde niyang buhok at medyo may hinaharap naman. (if you know what I mean! :3) ***

 

*** Eiel Griswold. Hindi tukoy ang kaniyang edad, dahil wala siyang maalala matapos makaligtas sa pagkawasak nang bayan ng Lorencia. At hindi siya tunay na kapatid ni Lisa, dahil natagpuan lang siya ng mga kamag-anak nito na sugatan at walang malay, hindi kalayuan sa naturang bayan. Kabaliktaran naman ng ugali ni Lisa itong si Eiel. Magalang, mabait at pasensyoso siya. Ngunit sa likod nito ay sobrang galing niya sa pag gamit ng nag-iisa niyang baril, ang “Rotten Skull” (Revolver).

Medyo matipuno ang pangangatawan nitong si Eiel, nasa 5’5 ang kaniyang taas, medyo kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at puti na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***

 

Matapos mag-usap ng magkapatid ay agad na silang nagtungo sa isang bar kung saan nagtitipon-tipon ang mga bounty hunters, dahil kalimitang dito naka-paskil ang mga kriminal na may patong sa kanilang mga ulo. Sa pagpasok ng dalawa ay agad napatingin sa kanila ang lahat ng tao/nadir na nasa loob. Hindi naman ito pinansin ni Lisa at agad itong dumiretso sa counter kung nasaan yung barista ng naturang bar. Samantala, medyo kinakabahan naman si Eiel at palingon-lingon ito sa mga nakatingin sa kanila.

 

“Master, Lemonade please.” Sambit ni Lisa.

Hindi naman nagsalita ang barista bagkus ay agad niyang pinagsilbihin si Lisa at ilang sandali pa ay naibigay na nito ang lemonade na inorder sa kaniya.

“Lisa, hindi mo ba napapansin na kanina pa tayo pinagtitinginan ng masama ng mga naririto?” Medyo takot ang tono ng pagkakasambit ni Eiel.

 

“Hayaan mo sila, alam kasi nilang sikat tayo.” Tugon naman ni Lisa.

Gun X BountyWhere stories live. Discover now