Page Six

2 0 0
                                    

Page Six
Suitor

It's been a month since Aiden courted me. Yes, pinayagan ko na siyang ligawan ako. I decided to give him a chance. I realized kasi na we really have a lot of things in common. We know each other's likes and dislikes. We've known each other for years and I don't think that he'll just destroy everything we have. I trust him a lot.

Nandito kami ngayon ni kuya sa Cathedral. Kuya Marcus is 2 years older than me. And he's the best Kuya ever. He would always take me out and buy me things. Nakasanayan na rin naming magsimba every Sunday together since hindi naman namin masasama sina Mama kasi busy naman sila palagi.

I'm planning on introducing him to Aiden though kilala niya naman talaga si Aiden since palagi siyang nasa bahay when we were in highschoool. Pero what my Kuya know is mag ex sila ni Nicole. I'm planning to introduce him as my suitor this time.

Nakaupo kami sa left side nang church at sa gitna banda. Palinga linga ako sa pintuan nang simbahan to look for Aiden since he texted me na papasok na daw siya nang church. When I saw him, I immediately raises my hand for him to see us. When his eyes stopped in me, he smiled and walk towards us.

"Oh bro! Sisimba ka rin?" tanong sa kaniya ni kuya pagkalapit niya sa upuan namin.

He gave kuya a high five.

"Naman. You know good boy ako" biro niya dito.

"Anong good boy? Kaya ka lang naman nandito sa simbahan kase inaya kita eh!" pambara ko sa kaniya.

"Ito talagang kapatid mo Marcus, sobrang hate ako. Nililigawan ko na nga mainit pa rin ulo sakin" sabi niya kay kuya sabay kamot sa ulo ko.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Panira! Mamaya ko pa dapat siya papakilala as suitor eh!

"Sure ka na ba diyan sa desisyon mo? Hindi ka magba-back out? Bigyan kita nang chance. Masisira buhay mo dito oy." sabi ni kuya sa kaniya at ang matindi sabay pang tumawa! Aba!

I rolled my eyes and pouted. "Ah ganon pala ha." kunwaring tampo ko sabay tingin sa harap.

Pinagpatuloy nilang dalawa ang pag-uusap at tumigil lang nang dumating na yung pari.

Pagkatapos nang misa at agad kaming inaya ni kuya magbreakfast. Pumunta kami sa Mcdo since yun lang naman yung open ngayon since maaga pa at malapit na din.

I felt someone poked me. Agad akong lumingon kay Aiden at tinignan siya nang masama.

"Ano?!" singhal ko sa kaniya.

"Ikaw talaga, binibiro ka lang naman ni Marcus" sabay tawa. Hinampas ko ang braso niya at umiwas na nang tingin.

After we had our breakfast, umalis na agad si kuya since may pupuntahan pa daw siya. While Aiden and me went to the nearest gaming shop. LOL time!!

Nakangiti ako habang naglalakad kami papuntang Mineski.

"Aba, pag laro ang usapan nakangiti? Ibang klase!!" untag ni Aiden

"Shut up! 'Wag mo sirain ang mood ko at mapapatay kita!" singhal ko ulit sa kaniya.

Nakita ko siyang binagalan ang lakad at pumunta sa kabilang side ko.

"Boys should be the one walking near the road." he said.

Natigilan ako saglit. But I just made face to him. Ngumisi naman siya sakin.

Nang malapit na kami sa pinto ay binilisan niya ang lakad at pinagbuksan ako nang pinto. Aba kinareer ah.

"After you milady." sabay bow nang bahagya.

Inismiran ko lang siya at tinapon sa kaniya yung membership card ko.

"Ikaw na mag add nang time. Hanggang lunch ha!" at naglakad na ako para mag hanap nang uupuan namin.

Nakita kong nakabusangot yung mukha niya habang naglalakad papunta sakin.

"Oh anong problema mo?" tanong ko sa kaniya.

"Yoko dito!" parang batang sagot niya.

"Eh maganda naman dito ah! Maginaw pa kasi malapit sa aircon."

"Sige palit nalang tayo!" pangumbinsi niya.

Ano ba problema nito? Saka ayoko sa wall. Mainit dun banda. Yung seat kasi na nireserve ko sa kaniya yung nakadikit sa wall, then sakin tapos may lalaki akong katabi and so on.

"Ayoko! Mainit diyan!"

"Paypayan kita! Basta ako na diyan sa inuupuan mo" pamimilit niya sakin.

Para kaming tanga dito na nag aaway, but I obeyed him anyway. Pagkaupo niya nakita ko pang tinignan niya nang masama ang lalakeng katabi ko dapat.

Napatawa ako nang malakas nang mapagtanto ko ang lahat.

"Nagseselos ka no? Yiiee, aminin!!!" tukso ko sa kaniya.

"Oo nagseselos ako!" and rolled his eyes on me.

"Aba ang OA mo ha! As if naman maghahalikan kami diyan! Hmp"

"Ako nalang"

"Ang ano?" tanong ko

"Ang halikan mo" sagot niya sabay ngisi.

Natigilan ako na parang hindi pa ang sink in yung sinabi niya. After seconds nakabawi ako at binatukan siya nang malakas.

"Che!"

"Ayieee, natigilan. Pinag isipan!!" pabalik niyang tukso sakin.

We played hanggang sumakit na yung mata namin at nakaramdam kami nang gutom. Kaya we decided to stop playing muna and eat. He took me to a carinderya. I'm not choosy naman, I used to eat in carinderyas since Kuya Marcus would always drag me with him whenever he wants to eat sa carinderya.

Mga silog meals yung niluluto nila. I don't know what to order since sawa na'ko sa tapsilog. So Aiden encouraged  me to try their sisig. At first ayoko sana since hindi naman talaga ako kumakain nun, but he dared me! Kaya no choice.

When the food arrive and we started to eat, I realized na sisig taste good naman pala.

***

Hardest Goodbye [ON-GOING]Where stories live. Discover now