꧁ ҳѵ | զųıŋƈє

Start from the beginning
                                    

Dumaing man ang matandang babae upang sila'y mahabag at tumulong, walang pumansin dito ni isa.

Gusto ko sanang tulungan ang matanda kahit sa pagtayo man lang dahil wala rin naman akong salaping maibibigay ay hindi ko magawa. Lulan kami ng karwaheng umaandar at ayokong maabala pa ang doña sa aming lakad lalo pa't may nagawa akong kahiya-hiya sa harap niya kanina.

Sinundan ko na lamang ng tingin ang matanda hanggang sa makalayo kami sa simbahan at maglaho ito sa aking paningin.

Ilang minuto pa ang itinagal ng aming biyahe bago ipahayag ng kutsero na narating na namin ang aming patutunguhan.

Unang bumaba ang doña na inalalayan naman ng kutsero. Sumunod ako ngunit bago ako bumaba ay hindi ko mapigilang hawakan ang singsing na nakasabit sa aking leeg.

Kung sana naandito ka lang, Yuan...

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang bumaba.

Napawi ang lumbay na nararamdaman ko nang masilayan ang bahay na aming tutuluyan.

Humahanga ako sa traditional Japanese houses namin ngunit hindi rin mapagkakaila ang kagandahan ng Spanish vintage houses sa panahong ito.

Humahanga ako sa traditional Japanese houses namin ngunit hindi rin mapagkakaila ang kagandahan ng Spanish vintage houses sa panahong ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Gawa sa bato ang mga haligi ng bahay sa unang palapag habang gawa naman sa matitibay na kahoy ang ikalawang palapag.

Naglalakihan din ang mga bintanang gawa sa capiz habang napaka-elegante ng mga nakaukit na disenyo sa kahoy nito.

Napakagandang tignan at tirhan ng bahay na ito.

Sa ganda ng bahay ay saka ko lamang napansin ang ilang ginoong nag-aabang sa azotea.

Azotea : Balcony

Nang mapansin nila kami ay masigla silang tumawa at lumapit sa amin.

"Magandang umaga sa inyo, Señora Marqueza! Maligayang pagdating sa pueblo ng San Diego!" malakas at masiglang pagbati ng isang matangkad na may katabaang ginoo. Nakapangmilitar din siyang uniporme ngunit hindi kasing rangya ng kasuotan ni Juan Vicente.

Kinuha niya ang suot na sumbrero at inilagay sa kanyang dibdib bago yumuko.

Gayon din naman ang ginawa ng isa pa niyang kasamang ginoo. Mas maliit ito kumpara sa naunang bumati at patpatin.

"Ikinagagalak namin ang inyong pagbisita," nakangiting pagbati naman ng maliit at payat na ginoo.

Matapos nilang yumuko ay sabay silang bumaling sa akin at kapwa nanlaki ang mga mata. Hindi ko tuloy mapigilang mapaatras kahit na wala namang bahid ng malisya ang kanilang tingin.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now