Chapter 1

107 0 1
                                    

"Padre, Sei sicuro?" (Father, Are you sure?)  Tanong ni Austin na bente uno ang edad sa Ama.

Kasulukuyang nasa italia sila dahil sa isang meeting ng ama sa mga pulisya sa italia. Ayaw tanggapin ng Ama niya ang panibagong subok na ibinigay ng heneral. Masyado itong mapanganib at madugo. Hindi kasi biro ang misyon.

"Hindi ko alam, anak. Kilala ko ang makakalaban natin.Sa katunayan ay mas malakas pa ito satin.Si Valir Montero ay isa sa mga pinuno ng isang grupo ng mga terorista at pinakawanted sa buong mundo. Maraming ilegal na sugalan at bilihan ng droga ang isang iyon. Maraming beses na ding sinubukan na dakipin ng mga pulisya si Valir pero hindi nagtatagumpay. Mautak at magaling magpaikot ang isang iyon."  kwento ng Ama

"Pero Dad, diba't may mga kagamitan naman tayo at maraming tao? At siyam na taon na akong nagttraining. Hindi pa ba sapat iyon? " bumuntong hininga ang Ama niya at humarap sa kaniya.

"Austin, anak. Hindi sapat iyon. Oo nga't malakas na tayo. Pero hindi pa ganoon kalakas katulad ng grupo ni Valir."

"Qual è il tuo piano?"

Nilingon naman nilang dalawa ang pinagmulan ng tinig na iyon. Nagtatanong ito kung anong plano na ng Ama niya.

"Mi dispiace. I can't take--"

Namilog ang mga mata ni Austin sa narinig na sunod sunod na putok ng baril. Natamaan ang ama niya sa tagiliran.

"Master! Young master!" Tawag ng butler nilang si Marcelo.

Tila napako ang mga paa ni Austin nang makita niyang duguan ang Ama niya.

"Austin! Halika na!" Sigaw ng Ama niya at nagpahila ito para bumaba mula sa rooftop ng building. 

Maraming gumabay na tauhan nila at pumalibot sa kanila para makalabas sila ng ligtas sa building na iyon. Nang makarating sila sa parking lot ay kanya kanyang sakay sa kanikanilang kotse. Sumakay na si Austin sa kotse nila pero ang ama nito ay nanatili sa labas. Kinuha naman ng ama niya ang isang baril sa maliit na compartment sa gitna ng kotse.

"Dad! Anong ginagawa mo diyan?? Halika ka at para madala ka na sa ospital!" Sigaw ni Austin sa Ama na nasa labas ng kotse.

"Hindi pwede. Austin." Sinapo ng Ama niya ang kanyang pisngi. "Ingatan mo ang iyong Ina. At ang kapatid mong si Arciera. Hanapin mo siya at pabalikin sa bahay. Pakisabi sa kanya na patawarin ako sa lahat ng mga ginawa ko. "

"Ano bang sinasabi mo Dad??" Pumikit saglit ang ama niya at tumingin ulit sa kanya. "Dad! Halika na! Ipapadala na ki--"

"Anak. Tandaan mong mahal na mahal ko kayo ng Ate mo at Mama mo." Isinara ng Ama niya ang pintuan ng kotse nila at unti unting humakbang papalayo.

"Dad--"

"Marcelo. Ihatid mo siya sa pilipinas, ngayon din. "

"Yes, Master. " sabi ni Marcelo at saka pinaharurot ang sasakyan.

"Hindi! Marcelo! Itigil mo ang sasakyan! Kailangang maisama natin ang papà!"

Kahit anong gawin ni Austin na pagsigaw ay hindi tumigil ang sasakyan. Kaya ang nagawa niya lang ay sundan ng tingin ang ama niya na papalayo sa kanya.

"No.. "

Unti unting nagsipatakan ang pampasabog sa lugar kung saan andoon ang ama niya. Pero mabilis na kumilos ang ama niya at sumakay sa isa pang itim na kotse na nakaparada. Nakabukas ang bintana noon at nakalabas ang kamay na may hawak na baril habang pinapaandar ng kanyang ama.

My Lecherous Gangster(+18)[On-going]Where stories live. Discover now