13: Afternoon Escapades

Começar do início
                                    

Base sa ilang buwang pagkakakilala ko sa kaniya ay wala naman akong nakitang hindi katuwa-tuwa. Mabait naman siya at masasabi kong matalino rin. Hindi niya naman siguro sasaktan si Mads kung sakali.

"Wow." Iyon na lang ang nasabi ko habang nakangiting pinagmamasdan ang likuran nilang dalawa. "Mads for the win."

"Haha. Mads for the win talaga!" pagsang-ayon ni Ganja.

Nagkukuwentuhan lang kaming dalawa nang mahagip ng tingin ko ang isang matangkad na aninong nakatayo sa labas ng room namin at nakamasid sa akin.

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa gulat, ngunit napabuntonghininga na lang ako nang makilala kung sino 'yon. Wala naman kasi akong ibang kilalang estudyante ng Dawson na kasing-tangkad niya maliban na lang do'n sa isa ring kaklase niya na nakahuli sa akin no'ng School Fair.

"U-Uhm," bulong ko kay Ganja habang hindi inaalis ang tingin kay Axl. "Uhm. Naiwan ko yata 'yong ballpen ko sa library, mamsh. Babalikan ko lang," palusot ko.

"May extra akong ball—"

"Okay lang, mamsh!" pagpupumilit ko. "Babalik din ako kaagad!"

Madali akong tumayo mula sa upuan ko at saka kabadong nilingon si Axl sa kinatatayuan niya. Buti na lang at walang ibang nakapansin sa kaniya maliban sa akin. Grabe pa naman kung manukso ang mga kaibigan ko.

Matapos magpaalam ay tinalikuran ko na si Ganja at saka madaling naglakad papunta sa may pintuan. Pagkalabas ko ng classroom ay nilapitan ko kaagad si Axl at saka kinapitan ang braso niya upang hilahin siya sa dulo ng hallway.

"Axl, anong—"

"Wala akong number mo," bulong niya na tila ba 'yon ang pinakamalaking problema sa mundo.

"H-Ha?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Sinadya niya ba talagang umakyat pa rito para lang do'n?

"Anong number mo?" ulit na tanong niya, sabay kuha sa cellphone niya mula sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Dumaan sa likuran niya ang tatlo sa mga kaklase kong babae at lahat sila ay sigurado akong narinig ang paghingi niya ng number ko. Naramdaman ko tuloy na nag-init ang pisngi ko lalo na nang makita kung paano nila interesadong pinasadahan ng tingin si Axl.

Hindi sa nagyayabang ako, pero hindi hamak na mas pogi siya kay Dave at mas malakas din ang dating. May shortage kami ng mga lalaki sa course namin kaya hindi na ako nagulat na nakuha niya ang pansin ng mga babaeng kaklase ko.

"Uhm," bulong ko. Hindi inaalis ni Axl ang tingin niya sa akin, dahilan kung bakit tila nagsimulang lumipad sa ere ang isip ko.

Pumasok na sa loob ng room namin 'yong mga kaklase ko, pero kahit wala na sila ay nagsimula namang magdatingan ang iba pang mga estudyante sa floor namin na kapwa mga nakamasid din kay Axl at halatang naguguwapuhan sa kaniya.

Sino ba naman kasing hindi?

Matangkad siya. Chinito. Maayos pumorma.

Kahit sa malayo ay talagang kapansin-pansin na ang itsura niya. Lalo na sa malapitan dahil mukha talaga siyang binuhay mula sa isang Japanese anime o kaya ay manga.

"Axl," bulong ko. Pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko sa labis na kalulunok. "Mag-usap na lang tayo mamaya. Baka kasi dumating na 'yong prof namin."

Tumango siya. "What time is your lunch break?"

Bawat segundong lumilipas ay mas lalong dumarami ang mga nagdaraanang estudyante at mas lalo kong nararamdaman ang mas lumalala pang pamumula ng mga pisngi ko.

"Siya 'yong nasa BOB no'ng Friday, 'di ba?" Narinig kong bulong ng isa sa mga babaeng dumaan.

"Siya nga yata! Kaso, wala na siya no'ng Awarding," sagot naman ng kasama niya.

Pursuing Pat (Dawson University Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora