Hindi ko alam kung nahalata nila ang pamumugto ng mga mata ko, pero nagpapasalamat pa rin ako na hindi na nila ib-in-ring-up pa 'yon.

"Parang ngayon lang kita nakitang nag-red lipstick, ah?" komento ni Ganja habang nakatingin sa labi ko. Madalas kasi ay nude-colored lip balm lang ang ginagamit ko o kaya ay lip oil.

"Anong lipstick 'yan, mamsh? Pahiram ako," ani Mads habang naglalakad kami pabalik sa field.

Kinuha ko 'yong lipstick mula sa bag ko at inabot 'yon sa kaniya. Mabilis niya naman 'yong binuksan at ekspertong pinahid sa mga labi niya nang hindi tumitingin sa salamin.

"Ganito mga bet kong lipstick, eh," ika niya. "Iyon bang matagal mabura. Kahit kuskusin mo ng tubig, hindi agad matatanggal." Ipinakita niya pa sa amin kung paano nanatili 'yong lipstick sa labi niya kahit pa kinuskos niya na ito gamit ang likuran ng kamay niya.

"Sige na nga. Ako rin," ani Ganja. Hindi siya pala-make-up pero School Fair naman ngayon at halos lahat ng mga estudyante ay nakaayos. Maagap siyang nilagyan ni Mads ng lipstick sa labi bago pa magbago ang isip niya.

Sa aming tatlo, si Mads 'yong pinakahabulin ng lalaki at si Ganj naman 'yong lowkey lang pero sobrang ganda pa rin. Kung aayusan siya, tingin ko ay mas dadami pa ang makakapansin sa kaniya.

"Selfie tayo, mga baks. Ilalagay ko sa My Day ko," sabik na aya ni Mads, sabay labas ng phone niya matapos ibalik sa akin ang lipstick ko.

Pumuwesto sa gitna si Ganja at umakbay sa amin, habang si Mads naman ang kumuha ng litrato.

"Lugi naman tayo masyado sa isang 'to," pabirong komento ni Ganja habang nakatingin sa akin. "Masyadong artistahin. I-crop mo nga 'yan!"

Nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa kamay ko at nilagyan ako ng posas sa may palapulsuhan.

"Hoy! Ano 'to?!" sigaw ko sa lalaking nakahawak sa akin. Hindi ko siya kilala at duda akong nakita ko na siya noon. "Sino ka?!"

"Nanghuhuli kami sa jail booth ng mga babaeng naka-lipstick na pula. Kung ako sa inyo, tatakbo na 'ko," pang-asar na payo niya kanila Mads at Ganja.

Agad namang tumingin sa akin 'yong dalawa at saka sabay na kumaripas ng takbo nang makitang may iba pang mga Engineering students na paparating.

I just laughed at their asses even when I felt upset for getting caught so early. Gusto pa raw nila ng lipstick na hindi natatanggal, ah.

Sumunod na lang ako nang dalhin ako sa D-Hall ng lalaking nakahuli sa akin. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako which building is which. Ang alam ko lang ay may B-Hall, D-Hall at E-Hall. The rest, bahala na sila. Masyado na 'yong marami para sa capacity ng utak ko.

Pinasok niya ako sa isang malawak at malamig na kuwarto. Kung ang room namin ay dinisenyo namin para magmukhang horror house, dinisenyo naman nila ang kuwarto na 'to upang magmukhang presinto.

"Sabi na nga ba, hindi matatapos ang araw na hindi ka nahuhuli," mahinang bulong ng isang lalaki na nakaupo sa isang sulok.

"Axl!" masiglang bati ko.

Hindi ko siya kaagad napansin do'n. Gaya ko, siguro ay nahuli rin siya kanina.

Ano kayang violation niya?

He smiled when our eyes met.

Wow. For the first time in forever, ngumiti siya sa akin.

He looks a thousand times better when he's smiling, he should do that more often.

"Kilala mo, bro?" tanong sa kaniya no'ng lalaking nanghuli sa akin. Gaya ni Axl ay sobrang tangkad din niya.

"Hmm, I guess you can say that," Axl answered vaguely.

"Haha, nice! Oh, ikaw na bahala. Tulungan ko muna si Jolo para may mahuli naman ang kumag. Si Chloe kasi hinahabol niya kanina pa, eh sa jail booth din naman 'yon," natatawang paalam no'ng lalaki.

Maaaring magkasingtangkad nga sila ni Axl, pero 'di hamak naman na mas mukha siyang mabait at approachable. Ngumiti siya sa akin tapos ay binitawan na ang braso ko at saka umalis.

Hindi ko alam kung anong air-con ang naka-install sa room na 'to, pero pakiramdam ko ay ako si Rose at nakababad kami ni Jack sa nagyeyelong tubig dahil sa sobrang lamig.

Kaming dalawa na lang ni Axl ang naiwan sa kuwarto kaya agad din namang napanatag ang loob ko.

Palalayain niya naman siguro ako dahil friends na naman kami, 'di ba?

"Nahuli ka rin? Anong violation mo?" natatawang tanong ko sa kaniya nang masigurong nakaalis na 'yong isang lalaki.

"Hindi," mabilis niyang sagot. "Dito naka-assign sa jail booth 'yong buong Engineering. Nagbabantay lang ako rito sa loob kasi mainit sa labas," paliwanag niya.

Pansin ko nga na nakatapat na naman siya sa AC. Maiinitin pala talaga siya, kaya siguro laging mainit ang ulo. Ngayon ko lang din nalaman na Engineering pala ang course niya.

"Magkano ba 'yong bail? Babayaran ko na lang," tanong ko sa kaniya. "I can't stay here all day. Ang dami ko pang booth na hindi napupuntahan."

"There's no bail. Lahat ng mahuhuli ngayon, dito na kayo hanggang matapos ang School Fair," he answered me with a poker face.

What? Seryoso ba siya?

"Huh?! Parang unfair naman yata 'yon!" reklamo ko sa kaniya. "Ang dami ko pang hindi napupuntahan na booth. Manonood pa 'ko ng Battle Of The Bands! Alam mo bang pangarap ko 'yon? Hindi ako nakasali pero gusto ko pa ring manood! First School Fair ko 'to! Hindi niyo 'ko puwedeng ikulong dito. That's against my rights!"

I complained non-stop, but instead of getting pissed with my complaints, what I said triggered something in him. He looked at me with wicked eyes, and then he started smiling as if he just realized something.

"What if I let you go? But—" tila nagdadalawang-isip na sabi niya.

"But? But what?" tanong ko.

"But you have to join our band."

"Your what?!"

"Our band. Sumali kami sa Battle Of The Bands," paliwanag niya. "Sabi mo, pangarap mo 'yon, 'di ba?"

Oh. So, musikero pala siya?

I eyed him from head to toe, and to be honest, he does look like a guy who's into music, sa porma niya pa lang.

Aminado ako, noong una ay interesado ako na sumali sa Battle Of The Bands. Pero na-realize ko na buong student body pala ang manonood at pati na rin 'yong ibang outsiders. Ayaw ko namang ipahiya ang sarili ko sa harap ng gano'n karaming tao kaya mabilis din namang nagbago ang isip ko.

"Ayaw ko nga! Wala akong alam diyan," mabilis na pagtanggi ko sa kaniya. "Marunong akong maggitara pero sobrang basic lang. Hindi pang-contest."

"Who said you'll play?" He stood up and walked towards me until he was standing so close to me, I could almost smell his perfume. "You'll be our vocals," he said, with a sly smile on his face.

"Bumuo kayo ng banda tapos wala kayong vocals? Ano kayo, hilo?" mabilis kong pag-reject sa offer niya. "Huwag mo 'kong idamay sa kalokohan mo. I'll just stay here hanggang Monday," I said stubbornly, turning my back on him.

"Are you sure?" tanong niya.

"Yes! I'll just order food kapag nagutom ako! Hindi ako sasali sa banda niyo!"

Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ko 'yon pinansin.

"Kahit magdamag kayo ritong tatlo?" tanong ni Axl makalipas ang ilang segundo.

"Tatlo?" nagtatakang tanong ko. "Sinong tatlo?" Eh, mag-isa lang naman ako.

I turned around and got the answer to my question as soon as I looked at the doorway and saw both my girls smiling apologetically at me . . . their hands in cuffs and their lips bright red with my matte lipstick.

"Hehe." Mads laughed.

"Hehehe." Ganj giggled next to her.

I looked at Axl, feeling more pissed than ever, but he just smiled teasingly at me.

He knows he won.

"Don't worry," mapang-asar na bulong niya. "You're in good hands."

Pursuing Pat (Dawson University Series #1)Where stories live. Discover now