Diecinueve

1.4K 48 0
  • Dedicated kay Sofia's Handler
                                    

BLACK VS. RED
CHAPTER 19

Naging ilang ako sa bawat galaw ko. Minamabuti ko na wala akong gawing mali na pwedeng-pwede niyang mapansin. Mabuti na lang at nandito sila Julia kung 'di ay malamang tahimik lang kami ngayon.

"Presenting! Ang pinaghirapan naming lutuin ni Julian. Inihaw na isda!" nilapag niya ang inihaw sa isang nakahandang long table.

"Wow inihaw na isda!" nagpanggap na excited si Iñigo.

Sinimangutan siya ni Julia.

"Kain na!" aya ni Julian hawak niya ang water hose atsaka naghugas ng kamay.

Pinagkumpulan namin iyon. Naiwan si Daniel na nagbabantay sa natirang iniihaw na barbeque. Kahit na 'di naman ako gutom ay pinili ko pading tumayo at kumain. Ayaw kong maiwan na kasama siya.

I badly want to talk to him. I just don't how.

"Amoy usok si Julia. Baho mo!" tinakpan ni Aria ang ilong niya nang maglapit sila ni Julia.

"Wow ha! Nahiya naman ako sayo. Wag nyong papakainin si Aria. Mabaho daw ako e."

Ngumuso siya atsaka niyakap si Julia. "Joke lang pala. Ikaw naman hindi mabiro."

"I hate ang, bitch!" pilit niyang kinalas ang yakap ni Aria.

"I love you too, bitch!"

Naghugas ako ng kamay atsaka nakatayong kumain sa may sulok. Hindi ako nagkakamay but kahit paano marunong naman ako.

"Jeremy? Kain na yaan mo na yan." anyaya ni Enrique.

"Busog ako. Pinakain ako ni Lolo bago umalis. Mapilit."

Sinulyapan ko siya. Halos atakihin ako dahil nakatingin din siya sa akin. I saw guilt in his eyes. Mabilis ko iniwas ang tingin ko saka itinuon sa pagkain.

Mapanukso ang mga matang dumapo sa akin nang inangat ko ang tingin ko.

"You guys should talk." bulong ni Sofia na kubyertos ang gamit sa pagkain.

"What should I say?"

Nagkibit siya ng balikat. "What does people suppose to say when they are at fault?"

"Hindi ko alam."

I honestly don't know. I'd been to 2-3 relationships and never been this serious about the love thing. Should I say sorry? Of course I need to. Siguro ay iyon lang ang pwede kong sabihin sa panahong clueless ako. Aakuin ko ang kasalanan ko. Hindi dapat palagi ay siya ang gumagawa ng effort, it doesn't mean na siya ang lalake ay siya na din palagi. I need to keep it balance para patas. Hindi siya mag-isa sa relasyon na ito, kasama niya ako.

We might have no label subalit alam kong may namamagitan sa amin.

Nanginig ang sistema ko nang pumwesto siya sa may harapan ko atsaka kumurot sa inihaw na isda. Pinanuod ko ang pagsipsip niya sa mga daliri niya. Nakatingin din siya sa akin kaya't dumuko ako at tinignan uli ang pagkain ko.

"Ang konti ng kinakain mo. Kumuha ka pa. Parang 3-5 na subuan lang iyan. Dagdagan mo pa. Eat." puna niya.

"I'm not really hungry."

"Are you sure? You didn't ate lunch Charlie. Bakit hanggang ngayon ay busog ka? Isang stick lang naman ng marshmallow at isa din stick ng barbeque ang laman ng tiyan mo." ngumuso si Liza.

Hirap siyang kumain. Di siya marunong magkamay. Maraming nahuhulog na kanin sa tuwing susubo siya.

Kinunutan ko siya ng noo dahil sa panlalaglag sa akin. Ngayon ko lang rin narealize na wala ngang laman ang tiyan ko still I'm not really hungry.

Black Vs. RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon