Tres

3.3K 80 5
                                    

BLACK VS. RED

CHAPTER 3

"Ayaw ko na mag-aral dito. Nakakainis, kay ganda ng pambungad nila sa amin. Kung makatitig sila para nila kaming papatayin. Mom, parang ngayon lang sila nakakita ng tao. Seriously Mom, are you even listening?" napadabog ako sa kama ko.

Magulo pa ang kwarto ko at kitang kita mo na kalat-kalat pa ang mga kahon na may nilalaman na gamit ko. 

"Mom!?"

I've realize na wala talaga akong kausap, kanina pa pala ako binabaan ng tawag. Ang dami kong sinabi at pakiramdam ko na ni-isa ay wala siyang pinakinggan. Why haven't I been used to this kind of treatment?

Sumilip ako sa bintana sa may dorm ko, kitang-kita ang pag-kukumpol-kumpulan ng mga estudyante. Hindi naman siguro sila masyado usisera ano?

Kararating pa lang namin rito sa school na eto and I don't like the environment. Kahit kailan talaga nasa huli ang pag-sisise. Dapat talaga inalam ko muna kung saan kami lilipat, ni pangalan nga ng school na ito hindi ko matandaan o hindi ko lang talaga inalam.

Masyado ako padalos-dalos sa mga desisyon ko. Mali nanaman ako.

"Charlie, open this damn door." pa-sipa na nag-knock si Aria sa kwarto ko.

Pinag-buksan ko naman siya at tinaasan siya ng kilay, "What's wrong?" tanong ko sa kaniya pag-kabukas na pag-kabukas ko palang sa may pinto.

"Baba raw tayo, classes are going to start on 9 o'clock kaya habang maaga pa i-totour raw tayo ng President at Vice President ng student council sa may campus."

"Sige susunod ako."

Tumango naman siya

"Charlie!" aniya matapos ko siyang talikuran.

"What?"

"Gwapo!" nagmemeditate niyang sabi saka naglakad na papalayo.

Wala akong nagawa kundi mapailing. Ano ngayon kung gwapo? Pag-gwapo ba sila, maiinlove ako at bigla-biglang makakalimutan ang lahat ng dinanas ko. It is not that easy.

Ibinulsa ko ang cellphone at wallet ko then sinuot ko uli ang aviator ko atsaka bumaba na para sa tour na sinasabi nila. Madaming nagbubulong-bulongan habang pababa ako sa may hagdanan. I also received glares from random girls, hindi na lang ako nagsalita dahil kabago-bago ko pa lang may gana na akong mang-away and I don't want to waste my time with stupid btches.

"Good Morning Ladies." pagbati sa amin ng dalawang lalakeng mag-kamukha kaso nga lang ang pinagkaiba, yung isa may salamin habang yung isa naman may band aid sa mukha.

Tumikhim ako at pinag-masdan ang mga galaw nila. Isang loko-loko at isang seryoso. Great combination!

"Ako si Justin Demetrius Enriquez, the President of the Student Council. You guys can always approach me if you have problems about our school and when you also have questions." pormal na pag-kakasabi noong lalakeng may salamin.

Inakbayan naman siya noong isa pang lalakeng may band aid sa mukha, "And I'm Julian Paithoon Enriquez, the Vice President of the Student Council. 'Wag kayong mahiyang kausapin ako, I'm cool."

"It's better than never. Let's start." ani-Justin saka sila sabay naglakad habang mag-kaakbayan.

"Sweet bros." rinig ko naman na bulong ni Sofia habang nakangisi.

Sumunod na rin ako sa pag-lalakad. Ang dami rin naming pinuntahan. Yung cafeteria, yung mga lab, yung dorm ng mga boys makahiwalay rin kasi ang bulding ng dorm ng mga lalake sa amin, yung gymnasium, yung chapel, yung tore nakitang kita halos ang lahat, yung garden nila na mukhang park at maraming iba pa. I'm so amaze.

Black Vs. RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon