Diez

2.3K 62 1
                                    

BLACK VS. RED

CHAPTER 10

Lalong naging matao ang kapaligiran noong mapadpad kami sa bayan. Linggo ngayon kaya't masasabi kong madaming nag-silabasan sa lungga nila at malamang ay kasama nila ang kanilang mga pamilya. Namataan ko ang isang pamilya na palabas sa simbahan na magkakahawak kamay, mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanila at nakaramdam ng poot at galit.

I envy them so much.

Gumalaw ang likod ni Daniel atsaka siya sumandal sa akin. Simula kanina ay magulo na siya at kung ano-anong ginagawa niyang paraan para maging komportable, dama ko na din ang pangangalay ng aking pwetan at mga kamay kong nakakapit sa kaniya subalit hindi ko ininda ito.

"Ang swerte nila 'no? Nakakainggit sila, buti pa sila may panahon para lumabas ng magkakasama at... panahon para magsaya." may tono ng pagkalungkot ang kaniyang boses.

"Mabuti pa sila kahit hirap sa buhay may oras sila para sa isa't-isa kumpara naman sa akin maginhawa nga, asaan naman sila?"

Maingay siyang bumuntong hinga. Niliko niya ang kaniya motor at hininto ito sa tapat ng simbahan.

Madaming lumingon sa direksyon namin at halos nakuha namin ang kanilang buong atensyon dahil na din kay Daniel. Nauna akong bumaba atsaka ko tinggal ang aking helmet. Sumabog ang aking mahabang buhok.

"Hindi ba anak ni Mayor yan?"

"Hindi noh. Hindi naman nakasasakyan e."

"Sabagay pero kamukha nung lalake yung anak ni Mayor."

"Ang pogi ni Kuya hehehe!"

"Jeremy, anakan mo ako!"

"Wag kang maingay kasama nya 'yong girlfriend nya oh."

Hinapit ako ni Daniel papalapit sa kaniya. Magulo ang buhok niya dahil sa sinuot naming helmet. Inayus ko ang kaniyang buhok habang naglalakad kami papasok ng simbahan.

"Javier Fontanilla, Alberta's mayor, my dad." aniya habang inaayusan ko siya ng buhok.

Nag-tama ang mga mata namin, bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Lumayo ako ng kaunti kaya't bumalik ang kaniyang mga mata sa mata ko.

"Anak ka ng mayor!?"

Napahalakhak siya at kasabay nito ang kaniyang pagtango, "Yeah, I'm a son of jackass."

Ngumiti siya pero kitang-kita ko kung gaano kapait ang mga ngiting iyon. Natawa ako sa lutong ng kaniyang mga salita.

"How?"

"What do you mean how? You must asked me why."

"Okay, why?"

Nagkibit balikat siya. Ginabayan niya akong pumasok sa loob ng simbahan, ngumi-ngiti sa kaniya ang mga tao pero tanging wala siyang napapansin dahil sa akin nakapokus ang kaniyang buong atensyon.

"Ang mga magulang ko, may sari-sarili na silang pamilya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar kaya mas pinili kong makasama si Lolo na ama ng tatay ko." nag-tiim ang kaniyang bagang.

Tumango lang ako at hinarap ang altar. Maganda ang simbahan ng Alberta, gawa ito sa bato at makikita mo ang kalumaan nito.

Nakatapak kami ngayon sa marmol nitong sahig. Napalilibutan ang simbahan ng iba't-ibang rebulto ng mga santo. Ang buong simbahan ay iniilawan ng apat na malalaking chandelier na nasa kisame, ang mga bombilya nito ay hugis kandila para mas lalong magmukhang antik. Nakapaloob naman sa simbahan ay sangkatutak na bangko kung saan umuupo ang mga nagsisimba. All in all wala akong masabi, ang ganda.

Black Vs. RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon