Chapter 16

1.3K 52 0
                                    

Nakahinga ng maluwag si Andy nang makatanggap siya ng text mula sa kaibigang si Miles. Kanina pa niya hinihintay ang text nito. Halos hindi siya mapakali sa trabaho sa pag-alala kay Jasper na mahimbing pa ring natutulog nang umalis siya kanina para paunlakan ang imbitasyon ni Nhad.

Narito na kami sa bahay nila kasama ang iba pang kolokoys. Somehow, nagawa naming maipaliwanag kahit papaano kung bakit wala ka na no’ng magising siya. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging ganito ka kalmado. Kilala mo naman si Jasper, parang tigre ‘to na naghahanap lang ng pagkakataong umatake.

Napangiwi siya sa nabasa. Kung may tao mang tunay na nakakakilala kung gaano ka-unpredictable si Jasper ay siya iyon. Sapagkat sa kanilang magkakaibigan, tanging siya lamang ang talagang napadikit rito ng husto at s’yempre dahil iyon sa naiiba nilang relasyon nito.

Balak niya itong kausapin sa lalong madaling panahon bago pa lumalala ang lahat pero hindi pa niya alam kung papaano gagawin iyon na hindi ito masasaktan.

Kahit pagbali-baliktarin mo pa ang lahat, masasaktan mo pa rin siya. But why do you care? Ikaw nga, nasaktan niya ng ilang beses ‘di ba? Ang wika ng isang bahagi ng kanyang utak. Ang bahaging nagsasabi sa kanya na dapat siyang magalit kay Jasper sa mga ginawa nitong pagpapahirap at pasakit sa kanya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi niya kayang magalit kay Jasper. Sinubukan na niya iyon noon para makaiwas rito ngunit habang ginagawa niya iyon ay lalo lamang siyang nasasaktan.

“Problem?”

Napabaling siya sa lalaking siya ngayong bago niyang kaligayahan na sa mga oras na iyon ay abala sa pagmamaneho. Ang lalaking siyang nakakapagpangiti sa kanya ng totoo. Nabaling ang kanyang tingin sa magkahugpong nilang kamay na nakapatong sa hita nito at sa muling pagkakataon nakadama siya ng kiliti.

“Gustong-gusto talaga ng kamay mo ang kamay ko noh?” Ang nagbibiro niyang wika sa halip na sagutin ang nauna nitong tanong.

Pansamantala nitong iniwan ng tingin ang kalsada para bumaling sa kanya.

“Ang totoo, hindi lang ang kamay ko ang gustong mahawakan mo.” Saka nito iginaya ang kanyang kamay sa gitna ng mga hita nito. “Pati ito.”

Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito lalo na nang maramdaman niyang buhay ang bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. Agad niyang binawi ang kanyang kamay.

“Ang bastos mo!” Alam niyang todo na ang pamumula ng kanyang pisngi sa mga oras na iyon. Ito ang unang beses na naging ganito ito ka-agresibo.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon