Chapter 10

1.5K 56 2
                                    

Dahil araw naman Linggo – ang natatanging araw na wala siyang pasok ay minabuti ni Andy ang mag-general cleaning. Minsan lang niya itong magawa kapag tinatamaan siya ng sipag. Kaya imbes na gawin niyang pahinga ang araw na iyon ay minabuti na lamang niyang ipagpaliban na muna.

Inuna niya ang mga nakatambak niyang labahan sa kanyang kwarto.  Napailing siya nang mapagtanto kung gaano karami iyon. Noong unang Linggo ay hindi siya nakapaglaba dala ng ulan at ngayon heto’t tambak na ang kanyang maruruming damit, pantalon at boxers.

“Mukhang mapapalaban ang mga kamay ko sa kuskusan, ah.” Naisambit niya saka binitbit ang mga labahan sa banyo para doon ibabad ang mga ito.

Nasanay siya noon sa buhay na may katulong na siyang maglilnis at maglalaba para sa kanya. Iyon ang panahon kung saan nasa puder pa siya ng kanyang mga magulang subalit, nang mag-solo siya sa buhay kinailangan niyang matutunan ang mga bagay na hindi niya nakasanayang gawin. Sariling sikap kung baga.

Kinuha niya ang kanyang pinaka-iingatang mini-speaker sa cabinet. Regalo iyon sa kanya ng isa sa maliligalig niyang kaibigan noong nagdaang pasko. Kinabit iyon sa kanyang cellphone at may background music na siya na lalong magpapagana sa kanyang maglinis. Itinudo niya ang volume niyon, at nagsimula ng magwalis sa kabuohan ng kanyang apartment.

Hindi naman siya nahirapan. Sa loob ng halos dalawang taon ay naperpekto na rin niya ang pagiging houseboy. Naging advantage rin sa kanya ang hindi karamihang gamit para madali niyang maibalik sa magandang ayos ang apartment niya. Konteng walis, punas dito at doon ay natapos siya agad.

Ang sunod naman niyang binigyan ng pansin ang kanyang gabundok ng labahan. Nang muli niyang sipatin ang mga ito habang nakababad sa palanggana ay muli siyang napangiwi. Ang paglalaba ang pinaka-ayaw niyang gawin dahil ito ang kumakain ng oras niya. Mano-mano kasi ang paglalaba niya. Kamay kung kamay. Minsan nga ay naiisip niyang patulan na lang ang suhistyon ni Miles na dalhin na lang sa bahay nito ang kanyang mga labahan at doon ipalsak sa washing machine pero nahihiya siya. Ayaw naman niyang sobrang makaperwisyo ng tao.

Bago pa siya tuluyang tamaring maglaba dala ng pagkalula sa dami niyon ay minabuti na lang niyang sinimulan na ang ritwal. Inuna niya ang mga puting damit niya.

“Pambihira talaga ang buhay, nakakasama ng loob minsan.” Naibulalas niya habang nagsisimula ng magkusot.

“Bakit kasi hindi mo na lang dalhin ‘yan sa Laundry Shop.”

Halos mapatalon siya sa pagkabigla nang marining ang nagsalitang iyon. Nakatalikod kasi siya sa pintuan ng banyo kaya hindi niya napansin na may tao na pala. Nang lingunin niya ito ay ang nakangiting si Nhad ang bumulaga sa kanya na lalo naman niyang ikinagulat.

 “Hindi mo dapat iniiwang nakaawang ang pintuan mo habang busy ka.” Pagpapatuloy nito na halata sa mukha ang pagkawili sa nakikitang reaksyon niya.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon