Chapter 01

5K 85 0
                                    

Author's Note:

Bulaga!!! Heto na naman ako at ang mga kapraningan ko. HAHAHA May katagalan din akong nahinto sa pagsusulat para magpahinga (Though panay chat lang naman ako.) Kamusta kayo mga paps? Diyan pa ba kayo? Hihihi Sana nariyan pa rin kayo para suportahan ang mga gawa ko. Pasensiya na kung pinaghintay ko kayo ng matagal.

Tulad ng sabi ko sa Teaser nito. Ang k’wentong ito ay IMPRINT sa dalawa kong series na ginawa since na ito ang anniversary special ko. Hi! Hi! Hi! Hindi ko nga lang alam kong special ba ang dating nito sa inyo. xD

Anyway, Inihahandog ko po sa inyo ang aking bagon likha -BITTERSWEET. Ang k’wentong magpapasakit sa mga ulo niyo. LOL! Enjoy reading repapipz and keep the comments coming!!!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Maingay, puno ng usok, nagsisisiksikan ang mga tao. Ganito palagi ang bar kung saan nagtra-trabaho si Andy tuwing araw ng sabado. At isa siya sa mga dahilan kung bakit gano’n na lang kasikat ang bar na iyon sa naturang siyudad.

“Wala ka talagang kupas. Sa lahat ng mga baristang nakilala ko, ikaw ang ang pinaka-cute at pinakamasarap gumawa ng inumin.” Ani ng isa sa mga babaeng nakaupo sa kanyang teritoryo sa bar na iyon – ang bar counter.

“I will agree on that. The reason why we always wanted to hang-out here is because of your notorious drinks and your notorious look.” Pagsang-ayon naman ng isa na sinang-ayunan  naman ng mga kasama nito.

Isang napakatamis na ngiti ang ibinalik niya sa mga papuri at lantarang pagfli-flirt ng mga ito sa kanya. Di na bago para kay Andy ang mga ganitong papuri at pagpapa-cute ng mga costumers sa tuwing matitikman ng mga ito ang mga likha niyang inumin. He was one of the reason kung bakit biglaang sikat ang bar na iyon. Dahil sa kanyang kakaiba at hindi matatawarang talento sa paggawa ng mga inuming nakakalasing.

“May girlfriend ka na ba Mr. Barista?” Ang lalasing-lasing na wika naman ng isa.

Mula sa ginagawang pagpupunas sa mga shot glass ay nabaling ang tingin niya rito at binigyan ito ng isang alanganing ngiti.

“Wala pa ma’am.”

“Really?” Ang tila naman na-excite na wika nito. “I haven’t had a boyfriend who’s good in making drinks, gusto mo bang i-try maging boyfriend ko?”

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon