Chapter 04

1.6K 56 0
                                    

Ilang araw ang nakalipas matapos ang huling pag-uusap nila Andy at Jasper. Inubos niya talaga lahat ng p’wede niyang mailabas sa gabing iyon sa pamamagitan ng pag-iyak. Lahat ng hinanakit at lahat ng pagkabigo na matagal na niyang kinikimkim sa kanyang puso.

Araw ng Sabado. Magulo, puno na naman ng tao ang loob ng pinagta-trabahuan niyang bar. Mga taong tulad niya ay gustong makalimot sa mga problemang pinagdadaanan; sa trabaho, pamilya, pag-ibig at kung anu-ano pa.

Nakamasid lamang siya sa nagkakasiyahang mga tao. Malakas ang technong tugtugin sa loob ng bar na iyon, bawat indayog, tawanan, at kulitan ng mga taong nasa loob ay nagpapangiti sa kanya kahit paano. He wanted to forget the pain. Para sa kanya, tama na ang ginawa niyang pagluluksa no’ng huli silang makapag-usap ng kaibigan.

Hindi na muli silang nagkita pa ni Jasper. Magkahalong lungkot at tuwa ang kanyang nararamdaman. Lungkot dahil wala na ang taong ilang taon niyang minahal at tuwa sapagkat sa wakas, matapos ang mahigit na ilang taon ay nagawa na niya ang isang bagay na hinding-hindi niya magawa noon at iyon ay ang putulin na ang naiibang turingan nila ng isa sa mga kaibigan niya.

“Pa-order nga ng gatas.” Biglang bungad sa kanya ng isa sa kanyang mga kaibigan. Nakangisi ito ng nakakagago habang taas baba ang kilay na nakatingin sa kanya.

“Anong ginagawa mo rito?” Tugon naman niya rito.

“Hindi lang ako ang narito, kasama ko ang tatlong bangag.” Sabay turo nito sa iba pa nitong kasama na papalapit na rin sa gawi niya.

“Kamusta ang buhay-buhay kaibigan? Ang daming chikas dito ah! Mukhang mapapalaban ako ngayong gabi.” Saka nito binalingan ang isa sa mga babaeng costumer niya. “Hi miss, I’m Zandro, but you can call me handsome. Can I order you a drink?”

Nakatikim ito ng malakas na batok galing naman sa isa sa mga kasama nito.

“’Di ka pa nga nakakainum, lumalandi ka na. Isusumbong kita sa asawa mo.” Si Marx.

“Aray! Masisira ang buhok ko na ilang oras kong inayos.” Muli nitong binalingan ang babaeng napapangiti na lang sa kalokohan ng kanyang magagaling na kaibigan. “’Wag kang maniniwala sa itlog na ‘to miss, single at ready to mingle pa ako.”

“Wala ba kayong exhaust fan? Sobrang usok naman dito.” Ang nakatakip pa ng ilong na wika ni Keith Ang kanilang dakilang vain na kaibigan.

Napapailing na lamang siya habang nakangiwi. Paniguradong magiging magulo ang gabing ito para sa kanya dahil sa presensiya ng mga dakila niyang kaibigan.

Inukupahan ng mga ito ang mga bakanteng upuan.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon