Chapter 07

1.5K 49 5
                                    

Sa bar kung saan kasakuluyang naroon siya ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang mga nangyari kani-kanina lang sa hospital. Ang hindi inaasahang pagbisita ng mga kaibigan ng lalaking sa kabila ng pagsusungit na ipinapakita nito ay hindi pa rin niya maikakailang may kakaiba itong epekto sa kanya na hindi niya matukoy at mabigyan ng pangalan.

Kanina, nang makaalis ang mga bisita nito ay hindi na ito muli pang nagsalita. Hindi niya alam kung ano ang mga nasa isip nito, kung pinag-iisipan ba nito ang lahat ng mga sinabi ng mga taong kita niya ang matinding pagmamalasakit dito.

Doon lamang niya napagtanto na mabuti ngang tao ito. Dahil kahit pa man sa kabila ng ka-arogantehang ipinapakita nito sa mga taong nagsusubok na lumapit dito ay hindi magawa ng mga itong magtampo. Tulad niya, naiintindihan ng mga ito ang pinagdaraanan ng lalaki ngayon, hindi na niya magawang maiwaksi sa kanyang isipan.

Naalala tuloy niya ang mga panahon na nasa gano’n siyang sitwasyon. Ang panahon kung saan ikinulong niya ang kanyang sarili at hindi hinayaan ang kahit na sinuman ang makalapit sa kanya. Iyon ang panahon kung saan iniwan siya ng taong lubos niyang pinahalagahan. Sa kabila ng kanyang pagwawala at pagsira sa kanyang buhay ang mga kaibigan at ang kanyang nag-iisang kapatid ang umagapay sa kanya at hindi siya binitiwan at para sa mga ito ay napilit niyang ibangong muli ang sarili at subukan ulit mabuhay ng masaya.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana para sa kanya. Kung kailan nagsisimula na siyang makalimot at makabangon ay siya namang pagbabalik ng taong iyon, at sa muling pagkakataon ay hinayaan siyang magamit at masaktan nito.

“Hoy, sabi ni boss bukas na raw ang sahod natin para sa buwan na ito.” Untag sa kanya ng isa sa kanyang ka-trabaho na si Nestor.

“Hoy ka rin! Huwag ka ngang pabigla-bigla ng pagsulpot.”

“Biglang sulpot? Eh kanina pa kaya ako nakatunghay sa ’yo habang namamasyal ang isip mo sa planet mars. So, kamusta roon?” Nakangisi naman nitong tugon sa kanya.

“Saang doon?” Takang-tanong naman niya rito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi siya nakahabol sa usapan.

“Sa planet Mars. Di ba kagagaling mo lang doon? Ano, p’wede na bang manirahan sa planetang iyon?”

Ngali-ngali niyang binato ito ng kanyang pinupunasang baso kung hindi lamang siya nanghihinayang na mabasag iyon sa pagmumukha nito. Bakit ba siya napapaligiran ng mga taong kasing lakas ‘ata ang sayad sa kapatid niya?

“P’wede na. Simulan mo nang mag-impake at nabalitaan kong kailangan nang hakutin papunta roon ang mga katulad mong may diperensiya sa pag-iisip para raw mawala na ang mga baliw na tao sa planetang ito.” Ang pagsakay na lang niya rito na nilakipan pa niya ng nakakagagong ngisi.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon