Wala. Hindi niya magawang makapag-react. Para siyang na estatwa sa pagkabigla.

Saan ka ba nabigla? Sa presensiya niya o sa hitsura niya? Ang nang-aasar na namang wika ng isang bahagi ng kanyang isip.

Marahan niyang ipiniling ang kanyang ulo para iwaksi sana  ang mga naglalarong salita doon subalit lalo lamang tuloy 'ata siyang nagmukhang ewan sa harap nito nang makita niya ang pagpipigil nitong matawa.

Inayos niya ang kanyang sarili. Kung bakit naman kasi bigla-bigla itong sumusulpot. Hayon tuloy at nawawala siya sa kanyang tamang huwisyo. At bakit para yatang nadagdagan ang epekto nito sa kanya ngayon?

“B-Bakit ka nandito?” Ang pilit niyang pagpapakapormal na naisambit.

“Dumadalaw.” He casually answered. “Pasensiya na kung dumiretso na ako dito sa loob, ah. Wala kasing sumasagot sa akin sa labas, eh.”

“Ayos lang iyon. Napalakas yata ang volume ng music ko kaya hindi ko napansin na may tao pala.” Tugon naman niya.

“Mukha nga.” Nakangiti naman nitong balik saka binalingan ang kanyang mga labada. “Ikaw lang mag-isa ang tatapos niyan?”

Napakamot siya sa kanyang batok at mahiya-hiyang tumango. Sa dinarami-rami ba naman kasi ng sitwasyon na p’wedi siyang mabungaran nito bakit sa paglalaba pa niya.

“Bakit hindi mo na lang ipa-laundry ang mga yan? Masyado 'atang marami ‘yan para manu-manuhin.”

“Sayang ang pera, eh.” Pag-amin niya. Nagtitipid naman talaga siya sa mga gastusin. Hindi naman kasi gaanong kalakihan ang sahod niya. Tama lamang iyon para pambayad sa upa ng apartment at pambili ng kanyang makakain. Minsan pa nga nag-sho-short siya.

Ewan niya kung tama ang nakita sa mga mata nito. Para kasing may nabakasan siyang amusement doon habang nakatitig sa kanya at napapatango.

“Sabagay tama ka.” Pagsangayon nito. “Pero kakayanin mo ba lahat ‘yan? Gusto mo tulungan kita? Marunong din akong maglaba.”

“Hah?” Ang natanga naman niyang tugon rito. Bakit ba ang hilig yata nito magpakita ng mga bagay na ikinagugulat niya? Oo nga’t alam niyang mabait itong tao pero hangang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang magulat kapag nasasaksihan niya ang kabaitan nito.

Muli itong napangiti.

BittersweetWhere stories live. Discover now