"So-sorry po tito, sa totoo po niyan, may iba na rin akong nililigawan." Said Ben na napayuko pa sa kaba. Leche Ben! Umoyoooss ka!



Seryoso parin ang mga mukha ni Papa at Mama, inaabsorb pa siguro nila sa pAg-iisip nila ang mga inamin namin.



"Naintindihan naman namin Belle, pero sana anak, hindi mo na sinabi yung mga ganung bagay, kung hindi naman totoo." Sabi ni Papa na medyo bumuntong-hininga.





"Sorry ma, pa? Nasabi ko lang yun dahil gusto kopong maging masaya kayo,pero ma, pa, hindi ko naman po intensyon na saktan ang mga damdamin niyo." I said sincerely,at pinipigilan ang sarili kong hindi maluha.



"Anak, ok lang samin ng Mama nyo yun, basta magpakatotoo lang kayo sa amin,pati tong si Ben dinamay mo pa sa kalokohan mo Belle,at hindi ako masyadong natuwa sa Sinabi mo Belle ha, sa susunod ayoko ng nagsisinungaling ka." Sabi ni Papa, kalmado lang boses ni Papa pero yun tension talaga ang nagdala.




"Sorry po talaga,saka gusto ko lang po sabihin na may mahal napo akong iba,"i said, grabe namuo ang pawis ko sa noo. Weew!



Parehas pa sila ni Mama at Papa na natahimik sa sinabi ko,at sabay pang napakunot-noo. At nagkatinginan ng may kahulugan. Parang nagbabasahan ng iniisip ng bawat isa.



"Meron na?"marahan akong ngumiti at tumango "aba'y dapat mamanhikan muna yan dito, kahit nasa tamang edad kana Belle, kailangan mu na naming makilatis yang sinasabi mo ha, bago kunin ang mga kamay mo samin,mahirap na baka mapunta kalang sa hindi matinong tao, at saktan kalang! baka makapatay ako niyan!" Sabay suntok ni Papa sa hawakan na kahoy na inuupuan niya. At talaga namang kunot na kunot ang noo at napakaseryoso ng mukha.


"Pa? Wag po masyadong OA ha! hindi papo ako ikakasal, di papo niya kinukuha ang mga kamay ko sa inyo, at syempre papakilala ko rin po siya sa inyo, kaso hindi muna po ngayun,baka kasi—"



"Baka kasi ano belle? Adik ba yan? Matanda pa samin ng Papa mo? Menor de edad?" Di na nakatiis si Mama, magtanong,sabay pa kaming nagkatinginAn ni Ben,at humarap kina mama at papa.


"Hindi po ma, matanda lang po siya ng apat na taon sa akin, artista po siya ma.."  halos ibulong ko nalang ang sinasabi ko dahil kinakabahan na talaga kami.



"Artista? Sino anak? Abay, huwag mo naman kaming binibitin ng Papa mo!" Si Mama na napatayo pa sa inuupuan niya saka biglang umupo,si mama talaga over naman ang reaction parang si papa,



"Anak, sigurado ka na ba sakanya? Mahal mo
Ba siya? Masaya kaba sakanya?" Tanong ni papa na napaka seryoso pa talaga ng mukha.



"O-opo Pa!,mahal ko po siya at sobrang masaya po ako sakanya." I bite my lower lips, para mapigilan ang kaba ko. And rested my hands sa lap ko para hindi masydong manginig ang nga tuhod ko,


"Sa totoo lang anak, hindi talaga ako kumbinsido, lalo na sinabi mong artista, e halos mga artista ngayun, kung makapagpalit ng mga karelasyon eh—"




"Ma—iba po siya, mahal ko po siya,kaso kasi ma, pa,tumetyempo pa ako kung kailan  ko siya ipapakilala sa inyo eh."



"Pero Belle, anak dapat pakilala mo na agad yan, ng makilatis na namin ng Papa mo,kung nararapat ba talaga siya sa iyo." Bumuntung-hininga pa si mama.


To love a star  Where stories live. Discover now