Chapter 7

2.9K 120 9
                                    

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV



Almost 3 days ng nandito sa bahay si Natasha, medyo nasasanay narin sa simpleng buhay salungat sa nakagisnan niya, buti nalang at hindi pa masyado napapansin ng mga kapitbahay na nandito ang idol nilang si Miss Natasha Simeon.


Kada kasi may pupunta dito, tinatago ko talaga si Natasha sa kwarto ko para hindi nalang mahalata, saka medyo closed naman ang gate, dahil uso ang nakawan dito sa lugar namin, at may dalawa ring alagang aso si Papa.



"Rain, kung gusto mong lumabas ng bahay ok lang ha? Don't mind me here," said Natasha habang kumakain kami ng almusal na luto ni Mama.





"Ok lang, ayoko rin naman lumalabas,gusto ko dito lang sa loob ng bahay, ayoko rin naman makipag tsismisan sa labas, mas na stress lang ako." I said, saka ko siya nginitian "Why? Gusto mo lumabas?"




"Oo, pero sabi mo nga diba, gusto mo ng katahimikan, kapag lumabas ako, baka may makakita pa satin, at baka magkagulo sa bahay, mamaya malaman pa ng mga Paparazzi na nandito ako, Ang alam nila kasi nasa Japan ako para mag bakasyon saglit."




"Oo nga eh, sorry ha? Gusto ko kasi ng katahimikan saglit, may mga nagpupunta nga rin dito minsan na Reporters, ni hindi ko nga alam kung paano nila nalaman tong bahay, pero ginawan na ng paraan ni Manager at ni Dani."



"Komusta na pala pakiramdam mo? I mean yung lungkot na nararamdaman mo?medyo nabawasan ba ang stress mo o lalo lang nadadagdagan dahil andito ako?" She said na bigla nalang napayuko.



Nilapitan ko lang siya at tinaas ang baba niya, para eyes to eyes kami "thank you."i said and gave her my comforting smile.



"For what?" Kunot-noo niyang tanong.



"For being here, despite of your busy sched., sinamahan mo ako, para lang makarelax sa mga traumang inabot ko sa mUndo ng showbiz."



"Lahat naman may mga bashers eh, kahit nga pinakasikat pa, may bashers parin,gumawa ka man ng tama o ng mali, marami parin silang mapupuna sayo"bumuntong-hininga muna siya "Pero diba? Hindi naman nila iniintindi yun?dahil tuloy parin ang life, masasanay karin sa mga yan" saka siya biglang lumapit at niyakap ako.


Megawd! Lahat na ata ng balahibo ko sa katawan tumaas sa bigla niyang pagyakap niya.



"Ate!! Ate!!"




Sigaw ng kapatid kong istorbo, kainis nagmomoment kami dito eh.




Bigla ko tuloy naitulak ng bahagya si Natasha dahil pumasok dito sa kusina yung kapatid ko, baka kasi ano pang isipin niya.



"Bakit nanaman ba? Makasigaw kana naman eh!!!" I said, si Natasha pa tawa-tawa lang.



"Naku ate, nasa labas na naman si my labs mo!"




"Anong my labs ka diyan?!" Tinaasan ko siya ng kilay.




"Sorry naman!ex mo si koyang Ben nandiyan sa labas, umagang-umaga gusto umakyat ng ligaw, andun nga si Papa sa labas, siya na nga kumausap kay koyang" pa smileSmile pa tong si Rhean ng nakakaloko.



"Who's koyang?" Sabay pa kaming napalingon kay Natasha ng kapatid ko, yung aura ni Natasha parang biglang nagiba.




"Ate tasha, si koyang Ben, first love ni ate at first broken hearted" tiningnan ko ng masama si Rhean, saka siya nag peace sign.



To love a star  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon