Chapter 3

4.4K 74 0
                                    

"PIKIT ka lang ate." Sinunod ko ang sinabi ni Margoux dahil sya ang naka assign sa pag mamake up saakin. Kahit na kasi lamang ako sakanya ng edad ay siguradong mas marunong sya saakin pag dating sa ganitong mga bagay.

It's not that I don't wear makeup or anything like this. Sadyang hindi lang ako ganon kagaling mag ayos ng sarili kumpara sa babaeng kaharap ko ngayon.

Mumulat na sana ako ngunit maaga akong pinigilan ni Margoux sa gagawin.

"Hindi pa tuyo yung eyeliner mo, kaya wag ka munang mumulat." Tumango naman ako at hindi muna iminulat ang mga mata gaya ng inutos nya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay hinayaan nya narin akong imulat ang mga mata. Nakita ko ang kalahati ng mukha ay tapos na. I guess a little bit of blush and lipstick will complete the look.

Gaya ng inaasahan ay kumuha ng kung ano si Margoux sa pouch nya na pag hihinala ko ay Blush-On. Inilapat nya rito ng brush na hawak nya at marahang tinapik sa takip nito para hindi mapasobra. Inilagay nya yon sa pisngi ko habang sinusundan ang isang direksyon lamang para mag pantay ito.

"Hm, ano kayang babagay sayong lipstick?" Nag akto syang nag iisip kaya naman nag salita na ako kung anong kulay ako mas sanay.

"Color Pink will do-"

"Red! Red looks good on you." Pumalakpak pa sya at habang ako namay binigyan nalang sya ng hindi siguradong ngiti. May tiwala naman ako sa batang ito. She won't disappoint me with her talent.

Imbis na diretsuhang ipahid sa labi ko ang lipstick ay kumuha pa sya ng mas maliit na brush na sa tingin ko ay para rin sa lipstick. Tinantsa nya ang amount ng lipstick na ilalagay bago ipahid sa aking labi.

"Done!" Humarap ako sa salamin at nakita ang repleksyon.

There's no way anyone will know me with this look. Hindi ako mukhang kinidnapped.

Saan nga ba kami pupunta? I doubt na pupunta kami sa party. Hindi naman siguro dahil alam kong may makakakita saakin at makikilala ako. He doesn't want his precious victim to be taken away from him.

"You look so beautiful ate, gayang gaya parin ng dati, your face still look so angelic." Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya.

"Dati?" Napabaling ako sakanya at nakita ko ang pag iwas nya ng tingin saakin.

"Y-yes dati!" mukhang nakabawi naman agad ito.

"Nagkita na ba tayo dati?" Nag dududa ko paring tanong.

"Uhm, yes. I guess ako hindi mo nakita or napansin, but the moment I laid my eyes on you, hindi ko na nakalimutan yung mukha mo." Napatango nalang ako kahit na hindi parin ako naniniwala sa dahilan nya.

Maaaring totoo ang dahilan nya. Pero bakit may kung ano saakin ang hindi makampante?

"Ako naman ang mag aayos ate ha? I know you're too good at hairstyle so pwede bang?" Agaran naman akong tumango na nakuha agad ang nais nyang iparating.

Nang tuluyan na syang makalabas ay sinimulan ko ng gawin ag buhok ko. Based sa dress at make-up ko ngayon, mas maganda sigurong ilaglag nalang ang buhok ko at kulutin ng kaunti.

Hindi naman ako nahirapang gawin yon dahil narin sa mahaba at madulas kong buhok.

Nang ma satisfied ako sa look ko ay saka lang ako tumayo at lumakad papalapit sa dress na nasa kama ko lang.

Huminga ako ng malalim bago yoon kunin at pumasok sa bathroom.

I sighed for the tenth time, looking at my reflection in a full body sized mirror.

Hindi ako mapakali sa itsura ko. I look different. It's my first time wearing a heavy makeup. And a backless dress. And a high heels.

Ang ayos ko ngayon ay ibang iba sa ayos ko dati kahit na mayaman kami. I like wearing jeans or skirts, t-shirts and blouse, not too revealing. Contented by just wearing converse or nike shoes, or flat shoes.

Kinuha ko ang purse na nakita ko kanina paglabas ko ng banyo. Wala ito kanina pero alam kong para saakin yon. What now?

Hair down, hindi halata ang pagiging chubby ng pisngi ko. Thick eyebrows, properly lined because of what Margoux did earlier. Ang ilong ko rin ay hindi na kailangan pang lagyan ng nose line para mag mukhang matangos. My cheeks has a little blush and highlighted. Then my plump lips were colored red.

My dress hugged my curves so well, it looks good since my height is just average. Nakakahiya mang aminin but I think i kinda like it.

Busy, looking at my reflection bumukas ang pinto at iniluwa non si Margoux.

"Oh My Gosh!" Halos pasigaw na sabi nya ngunit pinigilan ang sariling tuluyang mapa sigaw.

"Ang sexy mo OMG!" Pinadaan nya ang kamay nya sa waist ko pababa sa hips ko.

"No wonder why he's drooling over you...and crazy for you.." pabulong nyang sabi.

"Ha?" nag tataka kong tanong.

"Hakdog ka ate! Tara na sa baba iniintay kana ni kuya. Kanina pa sya sa ibaba."

Kaya naman ng kinuha nya ang kamay ko ay sumama nalang ako sa pag hila nya.

"Ay wait ate! Wear this mask!" Nagulat ako ng bigla nyang isinuot saakin ang isang pulang mask. Not bad.

Nasa hagdan na kami nang mapatigil ako kaya naman napatinig saakin si Margoux.

Looking down in front of me, is a man in a maroon with black tux. Standing proudly. Gaya ng dati ay naka suot parin sya ng mask, but a red one, looking exactly like mine. Under his tux is a black button down with a maroon neck tie. Looking ruthless huh? But shouting hotness tho.

Hindi ko naman agad napansin ang lalaking naka upo sa sofa. Oh right, on his hands is a black mask matching his black tux, sya yung lalaking kumidnapped sakin. Diretso itong naka tingin kay Margoux na naka black tube dress showing some of her skin. It's glittery, at may hati sa gilid nf hita. At dahil maputi ito ay bumagay dito ang kulay. Ang natural naman na buhok nito na hanggang bewang ay tinuwid at may iilang silver highlights ang makikita dito. She's also wearing a big round silver earings. Pretty. Kaya naman pala natulala si kidnapper sakanya.

Nang nakababa na kami ay agad na kinuha ni Kidnapper ang kamay ni Margoux at dinala sa labas. Hindi naman yon pinansin ni Dusk este Axel.

Ilang minuto pa akong tumitig sakanya at ganon din ang ginawa nya.

"Don't look at me that way, baby." Bigla naman akong napatingin sakanya na ganon parin ang ekspresyon.

"What?"

"I said let's go." Tumango ako at nag dadalawang isip na sumama sakanya.

-DK-

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon