Chapter 2

5.6K 87 0
                                    

"YOU really like Spaghetti huh?"

Kumakain ako ngayon sa kwarto habang nakamasid naman saakin ang lalaking ito. Hindi ko pa alam ang pangalan nya, should I ask him?

"Can I ask you something?" Itinigil ko ang pagkain ko at humarap sakanya. Napa ayos naman sya ng upo at marahang tumango.

"What's your name? Uhm don't get me wrong, mahigit tatlong araw na ako dito pero hindi ko parin alam kahit na first name man lang ng taong kumidnapped saakin." Tiningnan nya lang ako at tumayo.

"Ax. Ax is my name." Napatunganga naman ako. Akala ko ay aalis sya at tatakasan na naman ang tanong ko. Pero nagkamali ako. Ax? Ang iksi naman.

"Ax? Yon lang ang name mo? Bakit ang iksi?" Muli syang umupo at nagpangalumbaba.

"I don't know, yun ang tawag nila saakin."

Napaisip naman ako, yun ba talaga ang tawag nila sakanya? Eh bakit may Boss? Boss Ax? Halata naman masyado sa name nya na mamamatay tao, joke. Kaso masyadong maiksi talaga ang name nya eh.

"Yun ba talaga ang tawag nila sayo, o yun ang ipinapatawag mo sakanila?"

Bigla namang sumeryoso ang mukha nya sa hindi ko malamang dahilan.

Tumikhim ako at pinagkatitigan sya. What's behind that mask? Anong iniisip nya ngayon? Anong meron sa mga mata nya na nakatitig saakin?

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapag tanto ang naisip ko. Yes! He is freakin' looking at me while I creepily stared at him, wtf?

"You can take a picture of me, that will last long." Tumayo na sya at lumabas ng kwarto.

Mabilis ko namang inubos ang kinakain ko at tumalon sa kama. How can a guy that handsome, be my kidnapper? And why is he treating me so special as if I'm just a guest here? A kidnapper giving his victim her fav food and letting her sleep in his room and bed? Bakit parang di ko naman ata feel na kinidnapped ako? Bakit feeling ko I'm safe? Being treated like this, sino ang hindi mag v-volunteer na magpa kidnapped sa lalaking yon? Especially with his looks hindi nakapag tataka na baka kahit mamamatay tao sya ay ipag sisiksikan parin ng mga babae ang sarili nila.
Take note: meron syang mask, pero grabe na agad ang impact nya. Anong klaseng charisma kaya ang meron itong lalaking ito?

Napa hinga ako ng malalim at pilit sininghot ang unan na nadadaganan ko ngayon. Sobrang lambot nito at kaamoy ni Ax. Hm? I like calling him that. Napangiti ako sa pag alala sa pag seryoso ng mukha nya kanina kahit natatakpan pa yon ng mask. Being serious, just makes him more attractive and hot.

Busy ako sa pag pikit ng mata at pag yakap sa unan nang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi na ako nag abalang tumingin pa kung sino ang pumasok. But, based on the sound of the footsteps, hindi sya si Ax.

Napa tuwid ako ng tayo nang masilip na ang lalaking pumasok sa kwarto ay naka black shoes. Ah, familiar. I think I've seen it from... Yeah! The one that I met few hours ago, yung nag dala saakin dito.

"Need something?" Mataray kong tanong. Gusto ko lang maging meanie today.

Kagaya ng unang pagkikita namin ay nginitian nya lang ako. Kahit siguro mag wala ako dito ay baka tawanan pa nya ako.

"Here." Sabi nya sabay patong ng malaking puting box sa kama ko.

"Ano yan?"

"Pinabibigay ni Boss, isuot mo daw at ito namang mga ito ay iba mo pa daw gagamitin." At ipinatong nya rin sa kama ang isang pouch at box ng sapatos. Ok sooooo, anong meron?

"Anong gagawin ko dyan?"

Muli syang ngumiti ng nakakaloko at lumapit ng kaunti saakin.

"Kakasabi ko lang diba, isuot mo." Pagkatapos nya yon sabihin ay dumiretso na sya sa pintuan at tuluyang umalis.

Agad kong binuksan ang box na malaki at nakita ang isang red long sleeves na off shoulder na dress. It's glittery, above the knee at siguradong kita ang likod ko nito. At saan ko naman kaya ito gagamitin?

Binuksan ko ang isang pang box na pag hihinala ko ay sapatos. Kagaya ng iniisip, sapatos nga ang laman nito. A 3 inch black glittery shoes. Bagay na bagay sa dress.

"Ate Astrid!!!!!!!!!!!!!" Napa talon ako sa gulat sa babaeng sumigaw na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Margoux? Bakit ka sumisigaw?"

Kunwari sya ay umiyak at nag sumbong saakin na parang bata.

"Ate Astrid look! My hair is a mess na kuya Axel did it, he's so meanie talaga!" Napangiti ako sa inasal nya, how can this girl be so cute? Kahit na mukhang matured ang mukha nya dahil sa matapang na mata ay umaangat parin ang pagiging anghel nya. Bakit parang ang gaan ng loob ko sakanya? Bakit parang matagal ko na syang kilala? Bakit parang may pinag samahan kami? Bakit ganon nalang sya ka komportable saakin?

Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang sinabi nya. Axel? Is that his real name? at Kuya?

"Axel? Kuya?"

"Yes ate, he's my kuya, and I am her bunso. And Axel because that is he's real name, ewan ko kung bakit Ax lang ang tawag sakanya ng karamihan siguro kasi doon na sila nasanay. Calling him by his so short name, Ax."

Hm, Axel ha?

"Anong full name ng kuya mo?"

Bigla namang nag bago ang mukha nya, yung mukhang parang....NANG IINSULTO?

"Ay ay, Ikaw ha, curious ka ha, crush mo si kuya no, yiee ate Astrid ha yiee."

"C'mon walang ibig sabihin yon, i just want to know more things about my so called kidnapper."

"Axel Dusk Valeron."

Napatingin kami sa nag salita sa pinto, sa sobrang libang siguro namin ay hindi na namin namalayan na nakabukas pala ang pinto at nakikinig sa pinag uusapan namin si Axel.

"Margoux, I told you to help her get ready, hindi ang makipag kwentuhan sakanya." Seryoso ang mukha nya at naka tingin lang saaming dalawa. Nang balingan ko naman ang katabi ko ay nakita kong may mga butil ng pawis na ang nasa noo nya, napangiti ako sa isiping takot pala si Margoux sa kuya nya.

"Ok lang Dusk, hindi naman kami nag kwekwentuhan ng kung ano eh."

Paalis na sana sya nang bigla syang huminto. Bahagya syang lumingon at hindi nakatakas sa mga mata ko ang sakit na nabubuo sa mga mata nya na mabilis ding nawala na napalitan ng galit.

"Don't you dare call me by that name." Matigas na sabi nya at umalis.

Tinitigan ko lang ang papalayo nyang bulto at tumingin kay Margoux na nag kibit balikat lang.

-DK-

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Where stories live. Discover now