Sana nga, ako ang makasalo ng bouquet ni Stella. Sana nga, ako na ang susunod na ikakasal. Pero sana muna, makakilala ako ng potential boyfriend man lang.

"Tina," tawag ni Lani sa nasa kaliwa ko, "sino 'yong guwapong 'yon na naka-gray polo and rugged curly hair?"

Pagkarinig sa 'guwapo' ay sinundan ko ang tinutumbok ng tingin ni Lani. Nakita ko agad dahil sa curly hair. Nakaupo ang lalaki sa table ng groom's men pero hindi ito kasama sa entourage dahil nakita ko ang lahat ng mga abay kanina. Bakit hindi ko ito nakita kanina? In fairness, guwapo nga. Bagay rito ang buhok na ala-Noah Centineo ang style pero mas guwapo ito kaysa kay Noah. Kahit nakaupo ay mukhang matangkad at matipuno. Sa palagay ko, magkasing-edad lang kami. Single kaya ito?

"Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo, Ate Lani," sabi ni Tina. "Kaibigan yata ni Rey." Rey ang pangalan ng groom ni Stella.

"Ang guwapo nga, 'no? Ruggedly handsome. Single ba?" Tinapunan ako ng tingin ni Lani at nahuli yata akong nakatanaw sa lalaking busy sa pakikipag-usap sa mga kasama sa table. "Ipareto natin kay Stella for Zoey."

Hindi ko ipinahalata na medyo na-excite ako sa narinig.

Mukhang kinilig si Tina. "Bagay nga sila ni Zoey. Pero hindi ko alam kung single. Basta ang alam ko lang, gym instructor siya."

Gym instructor? Medyo na-disappoint ako. Akala ko kasi ay kasing level ito ni Rey na isang engineer. Medyo nabawasan ang bumangong interes ko sa lalaki.

Taliwas sa iniisip ng mga tao sa paligid ko, hindi ako naa-attract sa looks lang. Initially, magiging interesado ako kung guwapo pero mas naa-attract ako sa career o educational attainment ng isang lalaki. Gusto ko ng mga lalaking masikap at may mataas na pangarap. Doon ko kasi nalalaman na magiging maganda ang future namin kung sakali. Lahat ng naging boyfriend ko ay maganda ang career. Kahit ang puppy love kong si Justin na na-foresee kong magiging professional basketball player balang araw ay PBA player na ngayon.

"Kaya pala mukhang hunk," sabi ni Lani. Bumalik sa akin ang tingin ni Lani. "Type mo, Zoey?"

"Malamang may girlfriend 'yan," sabi ko habang pinagmamasdan ang lalaki. "Hitsura pa lang, mukha nang playboy. What kind of guy would sport a hairstyle like that if he's not Noah Centineo? Malamang ginagamit niya 'yang sexy hairstyle niya para maka-attract ng mga marurupok."

Walang nagsalita sa mga kausap ko. Nang ipaling ko nang left and right ang ulo ko para tingnan sila ay nakita ko na parang natitigilan sila sa narinig mula sa akin.

"J-in-udge mo na siya dahil sa buhok niya?" tanong ni Lani.

"Based din sa work niya," sagot ko. "'Yong gym instructor doon sa fitness gym kung saan ako member, ume-extra sa mga matronang members doon outside the gym."

Narinig ko ang pagsinghap ni Tina. Namimilog ang mga mata nito.

"Hindi naman siguro siya gano'n, Zoey," sabi ni Lani. "Mukhang matino naman 'yong husband ni Stella kaya siguro matino rin naman ang friends niya."

Tumawa na lang ako nang ma-realize ang mga sinabi ko. Hindi naman ako usually ganito ka-judgmental. Hindi ko alam kung bakit ganoon agad ang naisip ko sa lalaking iyon. "Malamang hindi nga. Baka advance lang ako mag-isip." Sana ay hindi nga.

Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay nabigla ako nang makitang nakatingin ito sa akin. Mabilis kong inalis ang tingin sa lalaki. Hindi naman siguro nito narinig ang mga sinabi ko tungkol dito dahil malayo ang distansiya ng mga mesa namin. Baka naman hindi sa akin nakatingin. Baka sa nasa likuran ko.

Naghihiwa na pala ng cake ang newly weds. Napatitig ako kay Stella. Her face was glowing. I had never seen her look that beautiful and graceful. Maybe it was true that when a woman was in love and loved, she became the most beautiful version of herself. I was not in my most beautiful form now. I wished I could achieve that kind of glow in Stella's face right now.

Nang alisin ko ang tingin sa bagong kasal ay napadpad uli ang mata ko sa mesa ng groom's men nang hindi ko sinasadya. Nakasalubong ko na naman ang tingin ng lalaking kulot. Iniisip ko pa lang kung ako talaga ang tinitingnan nito nang ngumiti ang lalaki. Bakit ako nginingitian nito? At saka bakit ang sexy ng ngiti ng lalaki? Na-detect ba nitong marupok ako?

No. Hindi ako madadala sa sexy hair and smile ng lalaking ito. Hindi ako matronang naghahanap ng fitness instructor. Hindi ako marupok. Hindi ako naghahanap ng ka-hookup o temporary boyfriend. Potential husband na ang hanap ko. And I did not think this guy could be one.

Inalis ko ang tingin sa lalaki bago pa nito isiping interesado akong makipag-hookup. Siya namang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis kong dinukot iyon mula sa clutch bag sa kandungan ko. Bakit tumatawag sa akin si Lottie? Alam naman niyang a-attend ako ng kasal dahil nagtanong ako sa kanya kung ano sa dalawang dress na binili ko ang mas bagay kong isuot sa okasyon na iyon. Basag ang boses ni Lottie nang tawagin niya akong 'ate.'

"Bakit ganyan ang boses mo?" Kinabahan ako. Tumayo muna ako at lumayo nang bahagya sa kasiyahan para mas marinig ko siya.

"Ate..."

"Umiiyak ka ba? May nangyari ba? 'Wag mong sabihing break na kayo ni Andre?"

Suminghot si Lottie. "Ate... I'm pregnant."

"Anong sabi mo?" manghang tanong ko.

"Buntis ako, ate... Alam na nina Daddy. Gusto niyang magpakasal kami ni Andre..."

Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko. "What?!"

Status: Single (But Not For Too Long)Where stories live. Discover now