Chapter 5: It Was Her

Start from the beginning
                                    

"Masusunod po, Kamahalan." saad nito sabay yuko sa Hari bilang pagpapasalamat. Hinila niya sa kaniyang tabi ang anak niyang babae.

"Kamahalan, ang sabi ng anak ko'y muntikan na siyang malunod sa ilog dahil sa ginawa ng babaeng iyon sa kaniya. Ang anak ko'y mabait at marunong gumalang sa kapwa ngunit sinaktan lang siya ng taong iyon ng walang kalaban-laban. Naaawa ako sa aking anak dahil panay lamang ito sa pag-iyak halos hindi na namin siya makausap dahil sa takot." kwento nito. Ang lahat ay naawa pero sapat na ba ang kaniyang sinabi para makumbinsi ang kaniyang Kamahalan?

"Binibini, nais kong malaman kung totoo ba ang lahat ng iyon? Ano bang dahilan kung bakit nangyari ito?" tanong ng Hari na ikinasinghal niya dahil sa takot.

"K-Kamahalan, masaya lang po kaming nagkwe-kwentuhan ng aking mga kaibigan sa ilog noon. Wala kaming ginawang masama sa kaniya pero nagulat na lang po kaming lahat nang bigla niya kaming sugurin. Marahas niya po akong hinila papunta sa ilog at doon niya po ako muntikang patayin. Hindi ko po alam kung bakit po siya nagalit sa akin ng husto." pagsisinungaling niya at sinabayan niya pa ito ng iyak upang makumbinsi ang lahat sa kaniyang kasinungalingan. Ayaw niyang magpatalo at gusto niyang mawala na nga ang mahal na Reyna gaya ng nais ng kaniyang ama.

"Gano'n ba? Maari mo bang ituro sa amin kung sino ang nanakit sayo?" saad ng Hari. Natuwa pa siya sa kaniyang narinig mukhang umaayon sa kanila ang kapalaran.

"Kamahalan, siya po." hindi na siya nagdalawang-isip pa na ituro ang Reyna na naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Ang lahat ay mas nagulat at hindi inaasahang ang mismong Reyna nila ang gagawa ng bagay na iyon. Hindi nila ito inaasahan. Paano nangyari ito?

"Isang kahangalan! Paano naman magagawa ng mahal na Reyna ang iyong mga pinaparatang? Ni hindi niya magawang manakit ng kapwa, ikaw pa kayang isang bata?" tutol ng Punong Ministro. Ang lahat ay sumang-ayon dahil naniniwala silang kahit kailan hindi iyon magagawa ng Reyna.

"K-Kamahalan, bigyan niyo po ako ng hustisya. Nagsasabi po ako ng totoo, Kamahalan. Muntikan na po akong mamatay sa ilog na iyon at saksi ang mga kaibigan ko." pagmamakaawa ng anak ni Pinunong Kang.

"Kamahalan, isa po kayong magiting at magaling na Hari ng bansang ito. Naniniwala po akong paparusahan niyo ang mga nagkakasala ng patas at naaayon sa batas. Ang mahal na Reyna po ay nagkasala kaya kayo na po ang bahala sa hustisya na nararapat sa aking mahal na anak, Kamahalan." saad ni Pinunong Kang.

"Kayong natitira? Hindi niyo ba ipagtatanggol ang hustisyang nararapat para sa inyong mga anak? Paano niyo nagagawang manahimik na lamang at hindi ipinaglalaban ang hustisya?" tanong ng Hari sa kanila.

"K-Kamahalan..." nais sanang tumutol ng Ministro ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Hindi niya inaasahang matindi pa rin ang galit ng Hari sa Reyna. Ang mga mata nitong kumikinang dahil sa galit. Pero hindi siya nakakasiguro kung para kanino o sadyang galit pa rin talaga ito sa Reyna.

"Kamahalan!" yumukod sa sahig si Disha dahil sa takot na wala na siyang magawa para sa kaniyang sarili. Nais niyang ipaglaban ang karapatan niyang magsalita dahil napapansin niyang isa lamang ang tinitignan ng Hari kung hindi ang totoong may kasalanan. Iniisip nitong napaka-unfair ng Hari. Hindi siya patas magbigay ng hustisya. Hari nga ba talaga siya?

Natahimik ang lahat at napatingin sa mahal na Reyna na naka-yukod sa sahig. Hindi nila ito inaasahan.

"Anong nais mo? Sasabihin mo na ba ang katotohanan? Na ginawa mo nga talaga ang kasalanang iyon?!" tumaas na ang kaniyang boses. Lahat tuloy sila nagulat. Hindi naman kasi inaasahan ng Hari na yuyukod ang Reyna niya sa kaniyang harapan.


Disha's POV

Nanginginig na ako sa takot. Hindi ko tuloy maiwasang maluha dahil sa pagiging mahina ko. Ano bang ginagawa mo, Disha? Kung sa ganitong bagay lang manghihina ka na paano na sa susunod?

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now