Palakas rin ng palakas ang kabog ng puso ko ng mapagtantong nakatitig narin sa gawi ko si Gorilla at tila hindi pa siya makapaniwala ng masulyapan niya ako.

Agad ako nag-iwas ng tingin at kinapitan ng mahigpit si Shamsham bago hinigit si Kieno sabay hila na halatang ikinagulat niya. Ang init na ng mukha ko, ayaw kong makasalamuha ngayon si Gorilla.

Hindi naman nagrereklamo si Kieno sa inasta ko kaya mas dinalian ko pa ang paglalakad habang hawak parin ang kamay niya. Pigil na pigil ako saking sarili na wag lumingon kina Gorilla habang tinatahak namin ni Kieno ang daan papunta sa loob ng kaharian.

Nang makalayo kami sa kanila, do'n na ako bumuga ng malalim na hininga. Binitawan ko narin ang kamay ni Kieno at tila nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak si Shamsham.

Bakit hindi ko naisip na maaaring maparito sina Gorilla dahil kaarawan ng hari?  (>_<)

"Bakit mo siya iniiwasan?" Agad na tanong ni Kieno sa'kin. Naninibago talaga ako sa inasta't mga galaw niya ngayon.

Napapikit ako sabay iwas ng tingin. "H-hindi ko rin alam." I muttered.

Hindi ko talaga alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siyang makita. Ni makaramdam ng ganitong emosyon ay hindi kaylanman sumagip sa isip ko kung kailan.

Mahal ko ba talaga si Gorilla?

Kaya ba kahit anong masasakit na salita na ang lumabas sa bibig niya'y tanggap ko parin siya? Naiinis ako sa kaniya noon, Oo. Pero---nakakalito...bakit nawala? Bakit nawala yung inis ko sa kaniya?




The more you hate, the more you love.



(>\\\<)



That line...


K-kaya ba...

Kaya ba nagseselos ako ngayon dahil mahal ko na siya?

P-pero...may Princess Yanaez na siya.

"Pusa, nararamdaman mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?" Tila sa isang iglap, nagising ako sa ulirat dahil sa malungkot na wika ni Kieno.

"P-Pusa, s-something thumped my heart while watching the woman that I loved who's now carrying a torch for someone whose more preferable than me." His voice is breaking.

I was caught off guard when tears welled from his eyes.

"P-Pusa, n-nasasaktan ako. N-nasasaktan ako pero bawal aminin. M-mahal na mahal ko siya p-pero bawal sabihin. P-pusa, I...I only feel happy and complete w-when she's with me." Binabara ang lalamunan ko ngayon. I can feel the pain from his voice and words.

He looks so weak. I don't know kung bakit sinasabi niya ang mga iyon sa akin. Isa lang ang nasa isipan ko ngayon, he needs hug and a shoulder to cry on.

Lumapit ako sa kaniya and caressed his face. I wiped his tears using my thumb. I grabbed his hand and hugged him.

Alam kong pinigipigan lang niya ang wag humikbi. Ramdam na ramdam ko rin ang mga braso niyang unti-unting pumulupot sa likod ko. Damang dama ko narin ang mga maiinit na likidong halatang galing sa mga mata niya.

I can't afford seeing him like this. Breaking down crying.

Hinahaplos-haplos ko ang likod niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Parehas kami ngayon ng sitwasyon pero mukhang mas masakit ang sa kaniya. Kung sino man ang babaeng minamahal niyang may pader sa gitna nilang dalawa, I am hoping for them to reconcile and break the wall that became their hostile. And I am also hoping that it was Nikka, whom he was referring to.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now