chapter 11

60 25 118
                                    

-Shacy's POV-

"Paano kayo nagkakilala ni lolo?"

Mahinang kinurot ni lola ang pisngi ko saka tumawa. "Ba't mo naman natanong 'yan, apo ko? Tell me, you're in love, aren't you?" Tiningnan ako ni lola ng may panunukso. Hanep talaga mag-isip 'tong si lola!

"Lola, hindi ako in love. I'm just asking kung paano kayo nagkakilala ni lolo, someone just told me na 'kapag mahal mo raw ang isang tao hindi mawawala ang salitang sakripisyo'. Ang gulo-gulo, hindi ko maintindihan."

"Hahaha. Apo ko, talagang hindi mo maintindihan dahil hindi mo pa nararanasan." 

"Then tell me, paano kayo---"

"Ppsshhh." Pagpapatahimik niya pa. "I'll tell you na apo ko, okay?" Natatawa niyang puna. "Ganito kasi yon, College ako that time..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"So, ibig sabihin nagkakilala kayo ni lolo sa library. Nagpanggap kayong dalawa bilang mag-jowa upang wala nang mangungulit sayo hanggang sa na-inlove kayo sa isa't isa? Tapos nung nalaman ng mama ni lolo ang tungkol sa relasyon niyo'y agad pinapunta si lolo sa America upang magkahiwalay kayo...walang nagawa si lolo that time kaya sinunod nalang niya yung mama niya. But after four years, umuwi siya pero naka-move on kana. He courted you again sa mall, kung saan lahat ng tao'y napa sana all dahil sa ka-sweetan ni lolo. Pero hard to get ka that time kaya hindi mo siya sinagot. But lolo was very persistent and still patiently waiting for you. Nalaman mo na sa apat na taon na nagkahiwalay kayo'y pinaglaban ka pala niya sa pamilya niya. Tinapos ni lolo ang kaniyang pag-aaral at nakuha ang posisyong CEO sa kanilang kompanya...pero hindi niya iyon tinanggap dahil ang dahilan sa pagpunta niya sa America ay ang ipakita sa kanila kung gaano ka niya kamahal, at ng dahil sayo naging matino siyang tao. After that, umuwi siya at hinanap ka. At naging kayo parin sa huli." Manghang-mangha kong turan. Ba't ang ganda ng love story nila! Mala MMK! Nakakaiyak!

"Sina-summary mo lang apo ko, eh!" Natatawang turan ni lola.

"Gano'n niyo po ba kamahal ang isa't isa?" Dagliang tanong ko. Sa isip ko...ang swerte nila sa isa't isa. Akala ko talaga sa telebesyon lang makikita o di kaya'y sa libro lang mababasa ang ganitong love story!

"Hahaha. Apo ko, hindi naman siguro mabubuo ang mama mo kung hindi namin mahal ng lolo mo ang isa't isa, diba?"

"Sabagay, pero lola ang pagkakaroon ng anak ay hindi lang naman umiiral sa pag-ibig, diba? May mga tao na kahit walang relasyon sa isa't isa'y gumagawa parin ng bata, hindi dahil love nila ang isa't isa kundi may namumuong temtasyon sa kanilang dalawa." Seryoso kong ani na nagpapangiti kay lola, pero ang nakakahagip ng atensyon ko'y ang Adams Apple ni Mr. Han na taas-baba ang ginagawa. Nakakailang lunok na ang taong 'to ah! Natamaan siguro!

"Tama ka, apo ko. Pero sa buhay ko, ang bunga ng pagmamahalan namin ng lolo mo ay ang mama mo. Kahit papano ay natutuwa ako't malawak ang iyong isip, apo ko." Malambing na ani lola saka inayos ang buhok ko...pero teka lang!

(0_0)

"Malawak ang aking isip? Gaano ka lawak? Nakikita niyo po ba ang isipan ko? Nami-measure niyo?! May super powers kayo?!" Gulat kong tanong pero tinawanan lang niya ako. Naging-abnormal na naman yata to si lola!

"We're here, lady prima." Ani Mr. Han.

Napatingin ako sa side window at nandito na nga kami sa bahay. Pinapark muna ni Mr. Han ang kotse sa garahe saka pinagbukas si lola ng pinto. May bigla namang bumukas sa pinto ko kaya lumabas nalang rin ako.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now