chapter 08

49 28 26
                                    

--Prof Wang's POV--

It's hard to discuss kapag may lutang kang estudyante! Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat! Ginawa ko na nga lahat para maintindihan nila ang discussion ko pero lahat sila ay nakatunganga lamang sa klase ko!

Ang seksiyon na to ang pinili kong turuan dahil matatalino raw ang mga estudyante rito. Pero mukhang nagkamali ang iilan ng mga iniisip!

Ang hina ng mga kukuti nila. Aaminin kong minsan ay masagot nila ang mga tanong ko pero mga basic lamang 'yon kumpara sa mga nalalaman ko.

*Hinga ng malalim*

Siguro kailangan ko nang mag-shift nang ibang section. Depression lamang ang makukuha ko sa mga estudyanteng---"Prof! Eh mali naman 'yang conclusion mo eh!" (0_0)

Napatayo naman ako dahil sa reklamo ni Ms. Mcreb saka padabog na ililapag ang mga kamay sa mesa para matigilan siya.

"At ako pa talaga ang mali ngayon, Ms. Mcreb?!" Professor ako at estudyante lang siya!

Mas marami ang alam ko keysa sa kaniya! At Cum laude graduate student ako noong 1964!


"E-eh Prof Wang, mali ka naman talaga eh!" Talagang matigas ang ulo ng batang to ah!


"Sige nga! Ipaliwanag mo sa akin kung bakit mali ako!" Kinakalaban talaga ako ng batang to!


Kalma lang Wang. Kalma lang. Mataas pa naman blood pressure mo!


Hindi ako pwedeng magkamali! Nire-review ko ng ilang beses ang tungkol sa Hypothesis Testing na 'to! At wala naman akong nakitang mali!


"Base po kasi sa memorya ko---"


"At bakit ka naman bumabase sa memorya mo kung may libro naman kayo sa subject---"

"Galing rin po kasi sa libro ang memorya ko Professor Wang!" (>_<)


Bastos talaga! "Sige! Ipagpatuloy mo!" *hinga ng malalim!*

"Base po kasi sa memorya ko na galing rin sa libro, Prof Wang, since Z Value po ang ginagamit niyo, it means if it falls in any of those areas na kinukulayan niyo ng red, that only means we can reject our null hypothesis. Tama po ba ako, Professor Wang?!"



(>_<)


"Oo, tama ka nga! Ngunit ano ba talaga ang punto mo, Ms. Mcreb?!" Minamaliit ba ako ng batang to?!



"Hayst! Ang slow niyo naman po!" Reklamo niya pa sabay kamot sa ulo.



Aba! Sumasagot pa talaga ah!


"Ppppfffttt!"


Nagsitawanan naman ang mga klasmeyt niya kaya tiningnan ko silang lahat ng masama!


"Isa-isahin ko po Prof Wang ah, para maintindihan niyo talaga. Diyan po kasi sa ginuhit niyong konklusyon, ang critical value ay negative at positive 1.96. Tapos ang value po ng Z ay 2.89, ibig sabihin nasa positive na bahagi po siya. At ang sinabi ko po kanina tungkol sa Z value, if it falls any of those red areas, that means we can reject our null hypothesis. So, since 2.89 po ang value ng Z, it means nasa bandang positive 1.96 na critical value po ang bagsak niya."


"T-tapos?!" Mapipiyok na talaga ako dito! B-bakit ang dami niyang alam?

"Dapat po nating e-reject ang null hypothesis at hindi i-accept. Mali po kasi konklusiyon niyo Prof Wang eh!"


My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now