chapter 19

30 22 12
                                    

Necklace.

Maang at naiilang kong tinignan si Pusa na nakahiga sa mga malalaking ugat ng puno. Ginawang unan ang kaniyang mga braso at pinag-ikis ang kaniyang mga paa habang nasa alapaap ang kaniyang mga paningin.

Pagkatapos kasi sa nangyari kanina'y atat na atat siyang nag-aya na pumunta dito sa puno ng makita niya ito. Ang totoo, mukhang wala lang sa kaniya ang ganoong eksena. Hindi ko talaga alam kung bato ba siya o wala lang talaga siyang puso! (>_<)

Sa ngayon palihim narin akong umupo at hindi gumawa ng anumang ingay. Ang punong ito pala ay pinapagitnaan ng mga bulaklak. Sa parteng ito kung saan tinatanim ang malawak na bulaklak, isang puno lang ang nandito. Hindi ko rin alam kung bakit, basta ang sabi-sabi ng nakararami ay may paparating raw na hindi namin aasahan. Isang grasya na makapagbigay ginhawa sa'min kumbaga.

Napatawa tuloy ako. Mga matanda talaga, pumapaniwala rin sa mga sabi sabi. Eh, halos mag labing-walong taon na ako rito simula nung tinanim ang punong ito ngunit hanggang ngayon ay wala man lang dumating. Sa katunayan nga ay may buhay pang nalagas sa pamilya namin. Wala na akong dapat asahan pa, nasa kamay ng mga tao ang pag-asa, wala sa mga sabi-sabi o pamahiin.

Tumikhim ako ng hangin at tinignan ang araw na ngayon ay kalahati nalang ang makikita't lulubog na ito.

"Kieno." Napapikit ako dahil sa gulat. (>_<) Sa gitna ng mahabang katahimikan tapos basagin niya ng hindi lingid sa iyong kaalaman, sino ang hindi magulat?!

"O-oh?" Utal kong usal saka tumingin sa kaniya na ngayon ay nakapikit na. Ganoon parin ang kaniyang pwesto.

"Kayong mga North Korean ba'y pwedeng maka-alis sa lugar na ito at lumipat sa ibang bansa?" Tanong niya ng hindi dinilat ang kaniyang mga mata.

Anong 'Kayong mga North Korean'? Eh, isa rin naman siyang mamamayan rito.

"'Tayo' ba kamo?" Paglilinaw ko pa ngunit tahimik lang siya. Baka nagkamali lang siya. Kieno! Nawawalan nga ng alaala yung tao diba?! Tsk! "H-hindi, wala kaming karapatan na lumisan sa lugar na ito. Pag nagkataon naman hahanap at hahanap parin ng paraan ang mga opisyales upang maibalik kami sa lugar na ito at paparatangan ng mga bagay na hindi namin magagawa. Nakadepende rin sa desisyon ng hari kung ikukulong ba kami, bubugbugin o papatayin. Nasa batas 'yon." Mahabang litanya ko habang sa malayo nakatingin.

Nakita ko siya mula rito na idinilat ang mga mata at umupo.

"Gano'n ba ka pangit ang ugali ng hari?" Takang tanong niya kaya napailing ako.

"Mabait ang hari. Napakabait." Maraming naitulong ang hari dito sa'min. Busilak rin ang kaniyang puso at handang tumulong para saming mga mamamayan. Ang nakakahadlang lang, ay yung pisting mga opisyales! Malaki rin ang responsibilidad nila rito sa lugar na ito kung kaya't magagawa rin nila ang mga bagay na gusto nilang gawin. Gano'n rin ang mga mayayaman. Papatay sila ng tao kung kinakailangan nilang papatahimikin upang hindi maabot sa hari ang balita. Binabantaan rin ang mga buhay namin, kapag nagsumbong kami, maaaring lahat kami mamamatay.

"Kung gano'n naman pala, bakit hindi kayo humingi ng tulong sa kaniya?" Usal niya dahilan para mapa-iwas ako ng tingin.

"Mahabang proseso." Ani ko nalang at tumango naman siya. Yung tipong naintindihan niya talaga.

"Siya nga pala, may internet ba kayo dito? Mga telepono o di kaya'y laptop?" Umaasang tanong niya ngunit hindi ko siya maintindihan. (>_<)

"Anu-ano ba 'yang mga tinutukoy mo?" Nalilito kong aniya.

"Technologies! Hindi mo alam?" Nakangiwing tanong niya kaya umiling ako.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now