"Is it really required to enter the three fingers then spin it inside?" Nakita ko siyang natigilan at mukhang na-shock pa siya sa tinanong ko.

Palihim rin siyang umubo at nag-iwas pa ng tingin sa akin.

M-may nasabi kaya akong mali?

"A-are you idiot?!" (>_<)

"Nagtatanong lang naman ako kung ganiyan ba maghugas ng baso." Hindi ko naman siya inaano, ah. *nguso*

"A-ah, y-yes." Bakit ba siya nauutal? Hayst! Lumuwag kaya tornenlyo niya kaya hindi niya agad na gets ang tanong ko?

"H-here. Do it yourself." Nagmamadali siyang naghugas ng kamay at agad-agad umalis ng hindi nagpapaalam. Anong nangyari do'n?

T-teka! Wala na kaya siyang lagnat? Hindi ko tuloy naisipang magtanong.

Kahit naguguluhan ako sa inasta ni Gorilla'y pinagpatuloy ko parin ang paghugas ng mga natitirang baso. Pagkatapos ay tumungo na ako sa silid ni Balensyano saka nagbihis ng panibagong damit. Hindi pa pala ako nakapagpasalamat. *sigh* Mamaya nalang.

Pagkatapos kong magbihis ay mahina akong naglalakad patungo sa pinto ni Gorilla. Nagdadalawang isip na kakatok o hindi.

Unti-unti namang umatras ang mga paa ko sabay kumawala ng buntong hininga. Nawawalan tuloy ako ng lakas ng loob. Baka kako madisturbo ko siya sa loob at mapag-initan na naman ako ng ulo.

Lumabas nalang ako ng bahay at napag-isipang umakyat nalang sa puno ng mangga.

Ano kaya ang pwede kong laruin dito? Wala pa kasi akong ganang kumain ng hilaw na mangga. Medyo nangingilo narin ang ngipin ko dahil sa asim nito. Tsaka, hindi pa naman ako nagugutom.

Keylan kaya babalik si Balensyano?

(-_-)

Speaking of Balensyano. Peste! Naalala ko na naman yung pating sa dagat! Nakakakilabot talaga! Akala ko nga kamatayan ko na! Anong klaseng mga laro ba ang meron na tumatakbo sa utak niya?! Tell me, laro ba'ng makipag-agaw buhay sa mga pating?!

(>_<)


Sira na siguro bungo niya. Tch!


"Meow." Eh?

Saan nanggaling ang tunog na 'yon?


"Meow."

Pusa? May pusa dito? Bumaba ako mula sa pagka-upo sa sanga ng puno at hinahanap yung pusa. May nakita akong maliit na kahon sa di kalayuan, malapit lang ito sa pasilyo. Tumungo ako do'n upang e-check kung ano ang laman. Isang pusa. It has blue eyes and short light colored hair on the body with darker-colored ears, paws, tail and face.

"Siamese cat." Manghang turan ko habang nakatitig sa kulay asul nitong mga mata.

Waaahhh! Ang cute!

Dahan-dahan kong kinuha ang pusa. Binuhat ko ito at parang batang kinulong sa bisig ko.

"Meow." Ramdam ko ang malambot nitong mga balahibo sa braso ko. Napangiti naman ako dahil bukod sa ka-cutan niya, ang behave behave rin. Parang si Baby. (^___^)



Ang chubby niya rin. Tapos nakaka-attract pa ang kulay ng mga mata nito. Napahagikgik naman ako ng tawa dahil sa kiliting hatid ng balahibo niya sa balat ko.

"Meow."

Kaninong pusa kaya ito? Bakit parang inaabando? Nakalagay kasi sa kahon tapos mukhang tinapon pa. Ramdam ko rin ang panginginig nito at parang nauulanan pa. Naulanan kaya ito kagabi? Kawawa naman.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now