"Uy! HAHA! Ang daya mo, Luciosuno! Ang laki laki ng mga kamay mo!" Patuloy kami sa pagtalsikan ng tubig. Kumawala ng maiingay na tawa. Bumubungisngis at nasisiyahan.

"S-stop it, Lady Sam! HAHA! We're wet already!" Hindi ko siya pinakinggan sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagpisik sa kaniya ng tubig.

Tawa lang ako ng tawa dahil nagmukha na siyang natatae! Wala rin siyang pigil sa paghagis ng tubig sa'kin. Nakangisi siya na parang ewan!

"Hindi mo ako matatalo!" Natutuwang sigaw ko.

"Lady Sam! HAHA! Stop!" I kept on splashing the water out of nowhere. I don't mind if I'm wet, I just wanna have some fun!

(^__^)

"Uy! Luciosuno! Ang daya mo na nga dahil malaki ang kamay mo, tapos kumukuha kapa ng tabo! Ang duga mo nam---"

"*Ahem!*"

Napatigil kaming dalawa ni Luciosuno at sabay pa kaming tumingin sa bandang gilid namin.

"L-lord Gaveign!" Agad nag bow si Luciosuno sa harap ni Gorilla.

Kung saan saan naman lumilipad ang mga mata ko dahil iniiwasan ko talaga ang taong ito.

"Lix, go to the kingdom and ask someone to wash my laundry. Don't forget to bring it with you when you come back." Seryusong utos ni Gorilla kay Luciosuno.

"Ne, Lord Gaveign." Nag-bow ulit si Luciosuno saka humarap sa'kin. "I'll excuse myself, Lady Sam." Nakangiting tudyo niya sakin sabay bow at tumalima na.

(>_<)

*lunok!*

Paano ako?!

Kaming dalawa nalang ni Gorilla dito!

Umakma akong aalis at naiilang na ngumiti kay Gorilla. "A-ahm. M-may kukuni--"

"Stay." Napalunok ulit ako. (T__T)

"The glasses are not yet clean." Napatingin ako sa mga baso.

Takte! Bakit hindi pa nahugasan ni Luciosuno?!

T-tapos, basa ako! Kailangan kong magbihis!

"He-he p-pwedeng mamaya nala---"

"No."

(>_<)

"H-hindi ako m-marunong---" He cut me off using his deep breath. Huhuhu. Baka magkasibo ulit ang mga baso. Edi paulit-ulit akong maghugas dito. T^T

"I'll teach you." Eh?

Nasa gilid niya lang ako, ininda ang basang damit. Nagmamasid kung paano hugasan ang baso. Para siyang pro na hugasero. Hugasero kaya siya sa kanilang kaharian? Ang galing galing niya, eh. Winawaswasan niya ito ng ilang beses pagkatapos sinabunan tapos nilagay na sa isang tray. Kaya pala may mga sibo pa yung mga hinuhugasan kong baso, pagkatapos ko kasing punasan ng maraming sabon, isang beses ko lang iyon winawasas saka tapos na. (>_<)

Eh, ganito ako maghugas do'n sa amin! Hindi naman ako sinasabihan ni nanay. Hindi niya rin ako ini-inform na ganito pala ang kalabasan. Tapos isa pa, hindi talaga ako naghuhugas ng pinggan at kung anu-ano pa noon sa mansion namin. Malay ko ba? T^T

Tahimik lang si Gorilla habang hinuhugasan ang pangalawang baso. Wala rin naman akong magawa kundi ang tignan ito para matuto. Pansin ko ang mga daliri niyang malikot sa loob ng baso, pinupunasan niya iyon ng sabon.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now