"This is my first time na magluto, kaya medyo p-pumangit ang mukha ko." Rinig kong sambit ni Princess Yanaez.

(0_0)

Eh? First time niyang magluto?

Eh, hindi ba't ako naman ang nagluto?

"You overworked yourself again. I told you, let my maid do the cooking." Ani pa ni Gorilla rito.

"Just taste it nalang. Sinubukan ko talagang magluto ng personal para sa iyo. Kung hindi ako pinuntahan nina Prince Kyle at Felix sa kaharian namin, siguro walang nag-aasikaso ngayon sa iyo." Napagitla ako. "Susubuan nalang kita para hindi mo na kailangan pang gumalaw. Pinaghirapan ko itong lutuin. Nadumihan pa ang mukha ko. Just make sure na magugustuhan mo." Natatawa pang sambit ni Princess Yanaez.

Unti-unti ako nilalamon ng inis habang pinakinggan ang pinag-uusasapan nila.

Ang daming mga tanong sa isipan ko na gustong gusto kong isigaw.

Kaya ba ayaw niyang ipapunas ang dumi sa kaniyang mukha dahil gusto niyang iparating at ipakita kay Gorilla na siya talaga ang nagluto?!

Kaya rin ba umalis sina Balensyano at Luciosuno no'n dahil pinuntahan nila si Princess Yanaez?

At ano ang ibig sabihin niyang kung hindi siya nandito, wala ring mag-aasikaso kay Gorilla ngayon? Ipinabatid niya bang wala akong silbi?!

"How was it?"

"Hhhhmm, good. This porridge taste really good."

Napapikit ako dahil sa sobrang inis! Sa halip na magwala ay mas pinili ko nalang pakalmahin ang sarili ko.

Lumabas nalang ulit ako ng bahay at tumungo sa likod para magpahangin.

Napahilamos ako saking mukha ng may pumasok saking utak na ipinagtataka ko lalo.

Bakit ba ako naiinis? Hindi ba dapat masaya ako dahil okay na kami ni Princess Yanaez?

Hindi dapat big deal sakin ang pag-aako niya ng niluto ko, dahil unang una prinsesa siya, ordinaryong tao lang ako. At pangalawa, wala namang mawawala sa skills ko kung aakuin niya ang lugaw na niluto ko. Pangatlo, katulong lang ako dito malamang obligasyon ko ang pagluluto, hindi ko dapat minamasama ang pag-ako ni Princess Yanaez sa niluto ko. Pang-apat, baka gusto lang ipakita ni Princess Yanaez ang kabutihan nito at gustong ipabatid na napupusua---Eh? Teka nga...

(0_0)

Princess Yanaez...

Yana...

Princess Yanaez is Yana?!

Nabingi ako sa sariling pag-iisip ng biglang nag-pop up saking isipan 'yon. Imposible kayang si Princess Yanaez at Yana ay iisa? Magkahawig kasi ang pangalan nila.

Siya kaya yung pinaginipan ni Gorilla kagabi? Siya kaya yung iniyakan niya? Siya yung kalaro niya? Kung kalaro nga talaga niya si Princess Yanaez....bakit hindi ito bakla?

(>__<)

Buset na utak! May naibigan nga si Gorilla diba?! Paano siya naging bakla?! Ikaw talaga Sam! Ang bobo minsan!


Pero come to think of it, tinatawag ni Gorilla si Princess Yanaez ng 'My Princess', at kung titigan naman ni Princess Yanaez si Gorilla ay parang may something sa kanilang dalawa. (>_<) Hindi ba't lovebirds silang dalawa?!

Naguguluhan na ako! Kung sakaling lovebirds silang dalawa, at napupusuan rin ni Gorilla si Princess Yanaez ibig bang sabihin nito--si Princess Yanaez, si Yana, at ang babaeng hinahanap niya ay iisa?!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now