Mag-isa ulit ako dito sa puno. Nagmu-muni-muni. Hindi ko alam kung nasaan si Luciosuno, siguro may inaasikaso rin.

Mga ilang minuto ang tambay ko dito, hanggang sa napagpasiyahan kong bumaba na at planong maglakad-lakad kung saan.

Aalis na sana ako patungong likod ng bahay nang biglang sumulpot si Princess Yanaez sa harapan ko.

"B-bakit po? M-masakit pa po ba 'yang gasgas sa siko niyo? Sorry po talaga. Hindi ko kasi kayo nakita kanina." Puno ng sensiridad kong turan. Pansin ko ang maliit na dahon sa siko ni Princess Yanaez. Mukhang nagagamutan na.

"Ah, okay lang. Don't be sorry. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako tumitingin sa daan. Total galos lang naman to, hihilom rin ito." Napatungo nalang ako. Ang bait bait niya pala.

"M-may kailangan po ba kayo sakin?" Tanong ko nang maalala kung bakit siya sumulpot sa harap ko.

"Ah, yes! Nakalimutan ko agad. Prince Gav once told me that you're his maid. So, I guess it is your priority na magluto." N-nakakapagtaka lang. Bakit kung umasta siya ngayon, parang wala siyang sakit na leukemia. Hindi siguro ganun ka lala?  Parang ang sigla niya kasi ngayon, hindi katulad nung unang kita ko sa kaniya at kanina na mahinhin.

"A-ah hehe oo naman po! Ano po ba ang lulutuin ko?" Mukhang mabait naman siya. Ano na ba ang nangyari sa'kin? Bakit pati mababait na tao pinag-isipan ko ng masama?

"Porridge."

Sinunod ko ang utos ni Princess Yanaez. Trabaho ko naman talaga 'to--no, scratched that---parusa ko naman talaga 'to. Kung hindi ba ako pumunta sa gubat, hindi rin siguro to mangyayari sa'kin. Edi sana kapiling ko pa sina nanay sa bahay.

I heave a deep sigh. Patapos na ako sa aking niluto. Habang abala ako dito pansin ko si Princess Yanaez na pumunta sa mga kaldero na hindi ko pa nahuhugasan. May kung ano siyang ginawa do'n ngunit hindi ko nalang binigyan ng pansin. Kinuha ko ang maliit na bowl at agad nilagyan ng lugaw. Inilagay ko narin ito sa isang tray at humahilap narin ng kutsara upang wala nang abalahin pa si Princess Yanaez.

"Ako na!" Nagulat ako dahil sa pabiglaang sigaw ni Princess Yanaez kasabay sa pag-agaw niya sakin ng tray.

Kabado naman akong ngumiti. Pinagkiskis ko ang dalawang kamay ko hanggang sa mapansin ko ang mga kulay itim sa mukha ni Princess Yanaez na parang galing sa dumi ng kaldero.

"Ahm, Princess Yanaez, m-may dumi po kayo sa mukha." Hindi niya kaya napansin?

Ngumiti lang siya sa'kin saka ina-arrange ulit ang bowl at kutsara sa tray upang lagyan ng isang basong tsaa. Okay lang ba talaga sa kaniya ang dumi sa kaniyang mukha? O baka iniisip niya na isa akong joker? Luh!

"Teka lang po, pupunasin ko nala--"

"Don't!" She cut me off when I was about to wipe the dirt on her face using my own dress. Nagtaka naman ako sa inasta niya. Hindi naman madumi ang damit ko. At isa pa, malinis naman ang kamay ko. Bakit ayaw niyang punasan ang dumi sa kaniyang mukha?

Umalis na sa harap ko si Princess Yanaez at agad pumasok sa loob. She left me dumbfounded.

T-teka! Paano kapag ma-misundertand ni Gorilla ang dumi sa mukha ni Princess Yanaez? Baka akalain niyang may ginawa akong masama kay Princess Yanaez! (>_<)

Para akong lasing na nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Pumunta agad ako sa harap ng nakasaradong pinto ni Gorilla at aakmang kakatok ng marinig ko ang tawa ni Princess Yanaez sa loob. Sa hindi malaman na dahilan, ay mas pinili ko nalang na mag eavesdrop dito sa labas at pakinggan ang pag-uusapan nila. Natatakot na kasi ako kapag papagalitan na naman ako ni Gorilla.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now