"Tham."

Tumalikod ako mula kay Balensyano at tumingala upang pigilan ang paghikbi.

"Ha-ha, o-okie dokie l-lang ako! Wag m-mo akong alalahanin! H-hahaha." Pilit kong sabi kahit gumagaral na ang boses. Pasimple kong pinalis ang mga luhang tumutubod sa pisngi ko, at pinilit ang sarili na ngumiti.

"T-Tham. Sorry." Ramdam ko ang yakap ni Balensyano mula sa likuran ko. Ang mahinang paghikbi ko ay napalitan ng hagulgol.

"H-hindi mo n-naman k-kasalanan." Sa bawat katagang binibitawan 'ko, pasakit ng pasakit rin ang lalamunan at dibdib ko.

"T-Tham. W-wag ka ng umiyak, please?" Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi na kumawala pa ang hagulgol na namumuo ulit sa kaloob-looban ko.
.

.

.

.

Dinala ako ni Balensyano sa gilid ng bahay. Umakyat kaming dalawa sa puno ng mangga at do'n tahimik na umupo.

Medyo nahimasmasan narin ako ng kunti kaya makangiti na ako ng maayos, ngunit hindi ko ramdam ang saya. Sa tanang buhay ko kasi, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit kapag binubulyawan o sinisitaan. Pakiramdam ko kasi nawalan ako dignidad at katarungan na ipakita at ipaglaban sa lahat kung ano ang karapatan ko bilang isang tao.

"Balensyano, sabihin mo nga sa'kin, masama ba akong tao?" Naitanong ko nalang.

Hindi ko siya binalingan ng tingin. Nakatutok lang ako sa isang maliit na sanga na nababali dahil sa'kin. Naalala ko tuloy yung araw na akala ko may powers ako, nasa bisig lang pala ako ng taong masama ang tingin sa'kin.

"Hindi. Hindi ka masamang tao, Tham. Ang bait bait mo nga, eh. Masasabi ko ngang maswerte ako dahil naging kaibigan kita. May kakwentuhan na ako. May kalaro na ako. Tapos ang saya mo pang kasama." Sambit niya.

Bumuntong hininga ako at nilaro-laro ang mga daliri ng kamay. "Bakit parang palaging galit sa'kin ang hyung mo? Hindi ko naman talaga sinasasdya ang mga nangyari. Kung alam ko lang sana na..." hindi ko nalang pinagpatuloy ang sinabi ko at aksidenteng tumama ang paningin sa pinto ng bahay. Nagulat pa ako ng maaninag ko si Gorilla na nakatayo sa pinto, kinusot-kusot ko ang mata ko at napagtantong imahinasyon ko lang pala 'yon.

"Just follow your heart, apo ko. That's your mission."

Napapikit nalang ako nang sumagip sa isip ko ang boses ni lola.

Anong klaseng misyon ba ito lola? Ang gusto ko lang naman ay ang maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal at may minamahal, pero bakit sunod-sunod ang sakit na natamo ko? Lola, all these time, puso ko ang sinunod ko. Simula nung dumating ako dito, alam kong sinisigaw ko kung ano ang salitang hinahalingling ng puso ko.

Pinikit ko ang mga mata ko saka bumuga ulit ng hininga. Kakayanin ko. Kakayanin ko para sa absolute freedom na binigay mo, lola. Kakapit ako.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Tham. Nabigla lang siguro si hyung ng makita niya si Princess Yanaez na ganun. May sakit kasi sa dugo si Princess Yanaez, leukemia. Kaya hangga't maaari, ayaw ni hyung na makita si Princes Yanaez na nasusugatan o nasasaktan." Leukemia? Kaya ba ganun ang kulay ng balat niya? Maputla.

"N-naintindihan ko." Pabulong kong puna.


Kaya pala gano'n nalang ang galit sakin ni Gorilla kanina.


Tinap ni Balensyano ang ulo ko saka nagpaalam na umalis dahil dadalawin daw muna niya ang kaniyang ama't ina sa kanilang kaharian. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango nalang.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now