"Ooohhh? Hindi ko yata alam na may nagmamakabayani na pala sa lugar na 'to?" Binitawan ko ang kamay ng dalawang matanda at hinarap ang babae. "Dirty, stinks aauugghh!" Aniya saka nag-act na nasusuka.

Kinuha niya ang maliit na face towel mula sa kaniyang alipores saka maarte niya itong tinapon sa'kin.


"Use that towel--in case if you don't have one. Bakit ka pa ba kasi nagdamit, eh maliligo karin naman pala sa putik?" Tawa niyang sambit dahilan para mawala ang gana ko.


"W-wag niyo siyang galitin." Rinig kong usal ni Ronnie.



"H-hija, umalis kana." Ani pa ng isang matanda sa likod ko sa tunong nagmamakaawa.


"Aalis ako ng ganun ganon nalang? Isinawalang-bahala niyo na lang ang lahat? Bakit? Pinapakain ba kayo ng babaeng 'to? Nirerespeto ba kayo?" I said in a cold icy voice.


Ramdam ko ang paglapit nina Ronnie, Maki at Akil sa likod ng mga matanda. Hinawakan naman ng isang matanda ang balikat ko. "H-hija, walang wala tayo kumpara sa k-kanya." Gumagaral at tila nanginginig na sambit ng matanda.




Rinig ko namang tumawa ulit ang babae sa harap ko dahilan para mangunot ang noo ko.

"Hindi mo ako kilala?" Mataray niyang tanong.


"Hindi ako interesado." Walang buhay kong sambit at napawi naman ang mga ngiti't halakhak niya.



"Saan mo ba isinuksuk ang respeto mo?" Pigil na inis niyang sambit.



Napataas naman ang sulok ng labi ko saka sarkastikong tumawa.

"Hinahanap mo respeto ko? Eh nung ina-apak-apakan mo ang mga nakakatanda sa'yo, dala mo ba yung respeto mo? O nakalimutan mong alalahanin kung saan isinuksok iyon?" I uttered in a sarcastic tone.



"Bitch." Halatang halata sa mukha niya ang pamumula sa galit at inis.



Ngumiwi ako at tinaas ang kaliwang kilay. "Yes, I am."



Matalim niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "So you can understand the foreign language. That probably means na isa kang scholar ng hari ng North at South Hwanghae. Supposedly kilala mo ako, newbie."


"Gaya nga ng sinabi ko, hindi ako interesado. At kung ang pagiging scholar ng hari ang basehan sa pagkatoto ko ng English, pwes nagkakamali ka." Cold ko paring sumbat at tumikhim naman siya sa inis.


"Kung nagkakamali ako, ibig lang sabihin nun ay isa kang sakim na gumagawa ng pulubing paraan para matuto at may maipagmayabang sa ibang tao." Insultong ngiti ang sumilay sa labi niya.



I slowly clenched my fist and gritted my teeth.




Storymaker!






"I don't care kung hindi ka interesadong malaman kung sino ako. Pero nais kong magpakilala hindi bilang isang dayo sa probinsyang ito, kundi isang prinsesa ng Ryanggang." I smirked!



"Ronnie, ano ang gagawin natin?" Bulong pa ni Maki ngunit hindi ko ito pinansin.




Tinignan ko ang prinsesa kuno mula ulo hanggang paa at mukhang natinag naman siya saking ginawa.

"Prinsesa ka? Nasaan ang prinsipyo mo? Nasaan ang respeto mo? Nasaan ang pagiging makatao mo? All the traits that a princess should have aren't found in you. You look nice on that dress that you wear, you look almost perfect because of your fair skin, but all those things that I've mentioned, do you know what really caught my attention? Ang magaspang mong pag-uugali na hindi nababagay sa isang prinsesa." Gulat ang expression ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Nakakuyom ang kaniyang dalawang kamao na animo'y inis na inis na dahiI sa ginawa't sinabi ko.



"Are you insulting me?! You should bow down, you bitch!" Hasik niya pa ngunit hindi ako nagpatinag.



"Natamaan ka? I wasn't insulting you, princess. I was describing you. And if you think na luluhod ako sa harap mo, mangarap ka nalang ng gising dahil hinding hindi ako susunod sa 'yo. You don't deserved my respect, princess. You aren't that worth it." And another witty killer smile plastered on my lips.



"I am Mailah! The princess of Ryanggang! The only heir of King and Queen Lee! You should bow down and respect me!" Halos mangungugat niyang sambit. I rolled my eyes and laugh a bit.

"Oohhh. Scary!" Ani ko saka nag-act na takot. "Pppfftt your words doesn't even give shivers down to my spine! Don't ever say those words again, you make me bluff!" Natatawang turan ko.



Sumugod naman siya sakin at aakmang sampalin ako ngunit pinigilan ko ang kamay niya.

"Bitawan mo ang kamay ko!" Nangigigil niyang hasik ngunit mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak sa kamay niya dahilan para mapa-aray siya sa sakit.

Naniningkit ko siyang binuhusan ng tingin. "Gusto sana kitang sampalin, eh. Kaso hindi ko alam kung saan banda." Walang ganang turan ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkahawak sa kamay niya.



Nilapitan naman nila ako ni Akil at kung ano ano nalang ang mga sinasabi para lang pakalmahin ako, ngunit hindi ko sila binigyan ng atensyon. Dumapo narin ang ibang alipores ng prinsesa upang awatin ako.

Alam kong masakit lalo na't ramdam ko ang bumabaon kong kuko sa balat niya. Punong puno ng hinanakit ang mukha niya habang pinagmasdan ang braso niyang hawak ko parin. Dahil sa sumusubrang inis na nararamdaman ko'y agad kong binitawan ng padabog ang braso niya't pinagtinginan naman ito ng mga alipores niya.


"Having a royal blood doesn't count on me. I just want to remind you, hindi mo pag-aari ang lugar na 'to, princess Mailah. Watch your tongue if you want to live in peace in the future." Habilin ko pa sa kaniya sabay talikod at nilapitan ang dalawang matanda.



"Remember my name, rascal! We're not yet over! The real chaos between you and me is yet to come!" Nagwawalang sigaw niya. Sinulyapan ko naman siya ng blangkong tingin.



"Hindi tayo close para alalahanin ko ang nakakadiring pangalan mo. And I'm looking forward to your next visit, princess." Walang modong ani ko at binalingan na ang dalawang matanda.


"Pasensiya na po." Pag-paumanhin ko pa sa kanila sabay yuko ngunit nagulat ako dahil sa pagtapik nila sa balikat ko na animo'y proud na proud sa'kin.


"Isa kang matapang na babae, hija. Dapat kang sambahin ng lahat." Nakangiting ani ng matanda.

"Pero pagkatapos nito'y dapat magiging atentibo ka sa lahat ng bagay, hija. Hindi biro ang iyong ginawa sa isang maharlikang babae." Hindi ako natatakot.


"Ipaglalaban ko parin kung ano ang mabuti at nararapat." Matapang kong sagot.

Pinapasalamatan nila ako at sinamba nga ako ng mga tao sa paligid. Mahirap pang rumehestro sa utak ko ang ngiting tagumpay ng iilan. Nakibaka narin yung iba't panay rin ang papuri nila sakin.


Yinakap ako nina Ronnie, Maki at Akil saka nila hinawakan ang kamay ko at tinaas sa hangin! Yung tipong nanalo ka sa isang boxing!



Ang sarap sa pakiramdam.


Pansin ko naman ang pagmamadaling umalis ng prinsesa kaya tumawa nalang ako.


"Samantha!"



"Samantha!"




"Samantha!"




Lahat sila'y pangalan ko ang bukambibig. Sumusuntok rin sila sa hangin na animo'y ito ang pinakamagandang nangyari sa tanang buhay nila.



Siguro matagal na nilang pinagtitimpi ang ugali ng babaeng 'yon. Buti nalang at nakita ko! Walang respeto! Prinsesa raw! Ttsss.




-To be Continued-

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now