"Greedy beggars!" Aalis na sana kami ng tuluyan nang marinig ko ang matinis na sigaw na iyon.

Napalingon ulit ako sa likod at naaninag ang dalawang matandang lalaking lumuhod sa harap ng isang babae habang tinutulungan ng kaniyang mga alipores na pagpagin at linisin ang putik sa balat nito.

Napalingon rin naman sina Ronnie, Maki at Akil. Nasa mukha ng babae ang puno ng pandidiri dahil sa putik na natamo niya, paulit ulit niyang sinisigawan ang dalawang matanda na ikinakuyom ng kamao ko.

"Look what have you done?!"

"P-pasensiya na po talaga. Hindi po namin kayo napansin."

"P-patawarin niyo po kami."

"Tawad?! And now you're asking for my forgiveness?! Alam niyo bang mas malaki pa ang halaga ng damit at balat ko keysa sa buhay niyo?!" Mataray at nandidiri paring sambit ng babae.

Nakayuko lang ang dalawang matanda at ininda ang sakit sa kanilang tuhod habang nakaluhod.



"Sino 'yan?" Tanong ko sa tatlo. Referring to the young lady who promptly shouted to the two old man.

Magsasalita na sana si Ronnie nang bigla na namang nagmamakaawa ang isang matanda.

"Gagawin po namin ang lahat, mapatawad niyo lang po kami. Pakiusap---"

"Shut up! Disrespecting me is a sin!" Halos lahat ng tao dito ay nakatitig lang sa kanila.

Yung iba'y ay napailing nalang dahil sa natamo ng dalawang matanda. Wala ba talagang tutulong o aawat man lang sa kanila?! Hindi ba sila naaawa sa matanda?! Pinagsisitaan, pinagsisigawan, binubulyawan na parang batang walang alam! Sino ba ang babaeng to at kung magalit akala mo'y ikamatay niya ang dumi sa kaniyang mamahaling damit at balat?!

Tapos disrespecting her is a sin?! Wow ah! Santa ba siya?!

Lumapit ako sa kanila. Inawat pa nila ako ni Maki ngunit hindi ko sila pinakinggan. Tumigil lang ako sa kakalakad nang biglang sinampal ng babae ang isa sa dalawang matanda! Shocked was written all over my face! Humiyaw rin ang ibang mga tao sa paligid dahil sa masipang sampal na natamo ng matanda!

"Ha! I thought after slapping your filthy, thick, and gross face could make me feel at least relief. Pero hindi, eh. Nakukulangan ako." Sasampalin niya sana ulit ang matanda ng bigla akong sumigaw!


"Sandali!" Sigaw ko dahilan para matigilan ang babae sa kaniyang gagawin. Na saakin narin ang mga mata ng lahat!


Lumapit ako ng tuluyan at agad pinatayo ang dalawang matandang lalaki.

"Manong, ayos lang po ba kayo? Wala po bang masakit sa inyo?" Alalang bungad ko sa kanila habang chine-check ang mukha ni Manong. May maliit itong galos sa pisngi, at dahil weak na ang mga cells nila'y gano'n nalang kadali para mamamaga ito!

"A-ayos lang ako, hija." Garal pang sagot niya ngunit hindi ako kumbinsido.

Hinawakan ko ang mga kamay nila saka binalingan ng tingin ang isang matanda. "Ikaw po, ayos lang po ba kayo? Ang mga tuhod niyo? Hindi po ba namamaga o namamanhid?" Tanong ko ulit at hinawakan naman nila ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Ayos lang kami, hija. 'Wag ka nang mag-alala't umalis kana dito, b-baka madamay kapa sa gulong ito." Mahinang usal ng isang matanda ngunit umiling lang ako.


"Hindi. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kayo tinatan-tanan ang babaeng 'yan." Matigas ko pang tugon.


"Hija, mapapahamak ka lang." Ani pa ng matandang may galos sa pisngi.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now