"Naiintindihan kita." Turan pa ni Kieno habang sinasapo ang likod ng kapatid.

Kumaliwas ng yakap si ka tropa at agad lumingon samin. Napaigtad pa ako dahil sa pagtakbo nito at sa pabiglaang yakap sa aming dalawa ni Akil.

"Sorry, nadamay pa kayo." Nakangusong sambit niya pagkatapos ng yakap. Para akong sira na animo'y natatakot sa inasta ni ka tropa, ngunit kalaunay kinain rin ng sistema ko ang takot at napalitan ng ngiti ng tumingin siya sa amin na tila isang tutang nagmamakaawa.

Hindi ko naman mapigilang guluhin ang buhok niya saka ngumiti. Ang tunay na kaibigan ay handang tanggapin lahat kung ano kaman at sino kaman.

"Ayos lang 'yon ka tropa." Ngiting sambit ko at napangiti naman siya.

"Paturo." Biting wika ni Akil na animo'y isiniwalang bahala lang ang nakita kanina.

"H-hindi kayo galit?" Nauutal pang tanong ni ka tropa sabay yuko.

"Hindi kami galit. Nagulat lang. Kakaiba ka kasi." Tugon ko.

"Okay narin 'yon. Nakakainis rin kasi ang Victor na 'yon. Iniwanan ang dumi sa banyo. Edukado raw, tsk." Ngiwing usal ni Akil.

Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha kanina nitong si Akil. Tsk, tsk.

Kasunod namang pinuntahan ni ka tropa ay si Maki. Pigil ang hindi umiyak habang nakatitig sa walang malay niyang nobya.

"Maki." Tawag pa ni ka tropa.

"P-pano kapag hindi na siya gumising? Ano nalang ang gagawin ko? Ngayon na napasagot ko na siya---iiwan na niya ba ako? Ka tropa? Paano kapag ipabubugbog ako ng ama niya? Tapos ipakulong. Mababawasan na ang mga gwapo rito pagnagkataon. Huhuhuhu, Karen gumising ka..." iyak na ani Maki.

Nakakahiya talaga minsan tong si Maki. Daig pa ang isang babae.

"Kung umasta ka parang namatayan ka, ha. Eh mag-so-sorry na nga yung tao eh huhuhuhu *sniff hindi ko kasi mapigilan, eh. Sorry na huhuhu." Napasampal tuloy ako sa sariling noo.

"Heto na naman tayo." Walang ganang usal ni Akil habang nakangiwi niyang tinignan sina Maki at ka tropa na ngayon ay umaagos na ang mga luha.

"Patay na ba si Karen, ka tropa? Huhuhu."

"Eh pinapatulog ko lang *sniff yan eh. Bati na tayo, Maki huhuhu."

"Basta 'wag mo nang ulitin 'yon ah! Papakasalan ko pa ang babaeng to eh! *sniff" Parang batang mga usal nila.

Mga anak ng! Ang hirap talaga intindihin ng dalawang 'to! Minsan normal, minsan naman---ewan.

Mga ilang oras pa silang gano'n hanggang sa napagpasiyahan naming ilagay si Karen sa kaniyang kwarto at papalabasing natutulog, gano'n rin ang ginawa namin kay Victor. Nilinis muna namin ang dugong tumutuyo sa mukha at labi ni Victor upang hindi kahina-hinalang nabugbog ito. Pero alam naming pagkasigising nito---hayst! Patay nito si ka tropa, hindi pa naman uurong 'tong si Victor hangga't hindi makaganti.

Nilinis namin ang kalat sa loob at saka nagpaalam na sa mga magulang ni Karen, gano'n narin sa mga tiyuhin nito. Tinatanong pa nila kung nasaan sina Victor at Karen, mabuti na nga lang at mukhang naniniwala ang mga ito na natutulog ang dalawa sa kanilang mga silid.

-Samantha's POV-

Umuwi na kaming lahat pagkatapos nagpaalam sa mga magulang ng nobya nitong si Maki. Halos maubos na nga yung luha ko dahil sa inasta ni Maki! Eh, hindi ko naman talaga pinatay 'yung nobya niya, pinatulog ko lang. Hindi ko naman 'yon pinagsisihan dahil para sa'kin 'yon ang nakabubuti. Paano kapag nasaksihan niya yung ginawa ko sa kapatid niya? Edi magkakagulo pa, worse baka hihimatayin pa siya. Tapos mag-iiba paningin niya sakin. Kapag mag-iiba naman paningin niya sakin baka isumbong niya ako sa mga opisyales at palabasing isa akong bayolente! Kapag nakulong naman ako, sino naman ang dadalaw sa'kin do 'n? Magtitiis ako sa gutom? Ganern? Tapos paratangan pa ako ng kung anu-ano, papatayin nila ako...paano ako nito makauwi sa Manila?! Minsan talaga ang slow ng mga tropa ko! *face palm.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now