Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay para sa trabaho ko dahil tatlong araw akong hindi pumasok sa shift ko. Pagdating ko don ay sila doctora agad ang nadatnan ko..

"Nurse rieyah!" Lumapit sila sakin at ngumiti. "Ayaw mo bang mag-aral ulit?"

"Po?" Nagtatakha akong tumitig sa kanila. "Ayaw mo bang maging doctor talaga? Sayang naman" umiling ako at ngumiti..

"Nurse lang po talaga ang gusto ko at wala ng iba" ngumiti sila at tumango. Dumiretso ako sa ER at doon nagtambay.

"Rieyah!" Tumingin ako sa tumawag sakin, si tito iyon at kasama si tita na hawak ang tiyan kahit hindi pa naman malaki. Lumapit ako sa kanila ng may pilit na ngiti. "Pwedi bang ikaw nalang ang magdala sa tita kay doctora santos?" Tumango ako at tumalikod na, ramdam ko ang pagsunod ni tita sakin..

"Rieya kumusta ang nanay mo? Nabalitaan ko kasi na naospital siya" tumingin ako sa kaniya at nginitian siya. "Ayos lang ho si mama kahit na hindi siya pinuntahan ni papa sa ospital" nakangiti kong sabi, may gulat at lungkot sa mata ni tita..

"Amh sorry dahil ikaw ang sumama sakin dito but now you can go back to your work" ngumiti siya at pumasok na loob, ako naman ay bumalik sa shift ko para sa mga bata.

Nang matapos ako ay dumiretso ako sa malapit na mall dahil balak ko sanang bumili ng bagong damit ni mama ng hindi sinasadya kong makita si papa na may kasamang babae! Pumasok sila sa isang clothing store kaya sumunod ako at nagpanggap na may hinahanap. Tuluyang nanlaki at namuo ang mga luha sa mata ko ng mapagtanto na tama ang hinala ko sa kanilang dalawa..

Pinigilan ko ang sarili ko na sugurin sila dahil ayokong magskandalo dito. Pero durog na durog ako dahil sa mga nasasaksihan ko! Nambabae nalang siya ay asawa pa ng kapatid ni mama!

Ang laswa, nakakadiri, nakakasuka, nakakahiya at higit sa lahat ay masama! Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang galit sa usang tao at ang masaklap pa ay malapit sa puso ko! Naglakad ako palabas ng mall ng may luha sa mga mata ko!

Nang makauwi ay sinalubong ako nila mama ng may ngiti kaya napilitan akong ngumiti..

"Good evening ma, bakit ang saya mo?" Nakangiti niya akong pinagmasda. "Because i already gave my life to the lord" i was in shocked when i heard those words coming from my mom's mouth. Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sakin. "Anak, i want you to be strong for your father and sisters...gusto kong makita na malakas ka para lahat ng mananakit sayo ay kaya mo" unti-unting namuo ulit ang mga luha ko, niyakap ko si mama at umiyak sa balikat niya..

Kung alam mo lang mama.....

Gusto kong sabihin sa kaniya pero natatakot ako sa kalalabasan dahil mahina si mama. Ayokong magsuffer si mama ng dahil kay papa at tita..

Masaya kaming naghahapunan ng biglang dumating si tito at takot na takot ang itsura. "Nawawala si Amanda" hindi na ako nagtaka at nagulat sa sinabi niya dahil anong oras narin pero hindi pa umuuwi si papa..

"Baka po nagliliwaliw lang sa mall" diretso akong nakatingin sa kaniya pero hindi niya nakuha ang gusto kong sabihin. Basta nalang siyang umalis at pumunta ng mall..

Paakyat na sana ako ng marinig ko ang sasakyan namin, bumaba ako at pinagbuksan ng pintuan si papa pero iba ang nadatnan ko! Pumatak ng sabay-sabay ang mga luha ko mula sa mata ko dahil sa nasasaksihan ko!

"Pa-pa?" Nagugulat na tumingin sila sakin, kita ko ang hiya at guilt sa mga mata nila. "Bakit dito pa kayo gumawa ng karumal-dumal gawain? Pa akala ko ba wala na, akala ko ba ay si mama yung mahal mo? Bakit ganito" hinawakan ako ni papa pero nagpumiglas ako..

Unexpected OneWhere stories live. Discover now