Chapter 25

248 13 5
                                    

--*

KUMAKAIN na sila sa isang sikat na restaurant na pinagdalhan sakanya ng binata.

Mula ng dumating sila sa restaurant, at i- escort ng maître 'de sa reserved table nila hanggang sa maka-order ang binata at dumating ang pagkain ay wala parin silang imikan.

Halatang madalas dito ang binata dahil pamilyar halos lahat ng staff dito ng madaanan nila kanina ang mga ito. Panay ang bati, tango at ngiti ng mga ito lalo na sa mga babaeng staff na akala mo maypa-commercial ng toothpaste at maga-audition ang mga ito dahil kulang nalang ay pati mga gilagid ng mga ito ay ilabas na sa pag-ngiti sa kasama nya at binibigyan naman sya ng mga ito ng matatalim na irap at matatalim na nanunuring tingin pag napapadako ang mga mata ng mga ito sakanya. Feeling nya may pang microscope na mata ang mga ito na pati ang mga germs na posibleng kumapit sa kanya ay nakikita ng mga ito. Ngunit di rin naman nakatakas sa mga mata nya ang bakas ng pagka-inggit at panghihhinayang ng mga ito pag nakatingin sa kanya..

'kala ata nila gurl jowa mo si fafa M.. di nila alam nangangarap ka rin gaya nila..hahaha' napaikot nalang ang mga mata nya dahil sa komentong iyon ng utak nya.

Probably because ngayon lang sya napadpad dito kaya akala nila may something. At malamang sa malamang hindi mga katulad nya ang mga dinadala ng binata sa mga lugar na ito.

'malamang girl. Ang dadalhin ni fafa Marco yung mga may class at pang Model ang katawan at pang dyosa sa ganda.. nagmumuka kang basahan sa outfit mo girl eh.. tingnan mo pati mga waitress ang ganda ng mga uniforms, may pa scarf at skirt pa.. kala mo mga stewardess. Ikaw, kung mag a-apply ka siguro kahit tagatapon ng basura eh ligwak kana..hahaha'

hindi nya alam kung bakit simula ng dumating sya dito ay napagdisisyonan na ata ng isip nyang maging mahadera.. siguro kung nagkatawang lupa to napatay nya na sa pagkapikon nya dahil sa mga komento nito.

Ilang minuto na ang nakalipas, naka order na ang binata at nai-serve na ang mga pagkain sa kanila mula sa appetizer, salad, at main dish nila at naiwan na silang mag-isa sa lamesa ay wala parin silang imikang dalawa.

Parehong nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag ng katahimikan... pansin din ang kawalang gana ng kaharap sa pagkain kahit pa masarap naman ang mga in-order nito.. dahil kaunti palang ang nagagalaw sa plato nito at bilang lang kung ilan ang nagiging subo nito.

Sa katunayan ay nakakatakam ang mga pagkaing nakahain sa kanila, maganda ang ambiance, may private distance ang mga lamesa sa bawat isa para maging komportable ang bawat customers, pumapainlang ang malamyos na jazz music sa paligid pero wala dito ang atensyon nila ngayon... kapwa malalalim ang iniisip at parang nakakulong sa magkaibang mundo sa layo ng distansya nito sa isa't isa.

'hayy!'

Pinagmamasdan nya ang binata sa bawat kilos nito. Ilang beses nya na itong nahuling bumuntong-hininga at napapatingin sa relong pambisig nito.. nakaramdam sya ng pagkalungkot dahil sa nakita.

'wag pabebe gurl! Lafang na lang ng lafang.. mukhang nakaka-abala ka pa sa appointment ni fafa Marco' hindi nya man aminin, pero lihim syang sumang-ayon sa komentong iyon sa utak nya. Kaya't mas pinagtuonan nya nalang ng pansin ang kaharap na pagkain.

sa isip nya'y Baka nga may iba pang mas imporanteng gagawin ang binata kesa ang makasama syang kumain ng dinner na kung tutuosin ay kaya nya namang gawin mag-isa. Baka may iba pang gagawin ang binata at nakaka-abala sya kaya't pinilit nya nalang burahin ang mga gumugulo sa isipan nya at pinagtuonan nalang ng pansin ang sariling pagkain para matapos na at makaalis na sila--sya ..

inabala sya ang sarili sa pagkain at pasimpleng pag tanaw sa kaharap para alamin ang ginagawa nito..

Patuloy lang ito sa pag inom ng wine ang binata at hindi pinapansin ang pagkain sa plato nito.. wala rin itong kaalam alam sa mga inisip nya maging sa panonood nya sa mga ginagawa nito habangg kasam asya Rinig din nya ang palagiang buntong hininga nito na nagpapalungkot lalo sa kanya. Halatang malalim ang iniisip nito.

TSB 1: THE CEO's QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon