Chapter 23

171 7 3
                                    

--*

NATAGPUAN na lamang nya ang sarili sa sasakyan ng binata.

Napaka-tahimik ng byahe dahil  nagpapakiramdaman sila Kung Sino ang unang babasag ng katahimikan..

Napapikit na lamang sya ng mariin ng maalala ang dahilan Kung bakit nasa-sasakyan sya ngayong at kasama ang binata.

***

Ilang minuto na silang nakatayo.

nakakaagaw na Rin sila ng atensyon ng mga taong dumaraan.

sa tingin nya'y Nagmumukha na silang Tanga .

"Ah eh~ friend, una na ako huh? May nakalimutan pala akong daanan.. maiwan na Kita bye." Sabi nito at kumaripas na ng alis.

Ni Hindi na sya nakahabol at napanganga nalang sa bulto ng kaibigang na nagmamadaling umalis.

'kung minamalas ka nga Naman oh! Nice! Very nice!!'

Natauhan Lang sya ng may maramdaman syang himawak sa kanyang pulsohan at banayad syang hinila papunta sa Kung saan...

Nang kanya itong tingnan, nalaman nyang patungo pala sila sa isang magarang sasakyan.

"Let's go". Habang akay sya nito.

"T-teka! Pero--"

"Please". Umawang na Lang ang kanyang mga labi dahil sa sinabi nito.. nabigla sya.

' please?!? sinong mag aakala na marunong pala Ito gumamit ng mga ganitong salita.?'

Hindi nya talaga mahulaan Ang Kung ano mang tumatakbo sa isipan Nito..

Kaya Wala na syang nagawa Kung Hindi ang magpatianod na Lang dito.

***

At Eto sya ngayon, nakaupo sa umaandar na sasakyan Nito.

"San ba tayo pupunta?" Lakas loob nyang tanong dito. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan na tanging ingay Lang sa paligid at Ang banayad na tugtog sa loob ng sasakyan Ang naririnig.

"How are you?" Sa halip ay sagot nito sa tanong nya.

Uminit Ang ulo nya Dahil sa pambabalewala Nito sa tanong nya. Para syang biglang sumabog.

"Pwede bang sagutin mo muna ako?! " Bulalas nya dito.

"Hindi ko Alam Kung saan mo ako dadalhin!! Ni  Hindi ko Alam Kung bakit Basta mo nalang akong isinakay dito sa sasakyan mo. Marami pa akong gagawin at kaylangang gawin! Kaya Pwede ba Kung pagtitripan mo ako at Wala Kang magawa sa buhay mo, wag mo akong idamay Kasi busy din akong Tao!. Hindi Naman milyones ang kinikita ko kagaya mo eh. Kung ikaw may oras para pumetiks, ibahin nyo ako.!" Hindi nya Alam Kung saan nanggaling ang lakas ng loob nya at nasabi nya Ito.

TSB 1: THE CEO's QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon