Chapter 18

69 1 0
                                    


"Ano bang ginawa niyo bakit nagkasakit siya?"

"Sinamahan ko lang siya sa kapatid niya. Pero baka napagod lang siya simula pa kasi noong nakaraang linggo kulang na siya sa pahinga dahil sa pagre-review sa finals. Kasalanan ko din pasensya na."

Nagising akong naririnig mga boses nila.

"Sendy," agad naman na lumapit si Phoenix sinuri kung mainit pa ba ako.

"Okay na ako. Lagnat lang naman iyon, dala lang ng sobrang pagod."

"Sa susunod kasi magpahinga ka naman."

Hindi ko na pinakinggan mga ibang sermon nila sakin. Paulit-ulit lang mga sinasabi.

"Okay na nga, nagugutom na ako."

"Curfew na pero may pagkain naman kaming dinala baka kasi magising ka at magutom." kinuha naman ni Fleigh ang pagkain na naman mesa.

Habang kumakain ako sila naman ay nag-uusap para sa graduation dalawang araw mula ngayon ay gaganapin na ang event. Kaya puspusan din ng paghahanda nila. Mabuti nalang at naiintindihan nila ako kahit wala akong natutulong sa kanila.

-
Matapos kong kumain napagpasyahan kong bisitahin muli ang kapatid ko.

"Pwede mo ba akong samahan dalawin ulit natin si Avery. Kasi sa graduation baka hindi ko siya madalaw kasi abala na tayo sa araw na iyon." tumango lang siya sa'kin.

Pagdating namin sa Haven Forest sa dulong bahagi. Malayo pa man ay natanaw ko na si Avery na nakangiti sa amin. Nagmadali akong lumapit sa kaniya. Saka siya niyakap.

"Sendy..Masaya akong dinalaw mo ulit ako." naiiyak ako sa tuwa sa wakas nakakapag-salita na siya sa'kin. Kinakausap na niya ako.

Kumakalas ako sa pagkakayap sa kaniya. "Masaya rin akong bumubuti kana. Masayang-masaya ako." muli ko siyang niyakap.

Pinagluto ko siya ng makakain niya. Tuwing dadalaw ako sa kaniya ay gusto ko talaga na ako ang mag-asikaso sa kaniya.

"Ako na Sendy kaya ko naman. Sabi ni Doc, sa susunod na araw ay pwede na raw akong bumalik sa loob ng Helveria. Pwede na rin daw akong bumalik sa pag-aaral next sem." masaya niyang aniya.

Nagpapasalamat ako dahil lumalaban siya. Tama nga si Phoenix matapang din ang kapatid ko. Nagawa niyang lagpasan ang lahat. Nakaya niya, at ngayon ay maayos na ang lagay niya. Makakasama ko na ulit siya.

"Good news iyan. Basta sundin mo lang ang advice ni Doc sa'yo. Para sa pagbalik ko ulit dito ay isasama na kita. Sige na kumain kana, maya maya ay aalis na rin kami tutulong ako sa kanila dahil ga-graduate na ang iba sa amin. Ingatan mo sarili mo dito." mga habilin ko sa kaniya.

Matapos niyang kumain. Ilang minuto lang ay nagpaalam na kami sa kaniya. Kinausap ko muli ang Doctor na nag-alaga sa kaniya. May ilang habilin lang ako para sa kapatid ko at saka nagpaalam.

"Nandiyan na pala kayo, may announcement pala si Miss. Jera kanina." ani Fleigh

"Ano iyon?"

"Aagahan daw magsisimula ang event para maaga din matapos. Wala na daw magaganap na graduation party pagkatapos. Gaya ng naunang plano nila. Hindi nga namin alam kung bakit. Nandoon pa sila Demiree at Desiree sa Office may pinag-uusapan pa yata sila." dagdag niya pa.

Bakit nga kaya? Gaya ni Fleigh ay wala siyang alam sa dahilan. Maging si Hera ay hindi rin masabi anong nangyare. Sana ay walang ibang dahilan ang pagkansela nila ng graduation party. Hindi pa nga namin alam sino ang totoong kalaban namin nag-aalala ako na baka may mangyare na namang hindi maganda. Madami na namang madadamay. Huwag naman sana, minsan lang sa buhay nila ang maranasan ang makapagtapos sa pag-aaral sana talaga ay walang magiging problema.

Matapos namin ayusin ang dapat ayusin ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa Dinning Hall kasama si Phoenix, Fleigh, Ethan, Amelie, Alexis, Trevor at magkapatid na sebastian.

Mas maayos na ngayon ang turingan ni Amelie at Alexis kahit noong una ay hindi talaga sila magkabati parang kada magkasama sila sa iisang lugar laging may bangayan na nangayayre.

Ang Knights at Fox naman kahit magkatunggali sila noon na grupo sa ngayon ay nabawasan na. Nagpapansinan parin sila Zain at Tyron pero hindi masasabing maayos na talaga. Kinakausap lang nila ang isat-isa kung kailangan.

May magandang dulot pa rin ang bawat karanasan namin dito. Hindi man lahat magaganda pero lahat iyon may natutunan kami. Hindi lang din ang pagkakaibigan ang nabuo namin samahan. May iba na nauwi sa pagmamahalan. Sa umpisa ay puro hirap ang naranasana namin sa eskwelahang ito pero higit sa lahat na dapat ipagpasalamat namin ay nanatili kaming matatag. Na hindi kami nawalan ng pagka-asa na maayos din ang lahat.

Hindi man namin alam kung ano pa ang pagsubok na haharapin namin ang mahalaga sama-sama pa rin kaming lalaban at magtatagumpay sa huli.

-
Sumapit ang araw ng graduation. Kasama sa nagtapos ay si Brenda. Ang sabi niya sa akin noong nakaraan na parang wala siyang natutunan sa mga lessons. Kaya balak niya ulit mag-aral ng ibang kurso.

Alam ko naman na kahit anong kurso ang piliin niya ay magtatagumpay siya. Nakita ko naman lahat ng hirap niya mula ng pumasok ako dito. Marami na din siyang natulungan na mga studyante dito dahil minsan na siyang naging exchange student. Ang trabaho nila ay turuan kaming mga high school student. Kumbaga hinahanda kami para sa susunod naming hakbang bilang isang mag-aaral.

Kahit laging nadetention si Brenda noon ay hindi pa rin naman niya napabayaan ang obligasyon niya. Isa rin siya sa Student Council. Hindi ko nga lubos maisip paano niya napagsasabay lahat ng iyon ng hindi man lang nakitaan ng pagkapagod. Lalo na noong panahon na nagkasakit ako nandyan siya para sakin.

Sumapit na ang pinakahihintay ng lahat, Araw ng pagtatapos ng iba.

Sinimulan ang seremonyas sa isang awit pagkatapos ay nagbigay ng mensahe si Ma'am Sylvia. Na siyang pumalit sa pwesto ni Senyora.

"Magandang Araw sa lahat, lalong-lalo na sa  minamahal kong mag-aaral ng Helveria. Marahil ang iba ay hindi ako kilala o sabihin natin walang ideya kung sino ako. Nais kong pormal na magpakilala sainyong lahat. Ako si Helena ang nakakabatang kapatid ni Salvera o mas kilala niyong lahat bilang senyora. Nagpapasalamat ako sa inyo sa respeto na binigay niyo sa yumao ko ng kapatid. Alam ko lahat ng nagtapos ngayong araw ay nais ng bumalik sa kani-kanilang pamilya. Lahat kayo ay gusto ng makalabas dito. At maharil nagtataka kayo kung paano ako at ng aking asawa nakalabas at nakapasok sa Helveria kung kayong lahat ay hindi alam ang lagusan.   Ang totoo niyan ay mula ng nagsarado ang eskwelahang ito sa publiko at naging tago na sa lahat at kahit sa mapa ay hindi na matatagpuan ang lugar na ito. Bumalik kami ng asawa ko bago pa man ito nagsara sa lahat. Nanatili kami sa isang tagong lugar dito sa Helveria at namuhay ng ayon sa gusto namin. Alam namin na ang dalawa kong anak ay narito sa loob. Pinili namin na huwag muna magpakilala at magpakita sa kanila. Gaya ng alam nilang namayapa na kami. Desiree,  Demiree, mga anak ko. Masaya akong naging matatag kayo sa kabila ng nangyare at naranasan niyo dito. Desiree, alam kong naging mabuti kang bata mula noong iniwan kita kay Salvera. Alam kong hindi man siya ang totoo mong ina alam kong minahal mo siya at inalagaan ka niya ng mabuti. Demiree, sana ay mapatawad mo kami anak kung nagsinungaling ang Tita Faola mo sayo. Lahat ng iyon ay para sa inyong dalawa.  Lahat ng meron ang Helveria ay pag-aari niyo. Ito ang isa sa kayamanan na maiiwan namin sa inyo. Para sa lahat ng nandito, Gagawin namin ang lahat para lahat tayo ay muling makabalik sa normal nating buhay at sa kaniya-kaniya nating pamilya.  Muli ay kinagagalak ko na kayo ay nagtagumpay sa isang yugto ng buhay niyo dito bilang isang mag-aaral. Kinagagalak kong parangalan kayo sa lahat ng paghihirap at sinakripisyo niyo para kayo ay makapagtapos."

Nagpalakpalakan ang lahat sa mensaheng hatid ni Ma'm Sylvia.

Sana katulad niya ay malaman ko na din ang dahilan bakit ako napunta dito.

Matapos ang graduation day kahit walang party na magaganap ay nagpahanda ng konting salo-salu si Ma'am Sylvia sa lahat sa Dinning Hall.

"Congrats Brenda, naks graduate na siya pero wala ka pa rin jowa naunahan ka pa ng pinsan mong si Sendy."  pang-aasar ni Jin

"Tigilan mo ako Sebastian kung ayaw mong sipain kita." 

"Okay lang masipa basta may kiss pagkatapos."

At doon na nagsimulang magkantyawan ang lahat.

Bigla tuloy namula si Brenda. Natawa nalang kami sa dalawa. Masaya ang lahat sa araw na iyon. Sana palaging ganito masaya lang.

SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon