Chapter 9

195 7 1
                                    


Nagising ako na may humahaplos sa mukha ko. Nang imulat ko ang aking mga mata. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko,Tinitigan lang niya ako. Saka muling hinaplos ang buhok ko pababa sa mukha ko.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay niyang tanong.

"Medyo nahihilo ako. Ano bang nangyari bakit nandito ako sa kwarto nasa klase ako kanina." Kunot-noo kong sabi.

Nilingon niya sina Fleigh at Hera na nasa gilid ng kama. Saka bumuga ng malalim na paghinga.

"Isang linggo kang tulog Sendy. Nag-alala kami ng husto sa'yo. Simula n'ong nahimatay habang nasa klase tayo. Normal lahat ng result ng doctor sa'yo kaya nakapagtataka kung bakit isang linggo kang tulog. Sabi mo nahihilo ka? Bukod d'on ano pa ang nararamdaman mo?" Sabi naman ni Hera habang pinipisil ang mga kamay ko.

"Wala naman akong ibang naramdaman bukod sa pagkahilo. Ang tanging naalala ko lang din nang araw na iyon ay nilalamig ako sobrang sama ng pakiramdam ko n'on hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa bigla nalang nagdilim ang paningin ko."

Lahat sila nagtaka pati ang doktor na sumuri sa'kin. Nagulat naman ako sa sinabi nilang isang linggo akong walang malay. Bakit pakiramdam ko ay kanina lang nangyari iyon.

Makalipas ang ilang oras nanatili lang ako sa kwarto. Hindi din ako iniwan ni Phoenix kahit pa sinabi ko sa kaniya na ayos lang ako. Nag-aalala ako na baka ano na naman sabihin ng girlfriend niya.

Maya maya pa bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Hera kasunod niyang pumasok si Brenda.

"Phoenix, Hera. Iwan niyo muna kami ni Sendy." Agad naman lumabas ang dalawa mukhang alam na agad ng mga ito ang ibig-sabihin ni Brenda.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Ilang beses ko ng narinig iyang tanong ngayong araw na'to. Alam ko naman na iyan talaga itatanong nila.

"Ayos lang ako salamat sa pagdalaw mo."

May inabot siya sa'kin na parang anting-anting

"Ano ito?"

"Bigay sa'kin iyan ni lolo tuwing nagkakasakit ako ay sinusuot ko iyan. Matagal ko din hindi nagagamit iyan. Pero mukhang ngayon ay kailangan mo iyan. Isuot mo iyan lagi huwag na huwag mong iwawala iyan. Hindi sa lahat ng oras ay mababantayan kita. Mag-iingat ka, mawawala ako ng ilang buwan siguro may kailangan akong gawin. Nandito pa rin ako sa loob ng Helveria pero hindi kita mababantayan. Huwag kang magtitiwala masyado sa iba. Hindi lahat ng sinasabi nila ay totoo. Hindi lahat ng pinapakita nila sa'yo ay totoong sila. Mapanlilang ang mga tao. Kahit kaibigan mo ay hindi mo dapat bigyan ng buo mong tiwala."

Iyon ang habilin niya sa'kin bago tuluyang lumabas ng silid.

Kinagabihan ay hindi ko na muling nakita pa si Phoenix. Hindi rin ako nag-abalang magtanong sa mga kasama ko.

Tahimik na ang paligid, Tulog na ang mga kasama ko. Nakapikit ang mga mata ko pero gising pa ang diwa ko. Sa haba ng tulog ko parang hindi na ako dadalawin ng antok.

Pasado alam dos ng madaling araw. Habang pinipilit kong makatulog. May mga naririnig na naman ako.

"Hindi kana makakalabas ng Helveria."

"Dito kana mamamatay at ililibing."

"Isasama ka namin sa hukay."

Bumalik na naman ang pakiramdam ko na para akong lumulutang sa hangin. Nanlalamig ang buo kong katawan.

Hanggang sa naramdaman kong nasa isang madilim na kwarto ako. Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga para akong sinasakal. Pinilit kong alisin ang sumasakal sa leeg ko pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.

SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED )Where stories live. Discover now