Chapter 16

60 1 0
                                    


"Sendy!!" hingal na pagmamadaling tawag ni Brenda pagpasok niya sa dorm

"Okay ka lang? Bakit ka ba nagmamadali Brenda?" narinig kong tanong ni  Hera.

Nasa study room kasi ako saktong nakabukas ang pinto kaya narinig ko ang pagtawag niya.

Tumayo ako saka hinarap si Brenda.

"Bakit?"

"Si Avery! Gising na si Avery." aniya na kinagulat din ng lahat nang nasa loob ng silid.

"Ano pang hinihintay natin puntahan na natin siya, kailangan kong makita ang kapatid ko."

Nang oras ding iyon ay nagmadali kaming pumunta kung nasaan naroon ang kapatid ko. Bawat hakbang ko katumbas ng hindi mapaliwanag na kaba. Hindinko alam kung anong ibig-sabihin ng kabang nararamdaman ko ngayon. Maharil ay gusto ko lang makita agad na maayos na ang kalagayan ng kapatid ko. Na nakaya niyang mabuhay sa kabila ng nangyare sa kaniya.

Kahit pa man hindi kami magkasundo noon. Sa loob ng skwelahang ito, sa loob ng mala-empyernong lugar na'to. Wala siyang ibang kakampi kundi ako lng maliban sa pinsan naming si Brenda. Higit sa lahat o kanino man walang ibang nakakakilala sa kapatid ko kundi ako lang.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa kinaroroonan ni Avery.

Nanatili pa rin siyang nakahiga. Tinanggal na ng mga doctor ang aparato na nilagay sa katawan niya.

Suminyas naman si Brenda na lapitan ko si Avery.

Dahan-dahan, at saka ako umupo sa tabi niya. Sabay hawak sa kamay niya.

"Avery? Ako to si Sendy.." sambit ko.

Sa unang tingin ay parang hindi niya agad ako nakilala.

"Se-sendy?"

"Oo ako ito. Salamat sa diyos at gising kana. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"

Hindi ki alam ano talaga ang sasabihin ko kaya kung ano lang ang lalabas sa bibig ko.

"Kailangan muna niya ng ilang araw pa na pahinga para magpagaling. Huwag kang mag-alala ligtas na siya." biglang sabi ng doctor na nasa gilid namin.

"Maraming salamat sa tulong at pag-alaga sa kapatid ko doc."

"Walang anuman iyon. Sa katunayan kung hindi dahil kay Desiree ay hindi ko malalaman ang ibang motibo ni Senyora. Pero may ibang doctor pa rin na nabilog na ang utak. Kaya huwag kayong pakampanti. Dahil kahit wala na si Senyora. Hindi pa rin tayo nakakasiguro na ligtas na talaga tayo. Hindi pa rin tayo nakakasiguro na tahimik na ang buong Helveria laban sa kasamaan."

Gusto kong isipin na payo ang sinabi niya. Pero alam kong babala din iyon para sa aming lahat.

Nanatili pa kami roon ng ilang oras bago bumalik sa dorm.

"Guys, next week na ang graduation ng ibang studyante ng Helveria." anunsyo ni Brenda pagkabalik namin sa dorm.

"Nakapag-tapos nga sila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam kung kailan tayo makakalabas dito. Kung paano tayo makakalabas at makapamuhay ulit ng normal."

"Lahat ng ito may dahilan Dem, sa ngayon kailangan natin mas maging maingat. Dahil gaya ng sabi ni Doc sa atin, hindi pa rin tayo nakakasiguro na wala pa ring mangyayareng hindi maganda." sagot ni Hera kay Dem.

"Kailangan natin mag-ingat. Baka mamaya magulat nalang tayo nasa harap na natin si Devil." seryosong sabi ni Desiree.

Napalingon kaming lahat sa sinabi niya.

"Sino si Devil?" sabay naming tanong.

"Deihv Vilcentino Deja, ang nag-iisang anak ni Senyora."

SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED )Where stories live. Discover now