Chapter 2

433 24 2
                                    


Chapter 2



"Ganito ba talaga dito, ba't ang weweird ng mga tao." Wala sa sarili kong tanong.

"Hayaan mo nalang ang mga iyan ganiyan talaga sila may kaniya-kaniyang mundo dito. Sabihin na nating nasa iisang kalawakan tayo at bawat isa sa'tin ay may kaniya-kaniyang mundo. Hawakan mo lang ang sa'yo huwag kang lumapit sa mundo ng iba. Huwag mong buksan ang curiosity mo sa ibang bagay hayaan mong magbukas ito ng kusa at hayaang makita ng sarili mong mga mata."

Ang lalim ng sinabi ni Hera, pero naiintindihan ko. Pero nakakalito pa din. Ahm bahala na nga, Sabi niya ay hayaan ko nalang. Sa sabay bago pa lang naman ay nasa stage pa ako ng pag-aadjust.

"Teka? bawal ba talaga dumalaw ang mga parents natin dito or tayo ang dadalaw sa kaniya."

Bakit kasi sa lahat ng pwedeng pasukan bakit dito pa nila ako napiling ipasok. Like? This place can be called a haunted place. Sobrang tahimik, ang weird ng mga tao and lahat nalang may curfew. Oh God! how can I survived here. Kung ngayon palang ay feeling ko gusto ko ng sumuko. Kasalanan talaga 'to ng intremidita kong kapatid e. Siya nalang sana ang inenroll dito bagay naman sa kaniya pareho sila ng mga tao dito na weirdo.

"Lahat ng patakaran dito ay kailangan mong sundin. Dinidesplina nila ang mga estudyante dito, kaya kung ayaw mong sumunod ihanda mo na ang sarili mo sa detention. Hindi magiging madali ang buhay mo d'on. Matindi pa sa pagiging preso ang mararanasan mo d'on. Takot ang iba na magkamali dito. At kung sino man ang magtangkang lumabas paparusahan. Pero malabo namang mahanap nila ang lagusan dahil simula ng pumasok ka sa pintong pinasukan mo papunta dito. Binaon natin ng isip mo kung saan ang lagusang iyon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, ang hirap paniwalaan. Pero hindi ko din maitatanggi ang makaramdam ng takot. Paano kung magkamali ako? No, No, as in No way. Gusto ko pang makita ang pamilya ko.

"Pwede ko bang malaman kung bakit gan'on?"

"Malalaman mo din sa pagkakataon na 'di mo inaasahan sa ngayon kailangan na natin pumasok baka malate tayo, pareho tayong ipasok sa detention 'pag nagkataon."

Hindi ko na nagawang sumagot pa ng maglakad na siya papunta sa room sumunod naman kami ni Fleigh na deadma lang sa mga sinabi ni Hera kanina.

First day ko dito, medyo mahirap nga ang lesson nila pero nasasagot ko naman.

Hate ko talaga ang history, hindi ako interesado sa nakaraan. Mas lalong ayoko sa math, ang hirap na nga ng subject hirap pa ng mga lesson. Feeling mo nasa college kana wala naman sa libro ang ibang lesson. High tech na din ba utak ng mga teachers dito?! gumagawa ng sariling lesson na wala sa libro. E malamang hindi naman alam ang sagot kasi nga wala sa libro. Pambihira, ayoko madention utang na loob. Kanina pa ako naiinis sa teacher na'to ang dami pang sinasabi wala namang may pake.

I want to be out of this place, I don't belong here like err?

Sino naman makakatagal sa lugar na'to. Ang creepy, feeling mo out of place ka kasi kung makatingin sila akala mo naman may matindi kang kasalanang ginawa. Ang sasama tumingin, nireremind naman ako nila Fleigh at Hera everytime na mapapansin nila ako na hindi na komportable.  Huwag ko na lang daw pansinin, masasanay lang raw ako. Paulit-ulit at halos mamemorize ko na ang mga sinasabi nila sa'kin.

After namin kumain nagdecide sila na pumunta muna sa library. Hintayin ko nalang raw sila dito sa Dinning Hall may kukunin lang silang libro magrereview kami para sa quiz bukas.

Sana may maisagot ako bakit pa kasi nauso ang history na subject. Ang hilig-hilig balikan ang nakaraan tapos na nga babalikan pa. History na nga 'di ba? dapat past na. 

SAVE ME FROM HELL ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon