Chapter 17 - Baby Vamps

1.5K 44 6
                                    

Multimedia: Alcovers 

Agatha Whistleton

Nakaramdam ako ng kung anong tumutusok sa katawan ko kaya napadilat ako mula sa pagkakatulog.

Pagkadilat ko ay bumulaga sakin ang amilyar na lugar. Ang madilim na dungeon ng Alcovers.

Damn! Nakuha na naman nila ako. Bat kasi ang bilis makapagpatulog nung magic nila. Duh? Hindi ako katulad ng nasa teleserye na itatanong kung nasan ako? Kung anong nangyari.

Tinignan ko yung katawan ko. Mabuti pala at nagheal yung sugat ko ibig sabihin, hindi kasama sa pana yung spell na nakapagpatulog sakin. Pero curious talaga ako kung sino yung dalawang lalaking nakamaskara. Lintek na mga yun ako lagi ang pinagtitripan.

Walang tao sa loob ng kwartong kinalalagyan ko pero may mga itim na pixie dust na nakapulupot sakin.

Pinagmasdan kong mabuti ang loob ng dungeon dahil hindi ko to napagmasdan ng matagal nung huling beses na dinala ako ditto ni Xavier.

May isang malaking parang estatwa ng isang babae sa gitna ng malaking kwarto at bakas ditto ang kalumaan ng lugar.

Bat ganon? Kailangan talaga pag mga kontrabida panget ang lugar? Ayaw ba nila sa malinis na lugar? Pwede naman madilim pa rin pero sana naman ayusin nila buti na lang at wala akong nakikitang mga bangkay na kung saan-saan lang nakalagay no. Ganun kasi diba sa mga TV series? Kung saan-saan lang nila inilalagay yung mga patay na katawan.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng may pumasok na isang babae at dalawang taong nakamaskara na base sa suot nila ay lalake sila. Sila yung nakita ko sa vision ni Yui na pumatay kay Agate.

Nabuhay ang galit sa dibdib ko.

“Ang tagal mo naman magising Whistleton. Ilang oras na kaming nag aantay sa pag gising mo eh” sabi nung babae.

“Sino ka?!” Pasigaw na tanong ko sakanya.

“Uh-oh, di ganyan kausapin ang nakakaganda, pero sige sasagutin ko ang tanong mo. Ako si Reese. Reese Clifford.” Bigla siyang nagcast ng pixie dust papunta sakit at bigla akong napasigaw sa hapding naramdaman ko ng tumama sakin yung pixie dust niya na itim.

“Ay boring naman. Anyway, dib a nakakakita ka ng future? Bat di mo kaya subukang alamin ang gagawinko sayo ha?!” Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa may baba ko.

Ikinumpas ko yung kamay ko na nakatali sa likod para makuha ko yung wand ko pero di ako makagawa ng magic. Damn. Why? Inulit ko pa pero walang nangyayari.

“Oh sweetie, Di gagana ditto ang magic mo. See this? Prevention yan sa pag gamit mo ng magic and spell mo” Bigla kasing may naging visible na parang nasa malaking bola ako.

“DAMN YOU! LET ME GO!” Asik ko sakanila.

Tumawa lang si Reese at nakita kong lumabas na ng kwarto pero naiwan yung dalawang lalaking nakamaskara.

Mukang babantayan nila ako.

Pinilit kong abutin yung kunai ko na nakatago sa sleeve ng damit ko.

“Nakuha na namin jan ang kunai mo.“ Sabi nung isang lalaki at itinaas yung kunai ko.

Iginalaw ko naman ang paa ko para lumabas sa may pajama ko yung isang kunai ko pa.

“Eto pa oh” Taas nung isa pang lalaki sa kunai na hawak niya ng hindi tumitingin sakin.

“Nakuha na rin namin yung shuriken sa may dibdib mo, flat chested ka pala tsk. Pati na rin yung shuriken sa may bewang mo. At yung maliliit na needles sa may buhok mo” Pervert din tong lalaking to eh. Sabihan pa kong flat chested?! Baket, kasalanan ko bang maging flat chested ako?

Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon