Chapter 28 - Book of Elements

918 28 1
                                    

Kwin Robbins

“Kwin! Tignan mo ‘to.” Lumapit ako kay Savannah at tinignan yung hawak nyang libro. Andito kami ngayopng dalawa sa library upang maghanap ng solusyon para sa nangyayari sa magkapatid.

“Anong meron dyan?” Tanong ko sakanya dahil wala naman akong ibang mabasa dahil puro blanko ang laman ng pahina.

“Ewan ko rin pero ang weird kasi neto eh. Sa lahat ng librong nakita naten, ito yung hindi lumalabas ang sulat. Unlike sa ibang book pag binuksan mo, yung blank pages nagkakaron ng writings and images pero ito kahit anong gawin ko, wala eh.” Kumunot ang noo ko sa sinabi nya kaya kinuha ko yung libro at umupo sa malapit na silya at ipinatong sa table yung libro.

“Baka naman blank book lang talaga to?” tanong ko.

“Ganon? Siguro nga. Eh bakit nandito? Wala naman mapapala ang mga estudyante kung bubuksan yan kasi wala namang laman.” Sagot ni Sav at pumunta ulit sa mga shelves para maghanap ng ibang libro.

Tumayo na rin ako at iniwan muna yung libro sa lamesa at bumalik sa paghahanap ng mga iba pang makakatulong na libro.

Umupo ako sa sahig ng library at inisa-isa yung mga libro na nasa ilalim na parte ng shelves. Kukuha n asana ako ng isang libro ng biglang humangin ng malakas at nakita kong bumukas ang bintana na malapit samin at narinig ko yung tunog ng libro na nagpapalit ng pahina. Halos sabay kaming napatingin dito ni Savannah. Nakiramdam ako sa paligid at ganon rin si Savannah pero wala namang kakaiba kaya umapos ako ulit ng upo.

“Sav,sarado mo nga yang bintana. Ang lamig eh” utos ko kay Savannah.

Sumunod naman siya kaya ako ay umayos sa ginagawa ko.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng libro na pwede naming magamit pero wala parin akong nakitang makakatulong samin. Yung ibang libro ay puro medical spells at mga basic magics pero wala akong nakikitang related para sa nangyayari samin ngayon.

“Nagugutom na ko Kwinnie” reklamo ng ngayon ay nakasimangot na si Savannah.

“Text mo si Jackson padala ka ng foods dito.” Sabi ko habang binubuklat yung librong hawak ko at hindi tumitingin sakanya.

“Wag na. Alam mo naming busy ang mga yon eh.” Halata ko ang inip sa boses ng babaeng to.

Oo nga pala naghiwa-hiwalay kami para mas mapadali ang lahat. Para mas madali kaming makahanap ng solusyon sa sitwasyon namen ngayon. Wala man isa samin ng nakakaalam kung saan yung lugar na pinagdalhan samin ng mga Alcovers. Ang iniisip namen ay binura ang ala-ala namen bago kami paalisin sa lugar na yon. Sila Jackson at iba pang lalaki ay napag-usapang susuyurin ang rosewood para makahanap ng ibang pwedeng makitang palatandaan sa pinagdalhan samin. Si Yui, Seira at Niquee naman ay nakabantay kay Agate na ngayon ay hindi pa rin nagigising mula ng makarating kami dito. Hindi rin gumagana ang locator spell pag sinusubukan naming hanapin si Agatha.

Hindi pwedeng bumaba sa tatlo ang nagbabantay kay Agate dahil ilang beses ng napagtangkaan ang buhay neto sa loob ng isang gabi mula ng dumating kami.

Sila ina naman at ang ibang guro’t mga fairies ay kasalukuyang gumagawa ng plano upang malaman ang mga nangyayari.

Naawa rin ako kay Seira dahil masyado rin syang apektado sa mga nangyayari. Mula ng malaman naming isa si Sir Abelgos sa dalawang taong nakamaskara na traydor ay madalang namen syang makitang ngumiti o magbigay ng emosyon. Nalaman rin naming isa ang daddy nya sa traydor.

“Kwinnie~ ano ba! Huy” bigla akong napabalik sa realidad dahil sa pagyugyog ni Savannah sa balikat ko.

“ano?” tanong ko at ibinalik ang focus sa librong nakapatong sa mga binti ko.

Secrets of Hentalia (Lemblin Series #1) MAJOR EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon