"Thank you, sweetheart. That was so close." Napasandal siya sa railings na habol ang hininga habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Nag-alala ako sa kanya. Alam kung nagsimula na si Lolo Oliver sa binabalak niya. Ito ang party na gusto niya.
Napukaw ang atensyon ko sa baba nang natumba paunti-unti ang mga bisita pagkatapos nilang mainom ang wine na binigay ng waiter. May pampatulog ang wine na nainom nila. Alam ko na ito pero hindi ko sinabi kay Lanz.
"Sh*t!" mahinang mura ko.
Nahalata naman ni Lanz kaya napatingin siya kung saan ako tumingin. Napakuyom ang kanyang kamao nang makita niya ang nangyari sa lahat ng mga bisita. Ramdam ko ang galit niya ngayon.
"Sweetheart, this is it. He planned everything. At muntikan na akong matulad sa kanila. Thank you so much, sweetheart. You saved me."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil busy ang mata ko na hanapin sina Farah, si Daddy, at ang dalawa kong Lolo. Hindi ko pa rin mahagilap ang apat na iyon. Nasaan sila?
"Lanz, nasaan si Farah?" seryosong tanong ko. Doon naman siya natauhan.
"Fvck! I forgot. Nagpaalam iyon sa akin na mag-CR lang pero hanggang ngayon hindi pa bumalik. Sh*t! Naisahan ako." Halata ang pag-alala sa kapatid. Hindi ito mapakali.
"Lanz, mukhang si Farah ang target ni Lolo Oliver at hindi ikaw. Kasama niya ba ang Beta mo?" Nakita ko kasi kanina sa Davin sa listahan ng guest.
"Nope, nasa pack house siya. Sh*t! Not my sister. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kapatid ko." Nanginginig na ito sa galit pero pinigilan niya dahil nasa harap niya ako.
Nanlaki ang mata ko nang ma-realized ko ang sagot ni Lanz.
Nasa pack house si Beta Davin? Pero nakita ko ang pangalan niya sa listahan ng guest. At nakita ko rin siyang pumasok kanina. Anong ibig sabihin nito?
Gusto ko sanang sabihin kay Lanz pero may pumipigil sa akin. Sinirado ko na kanina pa ang link namin sa isa't isa nang hindi niya alam. Sinigurado ko dahil baka mabasa niya ang isip ko.
"Lanz, hanapin natin si Farah ngayon din." Sumang-ayon naman ito sa akin pero sandal itong natauhan.
"Ako lang. Stay here, sweetheart. Kung makita ko na si Farah, babalikan kita rito. Promise m-"
"No, Lanz! Tayong dalawa ang hahanap kay Farah. Hindi mo gamay ang mansion na ito." Mabilis kong kinuha ang naka-ipit na papel sa aking pouch. "This is the blueprint of this mansion." Binigay ko agad sa kanya. Tinanggap niya naman ito.
"I drew it. Just in case of emergency... you know."
"Thank you, sweetheart. You're the best." He hugged me and gave me a quick kiss on my lips. "You're indeed smart. I owe you a lot. Thank you for helping me, without you, I can't do this."
Nakagat ako ng aking pang-ibabang labi. Nakokonsensya ako. Alam ko na mangyari ito pero hindi ko sinabi kay Lanz. I am a traitor.
"I'm s-sorry, s-sweetheart," bulong ko sakto lang iyon na marinig niya. Gusto ko lang mag-sorry sa kanya dahil hindi ko mapigilan si Lolo Oliver.
Nakokonsensya ako. Naramdaman kong nag-init na ang sulok ng aking mga mata. Pinigilan ko ang sariling luha na huwag tumulo, nagawa ko naman iyon.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "No. Don't say sorry. I know you didn't know that this would happen." Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at hinaplos iyon.
I know Lanz, I know. Pero narinig ko silang nag-uusap na lagyan ng pampatulog ang wine pero hinayaan kong manyari 'yon. I'm so sorry. Wala akong may naitulong. Nadamay pa ang mga bisita. I hate this.
"Lanz, do you love me?" I asked him without cutting our gaze. Gusto ko lang malaman ulit dahil baka ito na ang huling pagkakataon namin. Alam na alam na ni Lolo Oliver ang namagitan sa aming dalawa.
"Yes, of course. I will love you until death."
"Do you trust me?"
"Yes, I always trust you, sweetheart. Why? Why are you asking this kind of question?"
"W-What if I did something wrong? Like, I hurt your loved ones? Do you still trust me?"
Hindi naman siya makasagot agad at mukhang nag-iisip pa ng tamang sagot.
"O-Of course, if you will explain. Sweetheart, what's wrong? Why do you ask some random questions?" naguguluhang tanong nito.
"N-Nothing. I just want to know your answer." Umiwas na agad ako ng tingin. "Let's go, Lanz. We need to hurry before it's too late. Give me the blueprint. I will guide you." Binigay niya agad ito sa akin.
"Nasa ikawalang palapag tayo ngayon. So, let's start here first. Dito ka sa part na ito. Dito rin ako." Tinuro ko ang nasa blueprint. "Ang left side na ito ay may hagdan patungong ikatlong palapag. Ang right side naman ay hagdan patungong unang palapag. Doon sa dinaanan ko kanina. Pagkatapos nating matingnan ang ikalawang palapag. Ikaw sa left, ako sa right. Dumiretso ka na left side, dahil lima lang ang kwarto ng ikawalang palapag-left side part-mini theater room, main library room at sa right-mini gymnast room at dalawang guest room. So, ikaw na ang bahala sa ikatlong palapag. Matagpuan mo roon ang kwarto namin. Sa iyo na ito ang blueprint. Detalyado iyan."
Wala sa sarili na tinanggap niya ang blueprint. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. "W-What?" I asked when he didn't move.
"Wow, you're well-prepared. Mukhang alam mo ang plano ng iyong Lolo Oliver."
Sa tono nang pananalita nito ay mukhang pinagdududahan niya ako. Kumabog naman ng mabilis ang puso ko. Para akong nanlamig sa sinabi niya.
"D-Don't get me wrong. Hindi ko alam ang plano niya. I'm just helping you. That's all. You're doubting me now?" Tinatagan ko ang boses ko para hindi niya mahalata ang naramdaman ko ngayon.
Tumawa naman siya ng malakas pagkatapos ay sumeryoso. "Nope. I'm not. I trust you... always, sweetheart. I'm just teasing you."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mapapahamak sa mahal ko sa buhay. Kailangan naming makita si Farah. Baka may masama nang mangyari sa kanya. Wala akong kaalam-alam sa plano ni Lolo Oliver pero may kutob ako dahil binigyan niya ako ng warning. Kaya hinanda ko ang sarili ko.
"Okay, let's go," I said. Aalis na sana ako pupunta sa kanang bahagi pero hinila niya ako papalapit sa kanya. He gave me a quick kiss on my forehead.
"I love you, sweetheart. Take care. Call my name in your mind if you're in danger. Okay?" he whispered.
"Okay, thank you. I love you too, my Alpha. Mag-ingat ka rin. Delikadong kalaban si Lolo Oliver."
Tumango at ngumiti lang siya sa akin. Tumalikod na ako. We parted ways. Napatigil ako sa kalagitnaan ng hallway at nilingon siya.
"I'm sorry, Lanz. I hope you will trust me after this," bulong ko sa kawalan.
* * *
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Twenty-Three
Start from the beginning
