Chapter Twenty-Two

Start from the beginning
                                        

"Water is better than blood. Water... water. Yeah..." Nanlaki ang mata ko habang binibigkas iyon. Masaya akong malaman ang susi ng talaarawan ni Lolo Oliver. "...I hope, tama ako... please!" asang-asa na sambit ko.

Bibit ang talaarawan ni Lolo Oliver, nagmamadali akong pumunta ng lababo para kumuha ng tubig. Nang makakuha na ako ay unti-unti kong binasa ng tubig ang talaarawan na hawak ko.

Namangha naman ako sa aking nakita nang nagsimulang nagsilabasan ang mga letrang nakasulat sa talaarawan. Akala ko ay mapunit ang papel o magkadikit-dikit pero nagkakamali ako. Mas lalo itong tumitibay. Nakakamangha. Anong klaseng papel ito?

I read the first page of Lolo Oliver's diary. Napalunok ako at sobrang kinakabahan sa matuklasan. Pinagpawisan na ako at nanginginig na hinawakan ang isang pahina.

"Kaya ko ito. Kaya mo ito, Veronica," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.

Pahina I

"Noong labinwalong gulang na ako, pinakilala ako ng aking ina sa aking tunay na ama. Tinanggap naman agad ako ng aking ama at ng asawa nito. Halata naman daw na anak ako ng naturing Alpha-ng aking tunay na ama. Taos-pusong tinanggap ako ng pamilya nila. May anak na sila at tatlong taon ang agwat ko sa kanya. Lalaki rin ito tulad ko. Natutuwa ako na may kapatid ako. Pinatira nila ako sa kanilang tahanan at tinuring na isa ako sa anak ng Luna. Sa sobra kong pag-enjoy sa buhay kasama ang aking ama at ang pamilya nito hindi ko namalayang unti-unting tumatamlay ang aking ina. Isang beses sa isang buwan lang kasi akong bumibisita sa kanya. Pinaubaya niya na ako sa aking ama dahil daw may karamdaman siya. Gusto ko man na samahan siya sa sariling bahay namin pero hindi niya ko pinayagan. May isang trahedya ang hindi ko matanggap. Nadatnan kong wala nang buhay ang aking ina. At tanging sulat lang nito ang aking nabasa. Iyong pagkakaintindi ko sa sulat ng aking ina, namatay siya dahil pinabayaan niya ang kanyang sarili, dahil din sa lungkot at pangungulila. Dinibdib nito ang pagpakasal ng lalaking mahal niya sa ibang babae. Pinakasalan daw ng lalaking mahal nito ang babae dahil mated ang dalawa. Walang nagawa ang ina ko dahil doon. Kaya siya na lang ang kusang lumayo. Hindi alam ng lalaking mahal niya na buntis siya at ang Alpha ang ama. Sasabihin na sana ng ina ko na buntis siya pero hindi niya nagawa dahil agad-agaran itong nagpakasal. Pinalaki niya mag-isa ang bata at ako iyon. Kuhang-kuha ko raw ang mukha ng lalaking mahal niya. Tama siya kamukhang-kamukha ko nga ang aking ama na ngayon ay kapiling ko na kasama ang kanyang pamilya. Pero, medyo dumistansya ako dahil naiinis ako sa aking ama, na pinabayaan ang aking ina pagkatapos ang lahat. Ang bilis niyang makahanap ng kapalit. Alam ko na p'wedeng ma-reject at mapawalang bisa ang kabiyak pero hindi ginawa ng aking ama. Pursigido itong pinakasalan ang mate niya. Iniwan niya ang unang babaeng minahal niya dahil mated na siya. May galit ako sa aking ama at sa pamilya niya nang namatay ang aking ina."

Hindi ko namalayang napaiyak ako sa unang pahina. Nalulungkot ako sa sinapit ng ina ni Lolo Oliver. Kaya ba galit siya sa McMahon hanggang ngayon? Pero naging mabuti naman sa kanya ang kanyang ama, hindi pa ba sapat para sa kanya iyon? Napabuga ako ng hangin bago binuklat ang ikalawang pahina.

Pahina II

"Kahit samang-sama ang loob ko sa aking ama. Respecful naman ako sa kanila. Masunurin din ako. Lagi kong kasama ang kapatid ko sa ama... si Xander. Nag-iisa lang itong anak ng aking ama sa kanyang mate. Spoiled brat ito pero close kaming dalawa. Masungit ito sa iba pero sa akin hindi. Ito ang ikinatutuwa ko dahil tinuring niya rin akong kapatid. Sabay kaming nag-aaral, sabay kaming nag-e-ensayo. Sabay kami sa lahat ng gawain pero hindi nangyaring nakipagkompetisyon kami. Pareho-pareho lang ang tingin sa amin pero mas ginagalang siya ng lahat dahil siya ay legal na anak ng Alpha. Iyon lang ang pinagkaiba sa lahat."

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now