Sette

217 31 15
                                    

Il plagio è un crimine.

AURORA

Parehas na kaming umiiyak ni Aliana dahil sa rebelasyon ni Jael. Ngayon napagtanto ko talaga na walang nalalaman si Aliana sa nararamdaman sa kanya ni Jael.

"M-mahal mo a-ako?" tanong ni Aliana kahit panay ang hikbi nya. Hinahayaan lamang nito na umagos ang kanyang luha.

Hinarap naman ni Jael si Aliana at sya na ang nagpunas ng mga luha nito.

Dati ako yung pinupunasan mo nang luha tuwing nagagalit ka sakin.

Tinanguan na lamang ni Jael si Aliana bilang sagot at niyakap nya ang luhaang babae.

Pucha. Paano naman ako? Nasasaktan ako pero walang dumadamay sakin.

Pagkasambit ko nun sa aking isipan ay naramdaman kong nilapitan ako ni Malfoy. Tinignan ko sya habang pilit na pinapahid ang mga luhang wala atang balak na tumigil.

Tignan naman ako ni Malfoy na parang sinasabi nya na magiging ayos din ang lahat at umalis na sa karinderya ni Aling Mena.

Kakain lang sana ako ng pabortio kong adobong sitaw pero nauwi sa pagiyak ng aking mga mata kasabay ng puso ko.

Hindi ko na nilingon pa ang dalawa na magkayakap habang paalis kami. Tahimik naman sa aking tabi si Malfoy at ramdam ko na nasa likuran lang si Israeil.

Nang medyo tumahan na ako habang naglalakad ay naramdaman ko na ang gutom na nakaligtaan ko kanina.

"Gutom nako," walang malay kong sabi kay Malfoy.

Narinig nya naman iyon at inunahan ako sa paglakad para sundan sya sa kanyang pupuntahan. Dahil mas nauuna nang lumakad si Malfoy ay si Israeil naman ang tumabi sa akin.

"Ayos ka na? Ay, di ka nga pala ayos gawa ng nangyari kanina." Ano ba 'tong si Israeil. Magtatanong alam naman na ang sagot ko. At parang sya na rin ang sumagot sa tanong nya.

Medyo natawa naman ako sa kabaliwan ni Israeil.

"Tamo, natawa ka din sa gulo ng tanong ko," sambit ni Israeil na nahuli pala akong napatawa sa tanong nya.

"Obvious naman kasi ng sagot, tatanungin mo pa," sabi ko at nilagay ang shades sa gitna ng aking damit sa may dibdib dahil pawala na ang araw. Wallet lang kasi ang dala ko at nakakatamad din magbitbit ng bag eh wallet lang naman ang dala.

"So pede na pala alisin yang shades mo kahit 'di pa completely na madilim?" Tanong nya sakin. Oo nga pala, hindi ito katulad nina Malfoy na nakasama ko sa school kaya siguro naninibago parin sya sa akin.

"Oo, medyo lumilinaw na ang mata ko pag padilim na." Tugon ko naman at pinunasan gamit ng likod ng aking kamay ang medyo natuyo pang luha mula sa pagiyak ko kanina.

Kumain kami nina Malfoy sa isa pang karinderya na medyo malapit na sa aming bahay. Talagang choosy lang ako at dinadayo pa ang karinderya ni Aling Mena para lang sa adobong sitaw na paborito ko.

"Aje, ano bang nangyari kanina? Ba't parang ngayon ko lang nakita yung babae na kasama ni Jael?" sabi ni Malfoy nang matapos syang kumain.

Si Israeil naman ay patapos na din pero ako ay wala pa sa kalahati ang kinakain. Sadya sigurong mabilis lang talaga kumain ang mga lalaki.

"Si Aliana kabatch din natin yun. Hindi mo lang din siguro nakikita kasi busy ka sa acads. Bestfriend daw sya ni Jael yun pala mahal na." Ni hindi ko naitago ang pagkabitter sa sagot ko kay Malfoy. Syempre kanina lang naman kami nangbreak at first boyfriend ko ang mokong na yon.

"Ah yung transferee last year. Kilala ko sya pero parang ngayon ko lang naman nakita na magkasama yung dalawa."

"Noong nagdaang araw lang daw nalaman ni Aliana na nandito si Jael. 'Tsaka kahit ako din naman di ko alam na magbestfriend yung dalawa, walang nabanggit si Jael sakin," sabi ko sabay subo nang inorder kong porkchop na may kasamang sabaw ng nilaga.

"Kung mahal sya ni Jael, eh anong pinaramdam nya sayo nang mahigit dalawang taon?" tanong pa ulit ni Malfoy na sya nagpatigil sa pagsubo ko ng aking pagkain.

Nakakapagtaka nga namang kakakita lang nila ay mahal na agad ni Jael ang babae.

Siguro nga ay matagal na itong may lihim na pagtingin kay Aliana nung elemetarya pa ang mga ito.

"Siguro minahal nya ako pero hindi humigit sa pagmamahal nya kay Aliana." Malungkot kong sabi kay Malfoy.

"Gago nya kung ganon," sabat naman ni Israeil kaya sa kanya kami napatingin ni Malfoy.

Gago? Oo siguro gago sya na hindi nya muna ako kinausap nang ayos at 'di na lang nagparamdam.

"'Di sya marunong magpahalaga ng tao na nagmamahal sa kanya." dagdag pa ni Israeil. Teka kung makaasta si Israeil ay parang ito ang nawasak ang puso.

"Israeil ako yung nasaktan hindi ikaw, andrama mo ha." Pabiro kong sabi sa kanya. Napatawa rin naman si Malfoy.

"Ako yung nasasaktan para sayo," sabi nya at tinitigan ako katulad ng pagtitig nya sa akin nung naggraduation speech ako.

Ayan na naman yung pares ng kulay tsokolate nyang mata na may samut-saring mga emosyon na hindi ko mapangalanan.

Ako ang unang nagbitaw ng tingin at hinampas sya sa balikat.

"Tangi, sabi nang wag ka madrama. Tsaka ako pa? Kayang kaya ko magmove on magisa no," sabi ko sa kanila at para na rin sa sarili ko para tumatag kahit papaano ang nadurog kong puso kanina.

Nang matapos akong antayin nang dalawa na matapos ang aking inorder ay naglakad na kami pauwi dahil madadaanan ang aming bahay papunta sa bahay nina Malfoy. Si Israeil naman ay nakikitira kina Malfoy kaya talagang sabay-sabay kami sa paguwi.

Nagkuwentuhan kaming tatlo at doon ko nalaman na nakaleave lang si Israeil mula sa militar dahil sa graduation ni Malfoy. Hindi ko nga lang natanong kung ano ang rank ni Dawn dahil agad na napalitan ang aming topic.

Nakatulong naman ang aming usapan para saglit na makalimutan ang nangyari kanina. Hindi kasi nauubusan ng kuwento si Malfoy, mapanakakatawa o epic moments nya.

"Salamat sa inyo ha? Sige una na ako." Pagpapaalam ko sa dalawa nang makarating ako sa may gate namin.

Nakatalikod na ako sa dalawa nang tawagin ako ni Israeil kaya napaharap ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko kay Israeil.

Nauna nang naglalakad si Malfoy at ito namang si Israeil ay parang tutunawin ata ako gamit ng kanyang mga mata.

"Sisiguraduhin kong hindi kana ulit masasaktan, Aurora."



continua.

Nebulous Eyes (COMPLETED) #Wattys2020Where stories live. Discover now