Chapter 6

265 17 8
                                    

Promise

Keanu's POV

May binulong si Nikolai sakin
"Nagseselos best friend mo haha" tumawa siya ng pagak. Nakitawa din ako.

Tinapunan ko ng tingin si Gerald tas tuminging din siya sakin. Tumaas kilay niya na parang nagsasabing 'ang tagal niyo ng magkayakap ahh, baka di na kayo mabuwag niyan'. Kasi kahit ngayon magkayakap parin kami ni Nikolai. Dahil si Nikolai ang nauna kaya siya ang mas may karapatan sa yakap hihi. Kasi naman parang tuko kadin kanina makayakap kay Madel.

Humiwalay na si Nikolai "sigi na punta kana sa best friend mo"

Lumapit ako kay Gerald tas nag congratulate. Pero di siya sumasagot. Nakasimangot lang siya.

Nang natapos na ang lahat. As in lahat nang kalat mula sa Halloween party namin and Mr and Ms Halloween ay gusto ko ng umuwi. It's already 9 in the evening. May Disco pa pero uwing uwi nako haha. Pinabahala ko nalang sa vice ang mga kinakailangan doon.

"Tara na uwi na tayo?" Alok ko sa kanya di parin siya sumasagot. Tanging pagtaas ng kilay lang ang ginagawa niya. Tinarayan ako haha. Ang nakakatuwa dun e di siya marunong mag taray hahaha. Dalawang kilay kasi tumataas e.

Nandito na kami sa pinarkingan ng motor. Pero di parin siya nagsasalita.

"Gusto mo dun ka sa bahay matulog, gusto ko kasi i-celebrate yong pagka 2nd placer mo" tuminging siya sakin. Hihihi. Kunti nalang ngingiti din yan.

"Plano ko sanang ipagluto ka ng adobong manok" pasimple kong sabi

"Gusto ko may lumpia din" ayon kinagat din ang pa-in hahahaha. Mission complete. Ang basic naman non.

Inistart na niya ang motor tas binigay sakin ang isang helmet. Nilagay ko sa ulo ko Yung helmet pero diko nilock kasi di ako comfortable.

"Napakapasaway mo talaga. Pano kung madisgrasya tayo?" Ano bang nagawa kong kasalanan ngayong araw bakit galit tong kaibigan ko. Tapos in-off niya yung motor tas bumaba tsaka inayos niya yung helmet tas nilock niya.

"Wag mong higpitan" pero pinakitaan niya lang ako ng walang expression na mukha. 

"Hihihi Sabi ko higpitan mo pa para safe" nako po Gerald.

Kaya nakaabot kami sa bahay na safe pero para naman akong sinasakal pero okay lang pasimple naman ako sa paghawak ng mahigpit sa kanya kanina. Hihi.

"May ikwekwento kapa sakin" bigla niyang sabi ng nakapasok kami sa bahay.

"Bakit parang ang moody mo ngayon?" Selos ba ito? Sana Oo.

"Wala, mas proud kapa kasi kay Nikolai na bago mulang nakilala parang kayo yong mag best friend" ahhh nagtatampo lang pala

Tinutusok-tusok ko yong tagiliran niya "hahahaha nagtatampo ang best friend ko" sheeeeeit kahit kailan pasimple talaga ako. Haha

"Wag kang magalala ikaw yong mahal ko" naging bulalas ko. "Best friend kita diba?" Dugtong ko bago pa siya makareact agad

"Okay lang na magkwentuhan tayo habang nagluluto ako doon na ako magpapaliwanag hihi?" Tapos gusto lang kita makita habang nagluluto

"Okay Lang, 9:27 palang naman ng gabi" sagot naman niya habang papunta sa kwarto ko magpapalit.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na agad ako sa kusina. Hinugasan kona yong manok at nilabas sa ref ang ready to cook na lumpia. Ang lumpia kasi ang paborito naming pagkain ni Gerald Kaya di ako mawawalan ng lumpia sa ref.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita

"So ano nga ang nangyari bakit kayo biglang naging kaibigan ni Nikolai? Nagpalabas muna ako ng hangin mula sa gulat tapos nagsimulang mag explain.

His Kind Of Love (BxB)Where stories live. Discover now